Biglang nagising si Lena nang maramdaman ang mainit na balat na humahaplos sa kaniyang mukha. Sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay nakita niya si Uno na mataimtimtim sa kaniyang nakatitig habang hawak ang kaniyang pisngi. "Patawad kung nagising kita," mahinang sambit ni Uno habang nakatitig sa mukha ni Lena. Namumugto pa rin ang mga mata nito dahil sa labis na pag-iyak. Kitang-kita rin niya ang labis na kalungkutan na bumabalot ngayon sa dalaga. Dahan-dahang inalis ni Uno ang kaniyang palad at bahagyang itinagilid ang ulo. Pakiramdam niya'y tila paulit-ulit na sinaksak ang puso niya dahil sa labis na kirot na nararamdan. Hindi niya alam kung paano at saan siya magsisimula. Kasalanan niya ang lahat dahil naging pabaya siya sa lahat ng pagkakataon. Sigurado siya na nagdaramdam pa rin ito da

