LAST CHANCE OF GOODBYE

3658 Words
"Miss Mendoza, you did it again." Masayang kinamayan ng kaniyang boss si Ara. "Maaasahan ka talaga. We should celebrate!" "Thank you, sir, but I have to go. I have an important date in an hour," paalam niya. "I see. Till our next case, then, attorney," paalam ng boss niya. Nakangiting tumalikod si Ara palabas ng building at tumungo ng parking lot. Alam niyang pinagtitinginan siya ng lahat sa loob ng court building kanina. Siya, si Ara Mendoza, ay ang sikat na abogadong madalas pahawakin ng kaniyang amo sa malalaking kliyente. Kahit ano'ng hirap ng kaso ay nagagawa niyang ipapanalo ang mga iyon. At ngayong gabi, muli siyang magwawagi. Nabalitaan niya sa kapatid ng kaniyang boyfriend na naghahanda ito ng marriage proposal para sa kaniya. "Attorney Mendoza... " Lumingon siya sa tumawag bago nakasakay sa loob ng kaniyang kotse. Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi na kaniyang ikinabigla. Naghanda siyang gumanti pero sumalubong sa kaniya ang nagtatangis na mukha ng isang dalaga. "Walang kasalanan ang daddy ko. Alam mong wala siyang kasalanan!" sumbat ni Arlene Santos. Ang anak ng natalo sa kaso. Nakaramdam siya ng tunay na awa sa bata ngunit pinilit niyang ipormal ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "I have nothing to say to you. I was just doing my job... " paliwanag ni Ara. "Noong nakaraang buwan,  nagpakulong ka ng inang napilitan lang kumuha ng pera dahil sa operasyon ng anak niya. Ngayon, daddy ko naman. Masama kang tao, wala kang kunsensiya!" muling wika nito. "Wala akong choice. Kasalanan nila 'yun. Trabaho ko ang ginawa ko." Sumunod ang babaeng namukhaan niyang sekretarya ng daddy ni Arlene.  Mahinahon siyang iniatras nito palayo.  "Trabaho niyo bang maglagay ng inosenteng tao sa likod ng rehas?" wika ng sekretarya. "Hindi ka dapat magkaroon ng pamilya, Attorney Mendoza. Ikahihiya ka nila," sabi pa nito bago tuluyang inilayo ang anak ng natalo niya sa korte kanina. ** Tahimik siyang bumyahe patungo sa lugar kung saan sila magkikita ni Norman. Ang kaniyang kasintahan. Sinalubong siya ng magandang dekorasyon at tahimik na lugar. Ang maliit na garden ay mukhang pinareserba ng binata para sa kanilang okasyon kaya kahit papaano ay gumaan ang loob niya. "Hey, congratulations. I heard the good news," salubong ni Norman sa kaniya. Nang makahalik ito ay tinulungan na siya nitong umupo sa kaniyang puwesto. Pinanood niyang asikasuhin siya ng lalaki mula pagsalin ng wine hanggang sa main course na inihanda sa kanilang dalawa. "You know, Ara. I've always been proud of you. Lahat ng achievements mo, lahat yun, ipinagmamalaki ko. Napakaswerteng ako naman ang nanalo sa puso mo." Muntik maluha si Ara sa mga narinig sa kasintahan. Inabot nito ang kaniyang kamay at hinalikan. "Ara... Ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. Alam kong mapoprotektahan mo sila gaya ng gagawin ko sa inyo at sa magiging pamilya natin. Alam kong matuturuan mo sila na maging mabuting tao. Ara... will you-" "Wait," harang ni Ara sa lalaking lumuhod na sa kaniyang harapan. Naalala niya ang dalagang umiiyak at ang kasama niya kanina sa mga katagang binanggit nila patungkol sa kaniya. Naalala niya ang mga kliyenteng ipinanalo niya at mga biktmang hindi nakakuha ng hustisya dahil sa kaniya. Sinusundot siya ng kaniyang kunsensiya. "Bago mo sabihin ang sasabihin mo, gusto kong malaman mo ang totoo," pauna niya. "Hindi ako kasing galing gaya ng iniisip mo. Hindi ako mabuting tao, Norman. Isa akong masamang abogado... I-I let criminals free and... " tuluyan nang pumatak ang luha ni Ara. Nagsisisi siya sa kaniyang mga nagawa. Tumayo si Norman at lumapit sa kaniya para yakapin siya at aluin. "Hey... You're just doing your job. Maybe you're just caught up with your company's choices of clients. You can always make it right if you think you've done wrong. It's not too late, okay?" wika nito. "I still wanna marry you, Ara. Mahal na mahal kita." Tumango si Ara at yumakap nang mahigpit kay Norman. Bukod sa kaniyang mga magulang, si Norman lang ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. The love of her life. Her bestfriend. "I'm saying yes. Oh, God forgive me. I'll change. I promise. I'll make sure I'll be a good mother to our children. And to you," tapat niyang sabi habang humihikbi. "I'll make up sa mga nagawan ko ng mali at-" Nahinto ang sasabihin ni Ara nang mapansin niya ang taong nakaitim at may takip sa bibig ang papalapit habang itinututok ang b***l sa direksiyon nila. "No!" sigaw ni Ara. Mabilis siyang kumilos. Itinago niya si Norman sa likuran niya para pigilan ang nasa harapan sa balak nito ngunit huli na. Sunod-sunod na putok ang pinakawalan nito sa kaniya. "Wala kang karapatang maging masaya," wika nito bago tumakbo papalayo. Hindi nakakilos si Ara nang magpasukan ang mga bala sa kaniyang katawan na kaniyang ikinabagsak. Hindi ako maaring mamatay. Hindi pa ko pa naitatama ang mga mali ko, sambit niya sa sarili. "Ara! Help! Ara please, stay with me. Tulungan niyo kami!" Tanging papalayong boses ni Norman ang naririg ni Ara hanggang sa magdilim nang tuluyan ang paningin niya. ******* Nasilaw si Ara sa napakaliwanag na hugis sa kaniyang harapan. Malamig ang paligid at napakagaan ng kaniyang pakiramdam. "Halika na, kapatid," wika ng boses. Anong nangyayari sa akin? Patay na ba ko?! sambit ng isip niya. Tila narinig ng liwanag ang kaniyang katanungan. Itinuro nito sa kaniyang paanan ang sahig na nagtila salamin at doon nakita ang iyak ng kaniyang mga magulang sa harap ng kaniyang bangkay. Ang tulalang si Norman na umiiyak mag-isa sa labas ng morge. "Hindi puwede! Hindi! Paano si Norman? Ang parents ko, hindi nila kakayanin ito!" hinagpis niya. Ang maliwanag na silaw ay mas lumiwanag pa nang tila may isa pang hugis ang pumalit sa harapan niya. "Ara, nag-aalala ka na mahihirapan sila?" "O-opo," sagot niya habang kinikilabutan kahit walang balahibo pa ang sa kaniya'y nagtayuan. Alam niyang ang tagaLikha ang kaniyang kausap. "Pagbibigyan kita. Bibigyan kita ng panahon para ituwid ang iyong pagkakamali at makapagpaalam sa iyong mahal sa buhay," wika Niya. "T-talaga po? Anong gagawin ko para maka-" Pumitik ang daliri ng maylikha at tila nawalan ng tatapakan si Ara. Napasigaw siya nang mahulog bago muling nagdilim ang kaniyang paningin. Napaupo si Ara para maghabol ng hininga. Namalayan na lang niya na nasa isa siyang kuwarto. Maganda ang kabuuan ng kuwarto pero di iyon pamilyar sa kaniya. Napansin niya ang nagkalat na tableta sahig kaya inilibot niya ulit ang kaniyang paningin. Sumagi ang imahe ng isang dalaga sa salamin. "Arlene?" wika niya nang mamukhaan ang repleksyon. Nagulat si Ara nang kumilos ito na gaya ng sa kaniya. Doon niya napagtanto na nasa loob siya ng katawan ng dalaga. "Oh my God. Paano nangyari ito?" Nahintakutan si Ara sa naisip na sitwasyon. Sa dinampot na mga gamot sa sahig, mukhang nagtangkang magpakamatay si Arlene. Kumilos si Ara sa katawan ng dalaga.  Sa paglapit niya sa dresser, nakita niya ang mga larawan ng mag-ama at ang sulat ng hinanakit ni Arlene sa kaniyang diary. Nakaramdam siya ng habag sa dalaga. Kahit na nasa edad bente na ito ay tila munting prinsesa pa rin ito ng kaniyang ama. Lumabas siya ng kuwarto at nakita ang malaking bahay. Walang katao-tao. Wala nang tatakbuhan si Arlene. Sa pag-aaral ng kaso ni Mr. Santos na ama nito, wala na ang kaniyang asawa, nag-iisang anak si Arlene at walang kamag-anak. Lumalabas na ulila ang dalaga. At kagagawan niya ang bagay na ito. Tumunog ang doorbell sa sa labas kaya sinilip niya iyon. May mga taong sa tingin niya ay kokolekta ng gamit. Naalala niyang babawiin ng kaniyang kliyente ang lahat ng ari-arian nito nang mapalabas nilang dumispalko ng malaking halaga sa kompanya si Mr. Santos. Muling tumunog ang doorbell. Imbes na pagbuksan, bumalik si Ara sa kuwarto. Nagbihis siya at saka lumabas sa likod ng bahay. Kahit may court order sila, hindi sila maaring pumasok nang walang pahintulot sa may-ari ng bahay. Aayusin niya ang sitwasyon ni Arlene. ******* Dahan-dahang lumapit si Ara sa tapat ng bahay nila. Maraming tao sa loob at labas. Mayroon ding mga media na nakakalat sa labas ng gate. Ako ba ang nasa loob? Pinaglalamayan nila ang katawan ko... Sumikip ang dibdib ni Ara sa tunay na sitwasyon niya. "Anak ni Mr. Santos!" dinig niyang sabi ng isang reporter sa kaniyang gilid. Na-realize niyang siya ang binabanggit nito. Nagsimula itong lumapit kaya napaatras siya. Sinubukan niyang lumayo pero marami nang nakapansin sa kaniya na media. "Miss Santos, sandali! May kinalaman ba ang daddy mo sa nangyari? Naghihiganti ba ang pamilya mo?" tanong ng mga nakahabol. "Leave her alone!" Dumako ang kaniyang mata sa pinanggalingan ng boses. "Norman!" tawag niya. Hinila siya ng binata at inilayo sa madla. Tinungo nila ang likod ng bahay at doon umupo sa paborito niyang swing. Agad niyang niyakap ang lalaki. Sabik na sabik siyang makapiling ito. "Miss." Inilayo siya ni Norman sa katawan nito saka siya tiningnan nang may pagtataka. "I'm sorry," bawi ni Ara. Hindi niya alam kung paano siya magpapakilala. Kahit anong sabihin niya, siguradong hindi naman maniniwala ang kaharap niya ngayon. Ipinaalala sa kaniya ng sitwasyon na ang nakahimlay sa loob ng bahay nila ngayon ay ang katawan niya. May dahilan kung bakit siya narito muli sa lupa at yun ang dapat niyang gawin. "Narito ka para makita siya?" wika ni Norman na nagpatayo ng kaniyang balahibo. Hindi siya nakapagsalita nang alalayan siya ng nobyo papasok sa loob ng bahay. Agad niyang namataan ang lumuluhang ina na inaalo ng kaniyang butihing ama. Nilunok niya ang namumuong bara sa lalamunan para pigilan ang luhang nagbabadyang lumabas sa kaniyang mata. Itinuon niya ang tingin sa puting kahon na nasa gitna ng sala. Kahit sa malayo ay kita na ang paborito niyang larawan na katayo sa gilid ng kabaong. Karma. Nagulat siya nang marinig ang tinig na tila nanggaling sa sarili niyang isip. Kasabay ng paglapit nila ni Norman sa harapan, nagsimulang sumikip ang dibdib ni Ara. Naluha si Ara nang makita ang sariling katawan sa salamin ng kabaong. "Naiintindihan ko ang pakiramdam mo. Pero hindi masamang tao si Ara," wika ni Norman Masama siya. Tuluyan nang naiyak si Ara sa narinig na tinig. Pakiramdam niya ay binabagabag siya ng kunsensiya. Namalayan na lang niya na humahagulgol na siya. Hagulgol na dahilan na mawalan siya ng malay. ********* Namulat si Ara na marahang pagpunas ng malamig na bimpo sa kaniyang noo. "Mabuti at gising ka na. Ang sabi ng doktor ay wala kang kain at overodosed ka ng gamot. Halika kumain," yaya ng kaniyang ina. Pagdating sa dining area, naka-ready na ang pagkain kagaya ng nakasanayan niya. Palapit na siya sa lamesa nang makita ang reflection sa mirror wall. Hindi na siya si Ara. Tahimik siyang lumapit. Di malaman kung uupo sa dati niyang puwesto. "D'yan ka na umupo, hija," wika ng mommy niya. "A-ako po si-" pauna ko. "Sinabi na ni Norman kung sino ka," sagot ng daddy niya. "Marahil ay narito ka dahil... " Hinawakan ng mommy ni Ara ang kamay ng daddy niya at siyang nagtuloy ng sasabihin nito. "Salamat sa pakikiramay. Alam naming hindi perpekto ang aming anak. Pero naniniwala kaming ginagawa niya lang ang kaniyang trabaho. K-kung sakali mang may nagawa si... Kung ito ang dahilan ng kaniyang pagka-" "Ipinakulong ni... ng anak ninyo ang Daddy ko. Wala akong matitirhan at... N-nag-iisa po ako ngayon," salo ni Ara na may tinik sa lalamunan nang di na matapos ng mommy niya ang sasabihin. "Pero tama ho kayo. Ginagawa niya lang ang kaniyang trabaho." "Salamat sa pang-unawa. Kumain ka muna. Paborito ' yan ni-" Nauwi sa iyak ang sasabihin nito. Tahimik na kumain Ara. Ito ang pinangangambahan niya. Ang sakit na naiwan niya sa kaniyang mga magulang dahil sa mga pagkakamaling ginawa niya. "Hija,  kung wala kang mapupuntahan ngayon. Bukas ang aming bahay para sa iyo." "P-puwede po akong magstay?" tanong ni Ara sa sinabi ng ama. Tanging tapik sa balikat at tango ang isinagot ng daddy niya. Ang mommy niya ay bumalik na sa sala kung saan nakaburol ang kaniyang katawan. Sandali siyang nag-stay sa kaniyang kuwarto at inilibot ang mata. Inayos niya ang nakakalat pa niyang mga trabaho sa lamesa. Doon niya nakita ang folder ni Mr. Santos. Ang ama ni Arlene na ngayon ay sinaniban niya. Muli niya yung sinilip at binasa. Napansin niya ang papeles na inabot sa kaniya ng secretary ni Mr. Montreal,  ang kaniyang kliyente. Totoong may anomalya sa paggamit ng pondo na pirmado ni Mr. Santos iyon. Pero alam ni Mr. Montreal ang bagay na yun na itinanggi niya sa korte. Natigil ang pagbabasa niya nang marinig ang