Carina' s P.O.V. Maghapon akong hindi pinansin ni Keith sa loob ng university. He is seriously mad at me. This is driving me crazy. Ayaw ko ng ganito—na parang hangin lang ako sa kanya. Bakit ayaw niyang tinatawag kong "Baby" si Clarisse? At bakit gusto niyang tawagin ko siyang "Sweetheart" all the time? Gulong-gulo na nga ako sa buo kong pagkatao, pati ang buang na yon dumagdag pa sa iniisip ko. Nilapitan ako nina Anelisse at Valeria. Humingi sila ng tawad sa akin, sinabing nabigla lang daw sila nang malamang ikakasal na ako kay Keith. Naiintindihan nila ang sitwasyon ko, lalo na si Valeria. Ilang sandali pa, lumapit din si Clarisse. "Let's talk in the abandoned room," seryoso niyang sabi bago lumabas ng classroom, tila pinapasunod ako. "Look, I am so sorry," aniya, habang hawak-

