Isinara ni Ruby ang pinto ng silid nila ni Pablo Ruiz pagkatapos ay bumaba muna sa unang palapag ng bahay upang dalhin ang baso na ginamit ni Pablo Ruiz. Gabi na at nakapahinga na rin ang mga kasambahay sa mansion kaya naman wala na rin kasambahay sa may kusina. Binuksan niya ang refrigerator at kumuha doon ng tubig na maiinom. Nang dahil sa nangyari, pakiramdam niya ay napakahaba ng araw na ito. Ang daming nangyari ngayon. Napangiti siya nang mapagtanto na lahat ay naayon sa mga plano niya. Kagaya na lamang ng inaasahan niya na mabubunyag ni Evelyn ang tungkol sa kaniya ngayon. At magiging ugat iyon ng pag-aaway nila ni Raul. Hindi lang iyon, alam niya na makakaapekto iyon sa pagtakbo ng kaniyang ama. Sigurado siya na mabilis lang kakalat ang tungkol sa nangyari sa kasal nila ni Pablo