pamilyar na tunog ng kotse ni Norman. Sinilip niya iyon mula sa bintana. Nakita niyang bumaba ang nobyo saka nagbukas ng pintuan ng passenger. Lumabas doon si Cecile. Ang katrabaho ni Norman. Bumaba siya para makausap ang binata. Kita rito ang mugtong mata sa pagkakaiyak at puyat. Humumpak din ang mukha nito. Nalipat ang mata ni Ara sa sumukbit na kamay ni Cecil sa braso ng binata. Agad naman siyang nakita nito at lumapit. "Arlene, kumusta ka?" salubong nito. Bumaba ang tumaas na kilay ni Ara nang marinig ang pangalan ng katawang hawak niya ngayon. Muntik na naman siyang makalimot. "Sino siya?" tanong ni Cecile kay Norman na di alam kung anong isasagot. Sinulyapan lang ni Ara ang babaeng alam niyang matagal ng may gusto sa kaniyang nobyo. Hindi pa naililibing ang katawan niya'y para na itong buwitreng nag-aabang ng pagkakataon. "Kaibigan ako ni Ara," sagot niya. "Maupo ka muna," wika ni Norman sa kasama. "Arlene,  puwede ba tayong mag-usap?" Dinala ako ni Norman sa garden at may pinakitang mga larawan. "Kuha yan sa Cctv ng restaurant kung saan nagyari ang insidente," malungkot sa wika ni Norman. "According sa management at sa mga pulis,  maliit na tao lang ang taong 'to. Hindi nila masabi ang gender ng bumaril." "You mean puwede siyang babae o lalaki?" paglilinaw ni Ara. Tumingin si Norman sa kaniya. Tila sinusukat nito ang pagtatanong niya kaya nabuo sa isip niya ang isang tanong. Si Arlene ba ang nasa isip ni Norman na pumatay sa kaniya? Hindi ako mamamatay-tao! Napaupo nang maayos si Ara sa sigaw na iyon. Arlene? tanong niya sa tinig. Hindi na ulit sumagot ang tinig pero kinilabutan si Ara. "Wala akong ibang ibig sabihin. We're just trying to figure out kung sino ang maaring maging suspect dito," pagtutuwid ni Norman. "You, being here means you're concern. Baka sakaling... Never mind. Mabuti pa,  pumasok na rin tayo sa loob," aya nito. Sumunod si Ara kay Norman at hindi na umimik pa. Habang naglalakad,  napansin niya ang taong papasok na nakasuot ng black jacket at black cap. Tila kinutuban, sinubukan niyang sundan ito. Pagdating sa may kusina, nawala ito sa kaniyang paningin. "Ikaw ba ang pumatay kay Ara?" Mabilis na napalingon si Ara sa nagsalita. Si Celile. Lumapit ito sa tabi ko at pasimpleng kumuha ng juice sa mesang katabi ko. "Excuse me?" sagot ni Ara na nabigla. "Why would I? You're not an exception. Ikaw nga ang huli niyang nakaeksena sa court building, right?" wika nitong nakataas ang isang kilay. "I know. I saw the news." "At mukhang ikaw lang ang nagdiriwang sa pagkawala ni Ara," patol niya habang tinitingnan ang babae mula ulo hanggang paa. "First name basis. Close pala kayo? O stalker ka niya? Wait... Stalker ka ni Norman?" sabi nitong halatang nagdududa. "Doon ka ba sa huli concern?" may diing sabi ni Ara. "Hindi lang siguro ako ang suspect dito."  "Well, hindi ako marunong bumaril,  if that's what you're implying, darling. Sa dami ng naipakulong ni Ara,  I bet,  aamagin ang mag-iimbestiga," bulong ni Cecile sa kaniya. "At hindi  masamang sumalo ng naiwanan,  right?" Tumalikod na si Cecile at naiwang tulala si Ara. Nagpigil ng panggigigil si Ara sa inakto ng bisita. Ni hindi nito pinagtakpan man lang ang intensyon sa kaniyang nobyo. ******* Araw ng libing. Kanina pa inaayos ni Ara ang sarili. Nakaharap sa dresser ngunit di tinitngnan ang sarili. Alam niyang hindi naman siya ang tinitingnan niya kundi ang tuna na may-ari ng katawan. Ililibing ka na. Umalis ka na sa katawan ko, muling sabi ng tinig ni Arlene. "Bakit ngayon? Hindi ba't gusto mo nang iwan ang katawang ito?" sagot niya sa tinig ng kaniyang isip. "Sinasalo ko lang ang buhay na sinayang mo." Buhay pa ako. Nandito pa ako. Ako ang may karapatan sa katawang ito. "Hindi. Hindi na ko aalis sa kat-" Bumukas ang pinto ng kuwarto kaya napigil ang kaniyang pagsasalita. Naabutan siya ni Norman na nakaharap sa salamin. "Hi." bungad nito. "Are you okay?" Umaasa ka bang makuha ulit si Norman? Hindi na siya babalik sa'yo. Patay ka na, Attorney Mendoza. Ako ang nakikita niya at hindi ikaw! Mariing napapikit si Ara sa sigaw ni Arlene sa isip niya. Hindi siya makakapayag na mapunta sa iba si Norman. "S-sasama na lang ako. Please," pakiusap ni Ara. Alam niyang di siya patatahimikin ni Arlene kung mag-iisa siya sa bahay. "Maraming maaring makakita sa 'yo doon. Baka pagkaguluhan ka nila," malamyang paliwanag ni Norman. Nalungkot si Ara sa hitsura ng kaniyang kasintahan. Halatang hindi na ito natulog mula kagabi, kahit pa umuwi ito kaninang madaling araw. Sa sobrang awa, niyakap niya ito nang mahigpit. "Ayokong umalis. Gusto kong manatili dito pero paano?" naluluha niyang wika. Iniharap siya ni Norman na nagtatakaang mata. "A-ang ibig kong sabihin..." nataranta niyang paliwanag. "Maybe we can do something about it." Lumapit si Norman sa kaniyang cabinet at inilabas doon ang cap niyang regalo ni Norman sa kaniya at ang sunglasses na madalas niyang gamitin. "Hindi ka na nila makikilala. Baka isipin pa nilang nabuhay si Ara," malungkot na biro nito habang isinusuot sa kaniya ang cap at salamin. Sinipat niya ang sarili. How odd, naisip niya. Suot niya ang last birthday outfit niya sa araw ng kaniyang libing. ***** It was heartbreaking. Ara, seeing her parents cry their hearts out in front of her body and Norman putting her stiff hand on his cheek for one last time bago tuluyang isara ang kaniyang kabaong. Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa napakaimposibleng sitwasyon na nangyayari sa kaniya ngayon. Habang ibinababa ang kaniyang kabaong sa masikip na butas ng lupa, parang dahan-dahan ding siyang sinisikipan ng dibdib at inaagawan ng hagin sa baga. Ang palahaw na hinanakit ng kaniyang mga mahal sa buhay. Ng kaniyang ina. Doon lang din niya napansin ang mga taong nakipaglibing sa kaniya. Oo, marami sila pero karamihan ay media. Naghihintay lamang ng maibabalita sa madla.Wala siyang kaibigan kundi si Norman na tumalikod at iniwan ang masakit na eksena. Nilampasan siya nito at tumungo sa may puno at doon inilabas ang  sakit sa kaniyang dibdib. Hindi niya namalayang sumunod na siya sa kasintahan. Para sa kaniya ay doble, triple ang sakit na nakikita niya ngayon at dinadanas. "I'm sorry... hindi ko sinasadya," wika niya. Humarap si Norman sa kaniya na nagtataka pero kailangan na niyang ilabas ang sariling