CHAPTER THIRTEEN

1690 Words
CHAPTER THIRTEEN Year 2018   “KUMUSTA NAMAN ang pag-stay mo here, Kirsten?” Luna asked Kisten. They’re done eating some barbecue at the resort at nasa pool na sila para mag-swimming. While both of the ladies are in the pool si Ken naman ay mag-isang nag-iihaw ng Liempo.             “It’s refreshing to be honest. Alam mo bang matagal ko na rin pala gusto sa ganitong environment, ’yong tipong tahimik lang at iwas sa stress na mayroon sa Manila.” Kirsten said while looking at Luna na busy katitingin kay Ken.             “But Ken said nandoon ka lang sa house niyo, right?” Tanong naman muli ni Luna na tila bang hindi nauubusan ng itatanong sa kaniya.             “That’s the point, Luna. Ang tagal kong palaging nasa bahay lang and going here sa Laguna kinda made me happy for a little bit, you know. Mahirap kasi ma-stuck sa bahay ng matagal na tipong mauubusan ka na ng gawain dahil parang feeling mo nagawa mo na ang lahat ng posibleng gawin sa bahay.” Kirsten explained na tila kitang-kita sa kaniyang mukha ang relieved na nakapunta na ulit ito sa Laguna after a long time.             “Alam mo ang curious kong tao, Kirsten.” Sagot naman ni Luna pagkatapos magsalita ni Kirsten at dagdag pa nito, “Bakit ba kasi lagi kang nasa bahay niyo lang? You look happy sa vlogs mo ah! Mag-travel ka ulit, girl!”             Ken laughed awkwardly. “Luna, masyado ka na madaming tanong kay Kirsten baka naman isipin ni Kirsten one on one interview ang pinunta mo dito.” Wika nito na ngayon ay hinihiwa na ang ibang liempo na niluto nito.             “Ken, curious lang pero you know me naman ’di ba? If Kirsten is comfortable on answering it edi sagutin niya pero if not, I’ll not ask her anymore question about it.” Luna answered pagkatapos ay tumingin naman kay Kirsten. “I don’t want you to be uncomfortable, Kirsten. Curious lang naman pero you can always say no naman to answering my questions.”             Luna is a writer like Kirsten. Ang pinagkaiba lang ni Luna at Kirsten ay isang blogger si Kirstan at si Luna naman ay isang novel writer. Mahilig lang talagang kumilala ng madaming tao si Luna kaya marami itong tanong kay Kirsten. Isama pang dahilan kaya madami itong tanong kay Kirsten ay may napanood na itong mga vlogs ni Kirsten dahil pinanood ito sa kaniya ni Lucas.             Ngumiti lamang si Kirsten nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang best friend at ni Luna bago ito muling nagsalita, “Luna, it’s gonna be a long story time. I think we need a different time for that.” wika nito bago umahon sa swimming pool. “Right now, enjoy lang muna tayo here sa Laguna and speaking about enjoy, do you want to roam around here sa Laguna, Luna?”             Ngumiti si Luna at tumango ng marahan. “Well, sure! Iyan naman ang sinabi sa akin ni Ken kaya niyo rin ako pinapunta dito.” Umahon na rin ito sa swimming pool pagkatapos ay umupo sa tabi ni Kirsten na kumakain na ulit ng niluto ni Ken na Liempo. “Uy, Ken! Kain ka na rin. Alam mo namang ikaw ang assigned sa driving task ngayon.” Humalakhak pa ito kaya natawa na lang din si Kirsten sa sinabi ni Luna.             “True, Ken. Kumain ka ng madami. Ikaw pa naman nagluto nito tapos kami lang pala mag-uubos ni Luna.” Tumawa si Kirsten pagkatapos ay nagpatuloy na ito sa pagkain ng liempo.             “Kakain ako mga madam.” Umiling si Ken bago ito umupo sa upuan. “Lalo na’t baka may balak kayo na libutin ang buong Pagsanjan eh. Talagang kakain ako ng madami.”             “I think tama talaga ’yan, Ken.” komento naman ni Kirsten.   MAKALIPAS ANG isang oras ay tapos na kumain sila Kirsten, Ken at Luna at naghahanda na sila para sa mini roadtrip nila around Pagsanjan, Laguna. Hometown iyon ni Kirsten at ayaw niyang palagpasin ang pagkakataon na hindi iyon libutin. Sa loob kasi ng isang buwan na siya ay bumalik sa Laguna, ang mga naikot pa lang niya ay ang mga madalas niyang puntahan doon noong bata pa siya.     Gaya na lang ng kanilang mga pananim, unang lingo niya nang nasa Laguna siya ay nagtanim lang siya ng nagtanim to keep her busy. On her second week naman ay pinuntahan niya ang isang café nila sa Laguna at nag-serve doon for a week kasama ng mga staffs nila. Sa third week naman niya ay nag-chill lang siya buong lingo dahil namiss niya ang pagbabasa ng mga libro kaya iyon ang ginawa niya. Sa ikaapat na linggo naman ay nag-binge watch siya ng mga series and documentaries sa Netflix.     Sa puntong iyon masaya si Kirsten na makita si Luna dahil bukod sa ito ang unang potential girlfriend na pinakilala sa kaniya ni Ken ay makakalibot na siya talaga sa Pagsanjan. It feels like travelling again but lowkey not. Tumawa si Kirsten kaya napansin iyon ni Ken at Luna habang papasok sa kotse.     “Nakakatakot naman ’tong best friend mo, Ken!” Natatawang wika ni Luna. “Bigla-bigla na lang tumatawa mag-isa! Sino ba ’yang iniisip mo? Ikaw ha!”     “Ang issue masyado ng jo—potential girlfriend mo ha, Ken!” Asar naman ni Kirsten kay Luna.     “Ayan. Sige mag-asaran lang tayo dito. Tara na nga. Food trip tayo ngayon kasi dadalhin ko kayo sa best Halo-Halo in town!”     Tuwang-tuwa ang dalawang babae habang nasa kotse dahil sa sinabi ni Ken. Kapag sa mga itinerary na lakaran maaasahan talaga si Ken dahil sobrang organized nitong tao at gusto niya kapag may ginawa siyang schedule ay natutuloy talaga.     “Aling Taleng’s yan ’di ba?” Tanong ni Kirsten.     Tumango naman si Ken. “Hindi mo pa rin pala nakalimutan ang best Halo-Halo in town dito sa Pagsanjan.” wika nito bago nagsimulang mag-drive papunta sa kanilang first destination for the day.     “Why would I?” Natatawang wika ni Kirsten pagkatapos ay humarap kay Luna. “I have chika! Alam mo ba si K—”     “Hoy, Kirsten!” Panic na sabat ni Ken habang si Luna naman ay natatawa lang sa dalawang mag-best friend. “Huwag kang magkukwento ng nakakahiya kay Luna baka magbago tingin sa ’kin.”     Kirsten sticked her tongue out pagkatapos ay nagpatuloy pa rin sa pagkukwento. “Si Ken kasi gusto niyan positive lang ang naaalala ng tao about him but alam mo ba na first embarrassing moment niya ay naganap doon sa Aling Taleng’s Halo-Halo!”     “Oh my god! Very juicy naman ng news na ’to!” Natatawang wika ni Luna. “So, what happened?”     “Ken is not a picky eater but ayaw niya talaga ’yong parang brown beans sa Halo-Halo. Ibabalik niya sana ’yong Halo-Halo sa counter pero natalisod niya kaya natapon sa kaniya ’yong Halo-Halo. Of course it’s embarrassing for him.” K’wento ni Kirsten. “Kaya when you two are going out and nag-decide kayo na kumain ng Halo-Halo, ask mo na.”     Humalakhak si Luna nang marinig ang istorya na iyon. “Funny nga kaya pala one time no’ng lumabas kami pinakain niya sa akin yong brown beans sa Halo-Halo!”     Ngumiti ng malawak si Kirstan at pagkatapos ay pinakuwento pa si Luna sa mga naging experience nito habang kasama si Ken. Sa katunayan niyan hindi naman talaga alam ni Kirsten ang lagay ng dalawa kung nagliligawan na ba sila o sila na pero masaya siya para sa kaniyang best friend. Ilang oras pa lang sila nag-uusap ni Luna pero magaan na ang loob niya dito. Masasabi na nga niya agad sa kaniyang sarili na boto siya kay Luna para kay Ken.   INABOT SILA NG kalahating oras bago nakarating sa Aling Taleng’s Halo-Halo. Mabuti nga ay wala pa masyadong tao nang makadating sila doon kasi usually mabilis dumami ang tao doon. Pinauna na ni Ken ang dalawang babae sa table dahil nag-park pa ito ng kotse. Nang makaupo na ang dalawang babae sa upuan ay agad naman sila nilapitan ng isang server at tinanong ang order nila.             “Halo-Halo muna order natin ’no?” Luna asked Kirsten.             Tumango si Kirsten. “Oo. Magdagdag na lang tayo mamaya.”             Tumango rin si Luna pagkatapos ay sinabi na nito ang kanilang order sa server. Matapos ang ilang minuto ay umalis na ang server sa kanilang table.             “Luna.” Tawag ni Kirsten sa potential girl friend ni Ken.             “Hmm? Bakit?” Nagtatakang tanong ni Luna.             “I don’t really know kung ano na ang status niyo ni Ken pero I’m really glad I met you today.” Panimula ni Kirsten. “Ikaw ang unang babaeng pinakilala niya sa akin and I know you’re really special to him. Alagaan mo siya, ha? He seems serious most of the time pero loko rin ’yan minsan. But kidding aside, I know he really likes you. Halata naman kapag tinitingnan ka niya. Kapag nagloko ’yang si Ken sabihan mo ako ah, sabay natin siyang upakan.”             Natawa si Luna nang marinig nito ang saling upakan sa dalaga. “Alam mo, mabait si Ken pero agree ako kapag nagloko upakan talaga natin. But yeah kidding aside, I’m really glad that I met him, Kirsten. Sobrang gaan kapag siya ang kasama ko. Masaya ako kay Ken.”             Ngumiti ng malapad si Kirsten pagkatapos ay bigla na lang ito napalingon sa kaniyang kaliwa dahil nagsalita si Ken na kakapasok lang sa loob ng Aling Taleng’s Halo-Halo.             “Nakakaloko naman ’yang ngiti mo, Kirsten! Binabackstab niyo ata ako, ah?”             Humalakhak si Luna pagkatapos ay tumango, “Tagal mo kasi mag-park dami na nakuwento ni Kirsten sa akin tungkol sa ’yo.”             “Ah. Akala ko tungkol kay Lucas kinukuwento niya.”             Sinamaan ng tingin ni Kirsten si Ken.             “Ah, foul ’yan, Ken.”             Tiningnan ni Luna si Kirsten ng nakakaloko na tila ba ay curious na naman. “Why are you like that when Lucas’ name is mentioned? May something talaga.”             Tumawa lang si Ken. “Hintayin mo lang, magkukwento rin ’yan si Kirsten sa ’yo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD