Nagkatinginan si Ruby at Fin nang tila magbago ang hangin, lalo pa nang sabihin ni Evelyn na tatanggapin na nila si Mika bilang kasintahan ni Ron. Na kung kagabi ay halos mangalaiti ang mga ito. Ngayon ay nais nilang pabalikin ito ngayon sa mansion para pag-usapan ang mangyayaring kasal para sa dalawa. They even said na nais nilang humingi ng tawad kay Mika at mag-set ng dinner kasama ang mga magulang nito upang mas maplano ang pagsasama ng dalawa. "How come na nagbago ang isip niyo?" tanong ni Fin sa kaniyang Ate at asawa nito na nasa tabi nito. "And why not? akala ko ba iyon ang gusto niyo? ang tangapin namin siya ng buong-buo at pumayag sa relasyon nila. Ito na, I wanted to plan a wedding soon. Mas maganda na i-annouce iyon ng mas maaga, kahit pa na on-going pa lang ang election." s

