‘’Anong bang pumasok sa isipan mo at tinakasan mo si Caleb?! Wala kana ng kuwentang anak sa akin matigas pa talaga ang ulo mo. Paano kung ipapatay niya tayo?! Bumalik ka doon.’’
Mapait akong napangiti dahilan sa akala ko ay tatanggapin pa nila ako, hindi ko akalain na mas iniingatan nila ang sarili nila kesa sa akin na anak nila. Bakit Avvy, anak ba talaga ang turing nila sa ‘yo? Hindi naman hindi ba? Mula ng magdalaga ka ay naging ganyang na si Mommy sa akin at hindi ko alam kung bakit para bang galit na galit siya sa akin. Hindi naman siya ganito sa akin noon.
‘’Get out, Yesenia!’’ Sigaw niya sa akin.
‘’Hindi ka namin kailangan dito! Ipinambayad kana namin ni Daddy mo sa kanya. Umalis kana!’’ aniya sa akin na ikinayukom naman ng mga palad ko dito.
Kung kausapin niya ako ay parang hindi niya ako anak at kung tratuhin niya ako ay parang hindi ako nasasaktan. Naiinis ako na parang punyal pa rin sa akin ang bawat sinasabi nito sa akin na kahit hindi pa ‘man ako naluha ay parang hindi na ako nasasaktan. Kinukurot ko na lamang ang aking kamay para maiwasan ko lang ang lumuha sa mga sinasabi nito sa akin at hindi ko rin naman maiiwasan ang ganituhin niya ako dahil simula pa lang ay isanmg walang kuwentang anak na ang tawag niya sa akin.
‘’H--hindi… ko akalain na ganito ninyo lang… ako makakayang ipambayad sa kanya… kailang--’’
‘’Get out, I said’’ tinignan niya lamang ako ng masama ng hindi ‘man lang niya ako pinatatapos sa mga sasabihin ko. Akala ko, matatanggap ko ang sasabihin niya sa akin. Akala ko, hindi na magiging mas masakit ito sa akin. Akala ko lang pala talaga iyon. Nanginginig ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko na kunting sakit pa’y luluha na talaga ang mga mata ko sa mga ipinaparamdam niya.
‘’I pity you, Yesenia, iniisip ko pa lang ang mangyayari sa ‘yo sa kamay niya ay baka ikamatay mo. Gusto mo ba na ako na ang gumawa nun sa ‘yo?’’ Hindi ko na napigilan ang maluha sa mga sinabi niya sa akin. Para na naman akong nawawalan na naman ng lakas.
Wala si Daddy dito kaya hindi nito mapigilan na h’wag magsalita sa akin nang kung anu-ano. Si Mommy lang talaga ang nagsasalita sa akin ng masakit dahil si Daddy ay minsan lang nauudyokan ni Mommy na masama na ang pag uugali ko. At inaamin ko naman iyon, pero ginawa ko naman ang lahat para maging maganda ang ugali nito sa akin e. Kaso, wala talaga.
‘’Kung hindi ka lang ib--’’
Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Daddy at mabilis na lumapit kay Mommy at para bang may kung anong sinabi sa kanya na hindi ko maintindihan dahilan sa natatakpan na din ng sakit ang puso ko. Napatingin ako sa kamay ko na sa sobrang panginginig nun ay hindi ko alam na mabilis akong nanakbo palabas ng bahay.
Wala kong tigil sa pagtakbo nang may mapansin akong apat na magandang kotse sa dikalayuan ko nasa isang kanto ito. Naikinahinto ko na lamang, napabuntong-hininga na lamang ako at pinahiran ko ang mga luha sa aking pisngi. Dahil parang kilala ko kung sino ang nasa loob ng kotse na iyon. Napatingin sa bumaba sa magandang kotse at hindi ako nagkakamali si Caleb na madalim ang aura habang nakatingin sa akin ng masama. Pinagmasdan ako nito at biglang nagsalubong ang kilay nito.
Napatingin naman ako ng may kinuha ito sa kanyang bulsa, hindi na ako nagtaka na marami siyang cellphone at may dial siya doon dahilan sa kita ko ang bawat galaw niya mula rito. Biglang tumunog ang cellphone nito na ngayon ay hawak ko. Kaya't napatingin ako sa kanya na ikinangisi ko, bakit pa. Alam ko rin siya ang tatawag at nakita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay. Stress? Tsk! Bakit hindi ko nga ba naisip nalalagyan niya ito ng tracking device. Tsk! Punyet* Hindi ko iyon sinagot, alam kong siya ang tumatawag sa akin.