hinanakit. "Hindi ko gustong iwan ka." Muli siyang lumapit. This time, yumakap na siya kay Norman. "Hindi ko kayang lisanin ka." Naramdaman na lang niyang yumakap na din si Norman sa kaniya at siya na ang inaalo nito. Pagmulat ng kaniyang mata, napansin niya ang nakaitim na  polo at may takip sa mukha. Nagbalik sa kaniya ang alaala na siyang ikinatili niya. "No!" Umikot si Ara para takpan si Norman nang walang alinlangan. Kung kailangan niyang iligtas ulit si Norman,  gagawin niya ito nang paulit-ulit. Umalingawngaw ang tunog ng b***l. Pumunit ang bala sa balat ni Ara. "Arlene!" Sa gitna ng panlalamig, nasaksihan ni  Ara ang pagdakip sa bumaril sa kaniya. Natanggal ang takip nito sa bibig. Nakilala niya ang babae na napakulong niya last month dahil nagnakaw ito ng pera at alahas ng amo niya dahil may sakit ang anak. "Paano mo nagawang makiramay sa kriminal na yan?! Bakit mo sinagip ang laking yan! Ipinakulong nila ang daddy mo!" tila baliw na sabi nito. Bumagsak si Ara sa lupa na agad sinundan ni Norman. "Arlene,  you're going to be okay. Stay with me," pagpapalakas ng loob ni Norman kay Ara. Dinig ang kaguluhan sa paligid. May tumatawag ng ambulansiya at ang iba ay mga mediang kinukuhaan sila ng larawan. "Arlene... Arlene," tawag ni Norman. Hindi ako si Arlene, bulong ng isip ni Ara. ****** Tunog ng aparato ang unti-unting gumising kay Ara. Pagdilat niya ay sumalubong ang mukha ng kaniyang mga magulang at ni Norman. "Anak... Salamat sa Diyos at buhay ka," wika ng kaniyang ina. "Mommy... I'm sorry. Hindi ko ginustong unang umalis. Mahal na mahal ko kayo." Lumipat ang mata ni Ara kay Norman. "Honey, ikaw lang ang pinakamamahal ko. Walang ibang naging laman ang puso ko kundi ikaw. Gusto kong maging masaya ka." "Shhh... Magpagaling ka. 'Yun ang importante," sagot ni Norman. Sa kabilang sulok ng kuwarto, may lumitaw na liwanag. Nakaramdam si Ara ng kakaibang higop sa kaniyang kaloob-looban. Pilit niya itong pinigilan. Kumapit siya sa braso ni Norman. Tumunog ang aparato, hudyat ng alarma. Ayoko pang mamatay!  sigaw na pakiusap ni Arlene sa loob ng katawan niya. Nahirapan ang puso ni Ara. Gusto niyang manatili sa piling ng kaniyang pamilya at nobyo. "Norman. Kiss me. Hihintayin kita sa langit." Ipinikit niya ang kaniyang mata nang magtagpo ang kanilang mga labi. Pagdilat niya, nasa paanan na siya ng kama. Wala nang malay ang katawan at nagpapanic na ang mga magulang niya. Lumingon si Ara sa liwanag. Tinatawag na siya nito. "Bigyan Ninyo rin ng pagkakataon si Arlene. Hayaan niyo siyang maging kapalit ko sa buhay ng aking pamilya," pakiusap ni Ara. Naging stable ang tunog ng aparato. Mayamaya'y dumilat si Arlene. "Thank God!" bulalas ng mommy ni Ara. "Ano pong nangyari?" tanong ng dalaga. "You're hallucinating. I think you had a cardiac arrest just now," paliwanag ni Norman."You we're talking... like someone else." Lumipat ang mata ni Arlene sa direksyon ni Ara na tila nakikita siya nito. Napangiti si Ara kasabay ng kaniyang luha. Alam niyang tapos na ang oras na ibinigay sa kaniya. "Salamat. Salamat sa huling pagkakataon ng pamamaalam." Wakas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD