Her Pov
Mahinang yugyog at tapik sa aking mukha ang nanggising sa 'kin minulat ko ang mga mata ko dalawang bata ang una kong nakita
"Gising, gising magandang dalaga" tawag nito
Tumayo ako. "Sino kayo? nasaan ako?"
"Ika'y nasa bahay, dinala ka namin dito nang makita naming mag-isa kasa gubat" paliwanag ng batang babae
"Ano ang iyong ngalan?" Tanong ng batang babae pinagmasdan ko siya ng mariin.
Nagkatinginan silang dalawa na tila parang hindi makapaniwala "Kung ganun ay hindi niyo matandaan kung saan kayo galing, maging ang inyong ngalan?" Dagdag naman ng lalaki
"Simula ngayon tatawagin ka naming Binibining Naishang, ayon sa pinaghalong kulay abo at puti na buhok mo"
Hindi ko alam kung ano ang kanyang sinasabi ngunit ayon sa kanyang winika, ako'y binigyan niya ng ngalan na ayon roon sa kulay ng aking buhok.
Nagulat na lang ako ng itayo niya ako at tinapat sa malaking salamin na makikitaan mong may kalumaan na, aking pinagmasdan ang buong katawan ko, totoo ngang ako'y may kakaibang kulay na buhok.
"Ngunit pagpaumanhin binibini, nais mo bang ibahagi ang nangyari sayo bakit ikaw ay mag-isa sa nakakatakot na gubat na 'yon?" Isang tinig ng babae ang narinig ko mula sa labas
"Inaa! Nariyan na pala kayo" tawag ng dalawang bata tsaka lumapit ang mga ito
Hindi ko binigyan ng sagot ang tinawag nilang ina bagkus tinitignan ko lang siya ngumiti ito at lumapit pero bahagyan kong inilayo ang sarili ko. "Ayos lang binibini, nais mo bang kumain? Halika huwag kang matakot." Aniya tska ako hinawakan sa mga palad
Ang nararamdaman kong kakaiba bigla itong umayo, hindi ko mawari pero nakaramdam ako ng saya. "Ang iyong buhok ay tila nagsasaya" dagdag niya
Humarap muli ako sa salamin at pinagmasdan'yon. Mula sa kulay abo bumalik ito sa kulay itim na tila nagsasayawan pa ang bawat hibla, hinaplos ko ito at pumayapa.
"Huwag kang mag-alala, dito ay ligtas ka hindi ka namin pababayaan. Hangga't hindi pa bumabalik ang iyong ala-ala maari'y dito ka muna tumira, tutulungan ka namin." Saad ng inang babae
"Tama si Ina, binibining Naishang. Ako pala si Aina at siya si Hunter ito naman ang aming inang si Cadan kami ay tinatawag na taga hilaga kung saan tinaguriang mga mangangaso."
"Mangangaso? Kaya't ako'y inyong nakita sa kagubatan?" Tanong ko
"Ganun nga hija. Ngunit hayaan mona ang mahalaga ikaw ay aming nakita" saad ng ina
Magdidilim na ang paligid at tila nakakatakot ang labas dahil hindi pa tuluyan lumabas ang liwanag. Malamig ang sariwang hangin na tila may nais iparating ngunit hindi ko mawari kung ano nga ba ito, natupok ang aking atensyon ng isang tinig ang siyang narinig ko mula sa labas. Nagmadali ako upang tignan
"grrrr" ungol ng isang naglalaway na hayop nakatagilid ito mula sa aking pwesto na tila may kung anong kinakain tahimik ko itong pinagmasdan at pinag-aaralan
Binibiniii!" Isang malakas na boses ang siyang nagpalingon sa akin mula sa loob. Ang batang babae na tila binabalot ng takot at kaba
"Mapanganib sa labas halika"
"Grrrrr" Huni ng hayop na 'yon
Napalingon muli ako doon. Nagulat na lang ako ng papalapit na pala ito sa aking pwesto, hindi ako nakagalaw dahil sa takot ngunit may naguudyok sa aking isipan na hawakan at lapitan siya, nanatili ako nakatayo at pinagmamasadan siya hanggang sa
"Hijaaa!" Tawag ni Cadan dahilan para mas lalong naging agresibo ang hayop na 'yon
"Grrrrrr" Bumilis ang takbo niya papunta sa gawing kanan kay Cadan
"Inaaaaa!" Iyak na tawag ng batang babae sa ina
"Ina, tumakbo kana!" Ang batang lalaki naman sa Ina
Hindi ako naka-galaw sapagkat tila para akong kinain ng lupa.
Third Person's POV
Parang isang nakakatakot na bangungot sa batang babae at lalaki ang mawalan sila ng isang Ina dahil lamang sa mabangis na hayop na 'yon. Habang ang babae naman na siyang tila napako sa kinatatayuan ay bigla na lamang nagiba ang kulay ng kanyang itim na mata. Mula sa itim naging kulay asul at itim ito lumapit ang babae sa pagitan ni Cadan at ng mabangis na hayop.
Ang mabangis, agresibo at uhaw na hayop unti-unti itong naging maaamo. Lumuhod si Naisang at inawakan sa ulo, buong akala ni Cadan ay katapusan na niya ngunit nagulat sila ng wala itong naramdaman kahit anong sakit minulat nila ang kanilang mga mata at gulat na gulat sila sa kanilang nasaksihan
Si Naishang at ang hayop na siyang mabangis ay tila parang isang matalik na magkaibigan. "Ika'y humayo na aking kaibigan" Ika ni Naishang
Sadali pa ay sinunod ng hayop na ito ang utos ng babae. Umalis siya at bigla na lamang itong tumakbo ng mabilis senyales na napasunod niya ito ngunit ilang sandali lang ay bigla na lamang nanghina ang babae sa unti-unting pagbalik ng kulay ng kanyang mata
"Binibiniii ayos ka lang?" Nagaalala tanong ng batang babae
"Ayos lamang ako, sana ay hindi kayo nasaktan" Saad niya
"Wala bang masakit sayo hija?" Si Cadan muli
"Ako'y ay nanghihina lamang"
"Halika mabuti at magpahinga kana muna"
Tinayo nila ito ng dahan-dahan at iginala sa loob ng bahay. Mabilis itong nakatulog dahil sa pagod at panghihina ngunit hindi rin maitatago sa pamilyang kumupkop sa kanya ang pagkalito at pagkamangha lalo na sa mga bata tila isa itong nakakatakot na pangyayari ngunit ang mahalaga sila at ligtas.