Carina's P.O.V. Dalawang araw nang hindi pumapasok si Keith sa university.It's been a week since we last spent time together and had a proper conversation Ilang araw na rin niya akong sinusuyo, ngunit nagmamatigas pa rin ako. Napapaisip tuloy ako kung bakit hindi siya pumapasok. Ang huling text niya sa akin noong isang araw pa, kung kumain na raw ako, na hindi ko naman nireplyan. Nakadikwatro ako at ginagalaw-galaw ang isang paa habang nakatingin sa pinto ng classroom, nagbabakasakaling pumasok si Keith ngayon, pero natapos ang klase nang wala siya. "Are you okay?" tanong ni Anelisse. "Dalawang araw nang hindi pumapasok ang fiancé mo," dagdag niya. Hindi ako umimik. Malalim ang aking iniisip. Biglang lumapit si Clarisse sa akin. "I am so sorry for what I did during our last night o

