Third Person Pov
Mula sa malayo tanaw ng isang babae ang lahat ng pangyayari, mula umpisa. Nais niya sanang tulungan ang mga ito ngunit ayon sa propesiyang nakasulat 'yon ang dapat mangyari
Ang dapat ay dapat.. Ang propesiya ay ang propesiya
Samatanalang, Iyak
Paghihirap, Pagod
At paghihiganti ang nais ng isang batang babae habang nakikipaglaban ngunit tila wala na itong lakas upang lumaban upang magkaroon lamang ng hustisya ang nangyari sa kanyang mga magulang
Mula sa pagkakabaon ng matulis at matalim na bagay na 'yon sa parteng dibdib, ramdam mo ang hinanakit at pagod sa kanyang mga mata puno ng sarili niyang luha. Napa-upo ito sa kanyang mga tuhod ang puting suot at plansado ngayon ay naging gusot, ang perpektong mukha ang makinis na balat at mahabang itim na buhok napuno ito ng dugo at sugat ang katawan
Nagkalat ang katawan wala ng buhay. Lahat ay naganap, pagnanais na dumanak ang dugo.
Katagumpayan at kagalakan
Samantalang ang mga nilalang nakasuot ng makukulay na damit ay tila nakiayon rin ang mga ito dahil sa nangyari, ang pagkabigong ma protektahan ang babaeng wala na talangang buhay
Huli na nang sila'y dumating
Ang kaninang nakaluhod ay tuluyan ng bumagsak ang buong katawan sa lupa tila tuluyan ng binawian ng buhay dahil sa itsura ay kasabay ng dahan dahang pagbagsak ng tubig ulan at malakas na kulong at kidlat
Pagdadalamhati ang namutawi
Nawalan ng pagasa ang mga ito dahil upang sila'y mapabilang sa mga nilalang na nagkalat ngunit
Huli na ang lahat ng isang pangyayari ang unti-unti nila nasaksihan
Mula sa katawang wala ng buhay, ito'y unting unti umangat pataas sa ere ang mga nilalang may itim na kasuotan at mahika, lahat sila'y hindi alam ang gagawin.
Ang itim na enerhiyang bumabalot sa katawan maging sa mata ng babaeng ito'y, naging kulay berde, asul at pula...
Muling nagliwanag at bumalik sa dati ang itsura ng kalangitan
Maaliwalas. Sumilay ang mga bitwin nagniningning sa kalangitan ang bilog na bilog at maaliwalas na buan ay bumalik.
Ramdam ng bawat isang naroon ang galit sa enerhiyang na sakanya, muling umatake ang mga nakaitim na nilalang sa babae dahilan upang mabuhay ang nakakubling bagay na iyon sa kanyang pagkatao sa bawat pagatakeng ginagawad sa kanya'y nagagawa niya itong pigilan at iwasan mabilis ang naging bawat kilos niya kumpara sa kanyang kalaban ramdam mo ang galit sa bawat ganting ginagawad niya
Muling nagpaulit-ulit ang naging kulay ng enerhiyang na bumabalot sa kanya, sa mata maging sa buhok. Sa bawat pagsugod wala itong pinalampas, sa enerhiyang meron siya'y mas lalong tumitindi
Matapos niyang mapatumba ang mga sumusugod sa kanya hindi ito nagalinlangang tapunan din ng enerhiyang meron siya ang pinuno ng mga nakaitim na nilalang, matapos itong tapunan mabilis niya itong nailagan
"Buhay" nakakakilabot na umpisa niya "Buhay ang nawala buhay rin ang kapalit!" Mas nakakatakot niyang banta
Isang nakakakilabot namang ngisi ang ipinukol nito sa babae, samatanalang ang kaibigan nito'y halos mabaliw na dahil sa itsura. Hindi sila nag-aksaya dalawa para magkaisa, pinaghalo nila ang enerhiyang meron sila at muling itinama sa babaeng nasa ere, natamaan ito dahilan para tumalsik pababa hindi niya ito inaasahan
Ngunit hindi ito ang naging dahilan upang sumuko siya.
Iwas dito. Iwas doon
"Buhay ang nawala, buhay ang kapalit!" Muling sigaw nito at nag-iba ang itsura niya
Naglabas ito ng pulang enerhiya at sunod-sunod na pinakawalan at itinama sa mga muling sumugod sa kanya, natupok naman agad ang mga ito, at sumunod ang asul na sinundan naman muli ng berdeng enerhiya
Muli itong bumalik sa dati niyang itsura at mayamaya pa naging itim ang enerhiyang meron siya, nagugulat na pinagmasdan nilang lahat ang itsura niya, buong akala lamang nila dala ito ng salamankang naisalin sa ispadang sinaksak sa kanya nung una nagtataka ang mga kung bakit maging ang babaeng nasa harapan nila ay may taglay na itim na kapangyarihan na siyang sumisimbulo na kayang niyang kontrolin ang anumamag hindi magandang mangyayari
Ngunit panandalian lamang iyon, muli na naman itong nagbago ang itsura ang asul, pula, itim, berde ngayon ay naging puti naman. Simbolo nang sing lamig ng yebe ang emosyon niya, sumabay rin muli ang pagbabago ng buhok at mata niya sa kanyang itsura.
Pinagmasdan niyang puno ng galit ang babaeng nakatayo malapit sa kanya na tila natatakot na ang itsura dahil sa nasaksihan niya, muli itong naglabas ng itim na kapangyarihan at mabilis na pinakawalan gumawa pa ito ng halos hindi mabilang na itim na maliliit na kutsilyo pero bigo ito dahil sa isang iglap tunaw lahat ang mga ito, bahagyan napa-atras ito at nanlalaking mga mata ang tinignan niya mga ito, galit na ito dahil sa nangyari muli siyang bumuo ng isang puting katana may kakayahan rin itong ma- kontrol ang tubig
Mabilis na lumipad ito sa gawi niya na siyang sinabayan naman ng pagsugod nilang lahat sa kanya kaya hindi niya ito nagawang mailagan agad..
Bumaon muli ito sa dibdib niya at hinugot agad, mabilis niyang tinapos ang mga hindi maubos-ubos na itim na nilalang. Mabils namang gumalaw at nakalapit ang pinuno nila at mas lalong bumaon sa kanya, muli itong bumalik sa sarili niyang itsura
"Kinagagalak kong masaksihan ang iyong tunay na itsura" ngising nakakatakot na saad nito
Napaubo ito ng maraming dugo
Mabilis rin namang lumapit ang babaeng nakatayo malapit sa kanila.
"Hindi ko hahayaan, maging sa tunay nating mundo ikaw ang magiging Bida!" Galit na sigaw nito at hinigit sa leeg at ibinato
Mas lalo itong napasuka ng dugo, hinigit muli ng babae ang batang iyon at hinila, lahat ay nakatuon sa nangyayari
Ngunit ang babaeng siyang nakatanaw muli mula sa itaas, kasabikan ang kanyang pangnanais. Kasabikang siya'y muling maka-alis at makatakas
"Malapit na, pumarito kana ikalawang buan ako'y nasasabik na rin" nawiwiling saad ng babeng 'yon
Gayoon nga ang nangyari sa unti-unti paglitaw ng ikalawang buan na sa hinabahaba ng ilang taon ay muling sumilay ang ikalawa ngunit kapansin pansin ang pagiging kulay pula sa gitna bahagi hanggang sa tuluyan na itong naging pula, unti-unti 'tong gumalaw at sa isang iglap nagkaisa ang puting buan at pulang buan. Ang buong paligid ay nagdilim nangibabaw ang pagkatakot at pagsigaw
Lumakas ang hangin, nagsasayawang mga puno, halaman at matataas na talahiban ang siyang mas nakakakilabot
Mula sa malayo isang napakalas na ugong ng lobo ang maririnig sa buong paligid. Muling umangat sa ere ang batang babae kaya nabitawan niya ito, sa unipormeng suot ay napalitan ng mahabang puting damit isang nakakasilaw na liwanag ang nangmumula roon na siyang tanging liwanag sa madilim na kapaligiran kaya naaagaw nito ang atensyon ng lahat
"H-hindi!" Wika ng lahat
"Hindi maaari!" Sigaw ng kaibigan nitong Rebecca ang pangalan
Nagtago ang lahat at nagsipaktakbuhan dahil sa takot
Naging balisa ang karamihan
"S-siya ang sisira sa ating mundo! Ang isinumpang prinsesa, isang mangkukulam!" Saad ng pinuno
Isang nakakakilabot na tingin ang ipinukol ng prinsesang iyon sa kanya. Malakas niya itong hinigit gamit ang kanyang kapangyarihan at sinakal
Pareho na silang nasa ere, samatanalang ang lobong nasa malayo ay unti-unti na 'tong lumitaw, maging ito'y nakakakilabot, mahahabang pangil, nguso at matalim na mata nagsimulang tumakbo ang lahat ngunit hindi nakatakas ang mga ito mabilis na gumawa ang tinawag nilang prinsesa ng pinaghalo-halong kulay ng enerhiya meron siya ng isang malaking kaharang
"Isinusumpa ko.. Lahat kayo'y hindi na mabubuhay sa kabilang buhay! Magugutom at magiging palaboy-laboy ang magiging angkan niyo! Isinusumpa ko! Mawawalan kayo ng hininga sa pamamagitan ng inyong sariling kapangyarihan!" Nakakatakot na sigaw nito
"H-hindi ka magtatagumpay" giit naman ng pinuno kahit ito'y nahihirapan na
"Sino ka? Upang suwayin ang isang sumpa na galing sa akin?!" At mas hinigpitan nito ang pagkakasal
"Ang mga angkan mo! At sa mga susunod pa na lahi, mahihirapan kayo! Ang mga sanggol na bata ang siyang tatapos mismo sa inyong lahi!" Muli nitong sigaw
"H-hindi!" Hindi makapaniwala sigaw nito
Mas lalong hinigpitan hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng hininga. Unti-unti itong bumagsak sa lupa na siyang mabilis na nilapa ng lobong nasa ibaba
"A-ama! Ama!!!" Malakas na sigaw ng kaibigan nito ngunit wala na itong nagawa ng tuluyan na itong lapain ng lobo
Butas ang dibdib ng lapitan niya ito
"Ama!" Nanginginig habang luhan na tawag niya
"P-patawad"
Napangiti ng nakakatakot ang prinsesa dahil sa nasaksihan at bumaba sa kalupaan
"Magbabayad ka!" Sigaw nito tumayo ito at hinarap ang prinsesa
Bumuo ito ng sunod sunod na itim na bilong gamit ang kanyang enerhiyang at mabilis na sinugod ang prinsesa. Walang nagpatalo sa dalawa kahit na pagod na ang mga ito malungkot na pinagmasdan ng prinsesa ang babaeng nakatayo malapit sa kanya, hinang hina na ito
Naglakad ang prinsesa na mas lalong tumingkad ang nakakasilay na liwanag sa kanya, ang mata maging ang buhok niya'y na tila nililipad pa ito ng hangin, maging ang lobo na busog na busog mas lalong tumingkad ang kaputian, sabay itong naglakad sa prinsesa
"Sa muli nating pagkikita, ika'y magdurusa! Isinusumpa ko sa muling paghalo ng una at ikalawang buan, gamit ang 'yong kapangyarihan ang siyang dahilan upang dumanak muli ang dugo" nakakatakot na saad ng prinsesa muli
Kinuha niya ito sa leeg at unti-unting sinakal ng mahigpit ngunit kalaunay binitawan niya ito at bumagsak. "Gamit ang sarili mong ispada nais kong iyan ang gagamitin mo bawin ang sarili mong buhay" matigas na utos nito
Tinaas niya ang isang kamay niya at kinumpas ng walang alinlangan, gumalaw ang ispadang 'yon at tila parang nagkaroon ng sariling mga mata, paa at utak sa isang iglap hawak na ng babaeng 'yon ang bagay na iyon
"Nais kong masaksihan kung paano kasakit ang patayin ng sarili mong ispada at buhay mo."
"Paalam kaibigan, hanggang sa muli" pamamaalam niya rito at unti-unting binaon ng babaeng iyon sa kanyang dibdib
"A-ahhhh!!!!" Impit na sigaw nito at tuluyan na itong mawalan ng buhay
Muling naghiwalay ang dalawang buan at bumalik sa dati ang kapaligiran at kalangitan ngunit sa pagbabalik nito ang siyang unti-unti pagbagsak ng prinsesang iyon sa kalupaan, bumalik ito sa kanyang tunay na itsura maging ang lobo ay biglang naglaho
Pagod na pagod ito sa nangyari
Nagtagumpay nga ang isa pang babae mula sa malayo
"WHAHAAHAHAHA" masayang tawa nito
"Naganap na ang unang propesiya. Matulog ka na aking mahal na prinsesa hanggang sa muli!" Aniya nangibabaw naman ang pagalala sa kanang tono