Mag-aaksaya lamang ako ng oras para sa mga sasabihin niya na ikakabahala ko lang, kung gusto niya ng laro, makikipaglaro din ako sa kanya. Napangisi ako dito na ikinakunot ng noo niya at nakita ko ang paghigpit naman nang hawak niya sa kanyang cellphone.
Kitang-kita ko ang nag-iinit na ang kanyang ulo. Caleb Rhys Phoinex. Ikaw ang susuko sa atin dalawa. Itinaas ko ang cellphone niya at ikinaway ko. Nasa malayo pa kasi siya mga ilang takbuhan niya bago sa akin makarating. Mabilis akong nag-isip at tinignan ko ang number niya na tumawag sa akin kanina at tinawagan ko siya na ikinatingin naman niya sa akin at sinagot ang tawag ko.
‘’Hi. Did you fvcking miss me?’’ saad ko sa kanya na ikinangisi naman nito sa akin pabalik. Pero mas ikinagulat ko sa kanya ang mga sagot nito sa akin.
‘’Did they make you cry again?’’ aniya sa akin na ikinatingin ko naman sa kanya.
Nakita ko ang pagyukom sa kamao nito at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya at ano ang pinagsasabi niya at anong ang kanyang pinagsasabi.
‘’Don’t force yourself that you don’t laugh in my fvcking woeful life did you buy me to run away fro--’’
‘’What if yes?’’ aniya sa akin na ikinatawa ko naman. Hindi na ako magpapaloko sa mga taong kagaya nila na sasaktan din naman ako. Alam kong nand’yan lang sila para saktan din ako. Hindi na ako magpapaloko.
‘’Kaso, hindi ko kailangan e, i-sarili mo na lamang, Mr. Phoniex, dahil kahit na baliktarin ‘man ang mundo. Hindi ako mapupunta sa ‘y--’’
‘’When I catch you, you’ll regret running away from me and you won’t be able to stand up anymore because I will do everything to make you unable to walk.’’ aniya sabay ngisi nito sa akin nang nakakakilabot. Nginisihan ko naman ito pabalik. Para naman hindi niya mapansin ang kaba na aking nararamdaman.
‘’So, you fvck me hard. Ah,’’ sa pagkakasabi ko naman nun ay nakita ko ang pag-galaw ng adams apple nito na alam kong napalunok nito. Manyakis nga talaga yata ang lalaking ito. Ang akala ba niya sa akin ay bibigay ako sa kanya. Bigla itong nagulat ng tinaasan ko ang kamay ko at kahit na modela ako o ano, ay may ganito akong pag uugali ang itaas ang bad-finger ko sa sobrang galit dito.
Pinatayan ko siya ng cellphone nang ibinagsak ko ang cellphone niya sa lupa. Habang nakatingin sa kanya ng nakangisi ko na ikinamura niya ng malutong, inapakan ko iyon. Hanggang sa madurog at mabilis ako napatingin sa paligid at Bingo! May kalapit akong Casino na malapit sa akin, tumingin muna ako kay Caleb at nag ba-bye. Hanggang sa mabilis ako nanakbo sa loob alam kong susundan niya ako at gagawa ako ng paraan para makatakas.
''Tumabi kayo sa dinaraanan ko.'' saad ko sa mga humaharang sa dinaraanan ko. Umakyat ako sa unang palapag at kailangan ko hanapin ang ''Alas'' na kailangan kong magmadali kung hindi ay baka mahuli ako ng lalaking iyon. Napatingin ako sa pintuan ng Casino at napangisi ako nandoon si Caleb na ginagala ang paningin nito sa buong lugar. I’m sure. Ako ang hinahanap niya, pero sorry siya, mas matalino pa ako sa matalino. Mag iisip ako nang paraan para makalayo sa kanya.
''Bingo. Nakita din kita, Fire alarm.'' bulong ko na ikinatingin ko sa isang red button at mabilis ko naman ito sinuntok at hindi siya nabasag agad-agad, pero carry ko naman ang sakit at manhid ako, wala sa akin ang lahat ng ito sa pinaranas na sakit ng magulang ko. Isang malakas na puwersa ang ibinigay ko at nabasag ko din ito at dun dumugo ang kamay ko, pero okay lang, at least napindot ko at magkakagulo silang lahat. Pero bago ang lahat, kailangan ko magpalit ng damit.
Kailangan hindi niya ako makilala. Alam kung iisipin niya na dadaan ako sa fire exit. Tsk. Isa akong rebeldeng anak, bob* siya pag naisip niya iyon. Mabilis akong nagpunta sa rest room at ng hila ng babae doon at tinaasan lang ako ng kilay nito, pag ito binunutan ko ng ngipin lahat ng walang anistisya, baka mamatay ito ng may sama ng loob.
''What th--’’
Nakakabingi na ingay pero sa sampal ko ito nakapatigil dahilan talagang nilakasan ko para naman umamo siya sa akin. Ang daldal naman kasi, hindi na lamang maghubad at makipagpalit sa akin. Edi sana, naging mabait pa ako sa kanya.
''Ang daldal mo kasi, maghubad ka nalang at magpalit tayo. Kung ayaw mong sirain ko ang mukha mo na matagal ng sira at mabilis ko lang iyan sisirin.'' saad ko dito na nanlilisik ang mga mata at agad naman ginawa nito ang sinabi ko. Hindi ko alam ay napangisi na lamang ako at mabilis kong hinubad ang damit ng Caleb na iyon magka-allergy pa ako sa kanya. Hindi ko sila hahayaan nasaktan nila muli ako at hindi ako makakapayag na ipasok nila ako sa kalungkutan.
''Alis! At nagmamadali ako.'' saad ko ng makapagpalit ako, binuhaghag ko ang kulot kong mahahabang buhok at mabilis kong tinahak ang mga taong nagkakagulo. That's good, wala nga siya. Mukhang fire exit niya ako hinahanap at hindi siya sumama sa entrace magbantay.
''Sorry, miss.'' sabi ng isang tauhan ni Caleb na nakabangga sa akin at hindi ako nakilala. Isa siya sa body guard ni Caleb nung kumakain kami. Sabagay, ganoon talaga. Marami ang bantay, pero hindi ako napansin nang makalabas ako ay dali-dali akong pumara ng taxi at dahil pinanganak ako na suwerte minsan, mabilis ako nakapara at nakasakay naman ng maayos.
''Doon tayo sa Star Hotel.'' saad ko kay Manong driver. Walang may alam miski ang mga kaibigan ko na may condo na akong napundar at walang sino ’man ang nakakakilala sa akin doon. Dahil iba ang inilagay kong pangalan doon.
Kailangan ko lang mag isip muna, habang hinahanap ako ng lalaking iyon. Hindi ako pwedeng makita nito kaagad. Kung puwede akong magtago lang habang binabayaran ko siya’y gagawin ko. Hindi ko kailangan bumalik sa pagiging modela dahilan alam kong makikita rin naman ako ni Caleb doon, once na bumalik ako.
Pagkadating ko doon ay mabilis akong pumasok sa condo ko at sumalampak sa couch. Kailangan ko malaman ang bawat galaw ni Caleb dahilan sa hindi ako puwedeng maging easy dahil marami itong hawak ayon sa sinabi ni Louella sa akin. Kailangan ko lang mag ingat sa kanya. Mabilis kong binuksan ang tv dahilan kung kilala si Caleb sa buong mundo ay baka ipinamalita na niya—Ah! Fvck!
‘’Pinaghahanap po ngayon ang nawawalang Asawa ni Mr. Phoniex. Ayon sa kanya ay nag-away sila nito at kailangan niyang lambingin ang Asawa dahilan sa tampuhan.’’ -Reporter’s Updated.
Napakunot ang noo ko sa narinig ko at nakita ko si Caleb na nakatabi sa Reporter na babae. Kung may mas lalandi sa babaeng iyan ay baka hindi ko na alam ang titig niya kay Caleb na ikinangiwi ko na lamang, magandang malandi rin talaga. Sabagay, si Louella nga ay parang may kung ano na din bulate sa kanyang tiyan.
Nakita ko naman ang paglayo ni Caleb sa Reporter at hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin na para bang nagagalit si Caleb ngayon. Nakita ko rin ang mga ngisi nito sa labi na para bang alam niya na pinapanood ko siya ngayon o baka napa-praning na lamang talaga ako ngayon. Mabilis kong pinatay ang Tv at pumasok sa kuwarto ko at natulala na lamang ako sa kisame at iniisip ko ang mga sinabi ni Mommy na mas ikinatawa ko na lang. Masasaktan pa rin pala ako sa mga sinabi niya sa akin, hindi ko akalain na gugustuhin niya lamang akong mamatay. Para sa kanyang kayamanan.
Nahihibang na ba ako at tinakasan ko ang lalaking iyon? Tama bang ginawa ko ito? O tama ba ang sinabi nito na pagsisisihan ko ang ginawa ko?! B’wisit! Ano na ang gagawin ko sa oras na mahuli niya ako dito.