Third Person P.O.V. Nanlaki ang mga mata ni Carina nang sa pagdilat niya, ang natutulog na mukha ni Keith ang bumungad sa kanya. "Tangina! Nasaan kami? Bakit ko katabi sa kama ang lalaking 'to?!" nagtatakang tanong niya sa sarili. Saglit siyang napatigil, at napatitig kay Keith kasunod ang pagdako ng kanyang isang daliri sa noo ng binata pababa sa ilong hanggang sa mga labi. "Ang tangos-tangos ng ilong mo at ang pula-pula ng mga labi mo," mahina niyang sabi. Pinagmasdan niya ang gwapong mukha ng binata hanggang sa biglang dumilat ang mga mata ni Keith. Mas lalo pang lumaki ang mga mata ni Carina sa gulat. "What are you doing?" mahinang tanong ni Keith. "Why are you staring at me like that? Are you in love with me?" tanong ulit ng binata. Biglang napabangon si Carina at malakas na

