CHAPTER THREE

2072 Words
CHAPTER THREE   Year 2018   IT’S BEEN one week since Kirsten met Lucas at one week na rin siya nitong tinatawagan at tinetext. She’s not even complaining kasi natutuwa siya sa mga k’wento nito at somehow Lucas keeps her boring day alive.      Busy ang best friend niyang si Ken dahil finals na nila kaya madalas si Lucas ang kaniyang nakakausap. Si Lucas naman ay tapos na raw sa finals dahil tatlong araw lang iyon at kila Ken naman ay apat na araw at iyon ang huling araw ng final exam nila Ken.     “Hala! Baka naman naiistorbo na kita? Hindi naman ’di ba?" tanong ni Lucas kay Kirsten. Kausap na naman ni Kirsten ang binata sa phone at mahigit isang oras na silang nag-uusap. ’Di talaga inakala ni Kirsten na magiging close sila ni Lucas ng gano’n kadali. Siguro na-miss lang niya talaga ang magkaroon ng bagong kaibigan dahil simula no’ng hindi na siya pinagta-travel ng mom niya, si Ken na lang ang naiwan sa mga kaibigan niya and her other friends left her. Aside from Ken, si Tim paminsan minsan na lang niya nakakausap dahil iba ang timezone nito kasi nasa America na ito. Ang kinatutuwa ni Kirsten ay kahit na iba ang timezone nila ni Tim, kinakausap at kinukumusta pa rin siya nito. Well, at least nalaman niya na si Ken at Tim lang pala ang naging totoo sa kaniya.     “Nako, Lucas. Isang oras na tayo nag-uusap ngayon mo pa ako tatanungin niyan?” Kirsten laughed a bit while talking to Lucas.      “Edi hindi nga kita naiistorbo?” Lucas asked her. Kanina pa nga kinikilig ang isang ’to dahil hindi naman niya inakalang super bilis nila magiging close ni Kirsten, nag-aalangan pa nga siya no’ng una dahil baka isipin ni Kirsten feeling close siya pero mabuti ay hindi naman gano’n ang nangyari.      “No. Nag-eenjoy kaya ako kapag kausap kita.” Kirsten smiled a bit while answering Lucas’ question because it’s true. Walang halong biro, sobra siyang natutuwa kapag kausap niya si Lucas lalo na’t wala naman siyang kapatid and having someone talking to you kahit na minsan alam niyang pinapatagal lang ni Lucas ang usapan nila sa hindi niya alam na dahilan ay sobrang naaappreciate ’yon ni Kirsten.      “Grabe na talaga. Nakakakilig talaga. P’wede na ako mamatay.” biro ni Lucas na hindi naman nagustuhan ni Kirsten.      That’s when Kirsten become serious. “Lucas, don't say that. ’Wag mong gawing kalokohan ang kamatayan. Hindi magandang biro ’yan.”      Ilang beses nang napunta sa alanganin ang buhay niya na naging dahilan kung bakit natigil ang pagta-travel niya kaya kapag may naririnig siyang gano’ng biro, nagiging seryoso siya agad.      “Ah… pasensiya na, Kirsten.” Medyo nag-hesitate na si Lucas ng kaunti dahil pakiramdam niya wrong thing ang nasabi niya kay Kirsten and it’s the first time na narinig niya na gano’ng kaseryoso ang dalaga. “Nadala lang ng bugso ng damdamin.”      Umiling si Kirsten. “Base sa boses mo para kang natakot sa akin ah? ’Di naman ako nangangagat, eh. I just don’t like na ginagawang biro ang kamatayan, Lucas. It’s not funny.”      "Grabe talaga, Kirsten. Pinakaba mo ako. Akala ko naman magagalit ka na sa akin.” wika ni Lucas na ngayon ay kabado pa rin dahil sa naging reaction ni Kirsten.      “Hindi ako magagalit sayo, Lucas. Saka bakit naman ako magagalit sayo? Wala ka namang ginawang mali sa akin.” Mahinahong sabi ni Kirsten sa binata. “At saka sinabi ko lang naman na hindi ’yon magandang biro.”      “Tama tama. I really apologize if that offended you ha, Kirsten. I’m okay that you corrected me at least alam ko na it’s not okay to say something like that.” wika ni Lucas pagkatapos ay tumahimik muna ito bago nagsalita muli. “Hmm. Kirsten? Matanong ko lang, free ka ba this Saturday?”      Kirsten laughed. “Are you asking me out ha, Lucas?”      “N-no, I'm not,” Lucas said in a stuttered voice. “Gusto ko lang ulit na makipag-usap sayo ng personal. Nakakamiss kasi eh.” paliwanag ni Lucas.      “Sus. Galawan mo, ah. Hindi nga ako p’wede, Lucas. Ilang beses mo na rin ako tinatanong niyan kapag tinatawagan mo ako. Hindi talaga ako p’wede,” she sighed “Kahit gustohin ko man, bawal talaga”  “Then at least tell me why you’re not always available to go out and just you know relax and have fun?” Curious na tanong ni Lucas. He alwas wonder why kapag tinatanong niya si Kirsten na lumabas ay laging bawal ito. Gusto niya talaga malaman ang dahilan.     She smiled a bit and shrugged. “It’s a very long story to tell, Lucas. Baka magsawa ka lang makinig sa ’kin.”      “No. Bakit naman ako magsasawang makinig sa ’yo? Never ako magsasawa, Kirsten. How can I do that when you’re my life inspiration?” No sugarcoating, Lucas said that because it’s true.      Hindi naman maiwasan ni Kirsten ang mapangiti. Lagi na lang siyang cinocompliment ni Lucas and it really make her day.     “Alam mo, Lucas? Gutom lang ’yan. Kumain ka muna then call me when you’re done. It’s lunch time already so I’ll also eat my lunch first you know."     “But we can talk to each other while we’re eating.” Lucas insisted.     “No, Lucas.”      “I don't mind hearing you munching your food at all.”      Kirsten laughed. “No is a no, Lucas. ’Wag na makulit.”      “Minsan lang naman eh.”      “No, Lucas.”      She heard him sighed.      “Sige na nga. I'll call you later, Kirsten. Happy lunch! Kain ka ng madami, okay?”      “You too, Lucas.” Kirsten said and then she hung up the call.      As soon as the call is over, Kirsten went downstairs to eat lunch with her mom. It’s always her favorite part of the day because that’s the only way she and her mom can bond somehow. After lunch kasi pumapasok na ang mom niya sa work at hanggang umaga ’yon kaya ang gising ng mom niya late na which is time for lunch kaya that is her favorite part of the day kasi doon lang sila nagkakausap ng mom niya.      “I heard you talking to someone on your phone again, Kirsten. It’s almost a week and you’re always on your phone. Is he someone special?”      Natawa lang si Kirsten sa tinanong sa kaniya ni Mommy Nancy. “No, mom. He’s just a friend. Kaibigan din ni Ken, I met him last week no’ng umalis ako. He’s nice. He watches my vlogs and also reads my blogs.”      Her mom smiled a bit after hearing her answer. “That’s cool. At least you have a new friend.”     She nodded and then started to eat the lunch that her mom made. AFTER KIRSTEN ate her lunch she decided to edit her video of the last trip she did two years ago. If there’s something na hindi pa niya nasasabi sa vlogs niya, it’s definitely about the accident she met two years ago. Hangga’t maaari nga ayaw niya na muna pag-usapan ‘yon. She’s really sensitive about it. Siguro kapag handa na siya sasabihin’yon sa kaniyang mga viewers pero sa ngayon, hindi pa siya handa.      Kahit naman ilang beses niyang sabihin na okay lang siya at wala na siyang sakit ng loob sa nangyari two years ago, she’ll just lie kasi nasasaktan pa rin siya sa nangyari.      She can’t blame her mother after all since ang gusto lang naman ng kaniyang Mommy Nancy ay para sa ikabubuti niya kaya sumunod siya sa gusto nito kahit na labag sa kalooban niya iyon.      One year na lang.      Kakayanin pa kaya niyang mag-antay pa ng isang taon? Sobrang gusto na niya bumalik ang dating gawi niya. Gusto na niya ng normal na buhay ulit. She want to hangout with her friend more often without making her mom worry. Ang huling labas niya kasama si Kun ay ’yong time na nakilala niya si Lucas pagkatapos ay hindi na iyon nasundan. Ayaw naman niyang magrebelde sa mommy Nancy niya dahil nag-iisang anak na nga lang siya ng mom niya magiging pasakit sa ulo pa ba siya? Of course not.      While she’s still editing her video her phone rings.      She picked up her phone and saw that it’ s Ken.      “Oh, Ken?”      “Hey, Kirs. How are you?” He asked.      “I’m good. How about you, Ken? How’s your exam? Feel ko Dean’s Lister ka ulit!”      “Sus, okay ka lang ba talaga?” Biro ni Ken sa kaniyang best friend “Me? Naitawid naman ang exam namin. Buti nga tapos na hell week!”      She pouted her lips and said, “Oo nga, I’m really good! Di ka na naman naniniwala sa ’kin. ’Yan tayo eh.” Tumawa pa si Kirsten bago ito nagsalita muli. “Buti na lang tapos na hell week niyo! You can chill na and focus on other things.”      Ken laughed a bit. “Oh? Wag kang magalit. I'm just kidding, I know you’re somehow okay. Ako naman, I’m okay also. Yeah, buti na lang talaga tapos na hell week and right now katatapos lang ng practice naming sa dance troupe.”      She’s shocked kasi usually inaabot sila ng umaga kapag may practice sila lalo na’t gabi naman usually nagsisimula ang mga dance troupe practices nila Ken dahil mostly sa kanila ay may classes during morning and afternoon. “Oh, aga naman ata natapos ng practice niyo? Dati umaabot kayo ng umaga sa practice niyo ah.”      “Well, we need to rest for a while lalo na’t malapit na ang competition kaya sinabihan kami na magpahinga na ngayon pero sa mga susunod na araw mas paspasan na daw ang practice namin. Siyempre hindi naman p’wede maging kampante kami.” Ken explained. Alam naman ni Ken na handa sila para sa competition na sinalihan nila pero ayaw niya maging masyado silang kampante lalo na’t magagaling din ang kanilang mga makakalaban.      Tumango naman ng marahan si Kirsten. “Oh, edi magpapahinga ka na? Baka naman naiistorbo kita ah?”     “Of course not. Kelan ka ba naging istorbo sa akin?”      Shems, minsan talaga ’di niya maiwasan ang kiligin sa kaibigan niya. Sobrang bait kasi ni Ken at lagi talaga itong concern sa kaniya, sino ba naman ang hindi kikiligin do’n?      “Hay, nako! Naisipan mo pang magsabi ng pick up line ah.”      Ken laughed a bit since he imagined Kirsten rolling her eyes the moment she said that to him. “It's not even a pick up line, Kirs. Alam mo namang totoo yung sinasabi ko.”      Tumango na lang siya. "Well, yeah. I know totoo nga. Crush mo kasi ako.”      “Sino bang hindi magkakacrush sa ’yo, Kirs? Tell me, uupakan ko.” Ken joked but he really knows Kirsten is the campus crush lalo na’t no’ng hindi pa ito homeschooled.      “Tss, playing safe sagot mo. Artista ka ba para gan’yan sumagot?”      Ken laughed again. “Sana nga ’no tapos fan kita edi bagay tayo? Kasi artista ako tapos fan kita.”      She can sense sa boses ni Ken na nahiya pa ito dahil sa sinabi nito sa kaniya kaya natawa na lamang siya. “Nako, Ken. Nalipasan ka ata ng tulog. Itulog mo nalang ’yan.”     “Ayoko nga. Gusto ko mag-chill kasama ka. Mall tayo?” entrada naman ni Ken.      “Ken naman...”     “Kirs, last week pa huling bonding natin at kasama pa si Lucas no’n." Malungkot na wika ng kaniyang best friend.”     “Pero Ken, alam mo namang mag-aalala si mom...”     “I already asked Tita Nancy and she agreed naman as long as na ako ang kasama mo. Let’s go to the trampoline park?”     She smiled. “Ikaw ah, may back up ka na agad. Sige, sasama ako and sure let’s go there.”     “Wear something cozy, ok? But make sure to bring a sporty outfit.” Paalala ni Ken dahil sigurado siyang pagpapawisan sila sa trampoline park.     “Sure! I’ll see you later then.”     “See you, Kirs. You can hang up on me now.”     “Okay.”     And then she hung up the phone call. Kirsten didn’t bother finishing the vlog she’s editing and just started preparing for her and Ken’s bonding later.     She’s really excited!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD