TBDC-Chapter 4

2090 Words
Nandito kami ngayon kitchen at kumakain. Hindi ko alam kung bakit ba sinama niya pa ako kumain kasama s'ya. Samantalang naiinis naman siya sa akin, dapat lang mainis siya hindi ko kasalanan na hindi ako marunong maglaba. Hindi naman niya din sinabi na professional na labandera ang hanap niya at hindi palpak na medola. Napangisi ako sa akin isipan at hanggang ngayon'y tinitignan ko pa din ang akin nakakawalang ganang damo sa lamesa. Yes. I’m model but hindi naman ako diet. Dahil kahit ano naman ang kainin ko’y hindi pa rin nagbabago ang aking katawan. ''Eat your food now. Avvy,'' saad naman nito na masamang nakatingin sa akin. Tinitigan ko rin naman ito sa kanyang mga mata. Hindi ko akalain na ako ang hihingiin niyang kabayaran, tapos ang ito lang ang ipapakain niya sa akin? Really? ''Ayoko nga, kailan pa ako naging kambing? 'at saka, bakit ako ang nagsuot ng puny*tang damit na 'to? Hindi ba dapat ay itinapon mo na lamang ‘to? Nagpa-utang ka sa parents ko, pero hindi mo kayang magtapon ng damit?'' saad ko sa kanya pero nagpatuloy ito kumain na mas ikinaiinis ko pa sa supladong manyakis na ito. Hindi ito kumibo pero naiirita naman ako sa mga body guard nito na kanina pa tawa ng tawa sa kanyang likuran. Hindi ba sila marunong rumespito sa akin? Nandito lang ako sa harapan nila at baka hindi ako makapagpigil. Makasakit ako ng wala sa oras. ‘’Kaya kong bumili ng kahit na anong gustuhin ko, kahit mga mamahalin pa na damit ay kaya ko rin.’’ aniya nang makahulugan na nakatingin sa akin. Anong kanyang gusto iparating? Na hindi ko rin kaya bumili ng damit?! ‘’Siguro, masyado na din na alog ang ulo mo, kaya kung anu-ano na lamang iyang pinagsasabi mo.’’ saad ko sa kanya at tumingin sa lamesa na mga nakahain. H’wag mo sabihin na kanya ang lahat ng iyan? wala siyang balak ipapalit ang damo sa plato ko? Napatingin naman ako sa kanya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at mabilis siyang umalis. Hindi man lang siya talaga nagpaalam? Tsk, sabagay, hindi naman niya ako kilala. Parang wala lang siguro sa kanya kung nandito pa ako. Marami din naman siyang pera bakit hindi na lamang niya ako pakawalan. Nakita ko naman na bumalik ito sa kanyang inuupuan kanina at tinaasan ako nito ng kilay ng mapansin niya siguro na hindi ko pa din ginagalaw ang aking kinakain. Anong akala niya sa akin, kambing na kakain ng damo? No way. ‘’You look beatiful to wearing that.’’ aniya sa akin. Iniinsulto ba talaga ako ng lalaking ito? Abah! iyong nilabhan ko lang naman kahapon ay ako ang nakasuot ngayon. At halos pagtawanan nga ako ng dalawa niyang body guard, na nasa likod niya. Sa ganda kong 'to? basahan ipapasuot niya sa akin? Mamahalin ang mga isinusuot ko. Hindi basura. ‘’Iniinsulto mo ba ako? Mamahalin ang mga isinusuot ko at hindi basura.’’ sagot ko sa kanya. Sa pagkakasabi ko nun ay nakita ko ang kakaibang ngisi nito. ''That's your punisment for doing your laundry incorrectly, Avvy.'' aniya na seryoso pa ang mukha nito, habang kumakain siya at naghihiwa ng karne sa kanyang plato. Hindi kaya siya mabulunan? O mamatay na lamang kaya siya kaagad. Naiinis ako sa kanya! ''Sa tingin ko, bibigay din iyan si Boss. Hindi niya matitiis.'' ‘’Ganyan na ganyan din ako sa misis ko dati. Kailangan mag kunwari.’’ "Baka iyan ang bagong teknik ngayon, sa tingin ko naman. Madadaan pa niya sa mabuting lambing iyan." Napatingin naman ako sa narinig kong sabi nung mga body guard niya sa likod. Nagbubulungan ang lakas-lakas naman. Nakita ko kung paano ni Caleb hawakan ang kutsara at halos mamula na din ang kanyang mukha. Nagagalit ba siya? Parang wala naman sinabing masama sa kanya. Dahil hindi ang mga sinabi nito’y hindi gaanong malinaw para sa akin. ''Will you both be silent or will I silence you forever?!'' aniya na ikinalunok ko naman ng maalala ko ang baril niya na nakasukbit sa kanyang tagiliran. Masyadong siyang seryoso pero hindi ko maisip ang ginagawa niya sa akin sa kotse na ikinailing ko na lamang. Napatingin naman ito sa akin at tinaasan niya lang ako ng kilay. Lalaking-lalaki talaga siya na saksakan din ng suplado na masungit at lahat na yata nasa kanya, pati kasamaan ng ugali ay taglay na niya. ‘’Stop staring at me. And don't mind them.’’ aniya sa akin na ikinaikot na lamang ng mga mata ko dito. ‘’Hindi naman kita tinititigan, iyong mga body gu--’’ ‘’Kayong dalawa. Umalis kayo sa harapan ko.’’ aniya sa dalawa na ikinakunot noo ko na lamang. Mahinahon iyon, pero may kakaiba sa dalawang body guard na ngayon ay tumatawa pa nga. Anong nangyayari sa kanila? Mayaman siya, bakit siya kumuha ng sinto-sintong body guard. Naririnig ko pa rin ang mga tawanan nito sa labas na ikinakukunot ko pa lalo. Hanggang sa unti-unti rin naman nawala ang tawanan na mukhang nakaalis na sila. ''And you. Eat that first or you will not eat forever.'' aniya na ikinataas ng kilay ko! B'wisit! Bakit 'di nalang ako nagpunta ng bar para hindi ako nakita ng isang ‘to roon. Sana pala sumunod na lamang ako kay Amber at Louella, Greats Yesenia ngayon mo lamang naisip. Hindi man lang kaya ako hahanapin ng dalawang iyon? Hindi ba nila ako balak ipahanap sa mga Ama nila. Tsk! ''Hey, Honey.'' Isang babae ang biglang sumingit sa usapan namin. So, s’ya ‘yong babae kahapon? Nakakasuka naman. Ang pangit na ng umaga, ang pangit pa ng bubungad sa ‘yo dito. Mamahalin ang suot nito at nakared dress din ito na ngayon ay para siyang modela na naglalakad patungo kay Caleb na ngayon ay todo ang kunot ng mga noo nito. Hindi pala Girlfriend ah. Ikinaikot na lamang ng mga mata ko sa kanya. ''What are you doing here, Pauleen?'' aniya sa babae na ngayon 'ay nakakandog na sa kanya. Really? Hindi ba niya ako nakikita o sadyang malandi ang babae na iyon? Akala ko ba hindi niya Girlfriend iyan? Bakit makakapit na parang unggoy ay dinaig pa nito ahas. Bigla akong tumayo at tumalikod ng biglang magsalita 'to sa akin. ''Where are you going?'' aniya na parang nagagalit pa sa akin. Alangan kakain ako? tapos magkakainan sila? nakakadiri kaya iyon. Nirerespito ko pa naman ang mga mata ko, wala pa akong kaalaman sa mga ganyan na kahit siya ang unang humalik sa akin. Hindi ba niya alam na mas maiinis lamang ako kung makikita ko sila? Nakakadiri, swear! ''Nawalan ako ng gana, Kuya e. Puwede bang mamaya ko na lamang kainin iyan?'' napatingin naman ito sa akin na ikinakunot nito at ang babae naman na katabi niya ay para bang nagtataka. ‘’She’s your sister? Hindi ba’t wala kanang pamilya? Meron kang kapatid sa labas?’’ hindi makapaniwalang saad nung Pauleen na ngayon ay napalunok na lamang ako sa reaksyon ni Caleb na para ba niya akong kakainin nang buhay ng sabihin ko ang katagang Kuya. Anong gusto niya? Daddy? ‘’Ah… D--Daddy?’’ saad ko dito na mas ikinagulo pa nung Pauleen na ngayon ay ikinangisi naman ni Caleb. Oh, no. ‘’I enjoy that what you call me when I first reach the heaven I want,’’ aniya sa akin na ikinaubo ko naman sa sinabi niya. Nakita ko ang mapaglarong ngisi nito na ikinatingin sa akin nung Pauleen. ‘’Sino ba talaga siya? Anong heaven ang sinasabi mo? Honey, I’m here.’’ saad naman nito na ikinatingin ko na lamang sa mukha nito at naiirita ako sa mukha niya. Bahagya itong napahinto at napakunot ang noo nitong tumingin sa akin at para bang minumukhaan niya ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya, pero kung sasabihin niya na mas maganda ako sa kanya, lamang talaga ako ng one hundred na paligo. B*tch! ''Are you, Avvy Yesenia Cromwel?'' saad nito na parang 'di makapaniwala. So, kilala pala niya ako. Sabagay sino ang hindi makakakilala sa akin. Isang sikat na modela at anak mayaman ang isang gaya ko at madalas masangkot sa gulo sa bar tsk! ''Nakakabili ka rin pala ng mamahaling magazine.'' saad ko at pinagsakop ko ang dalawa kung braso at tinitigan ko siya na ikinataas naman niya ng kilay. Para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko sa kanya. Wala naman akong balak na puruhin siya, hindi ako angel. ‘’Anong akala mo sa akin, hindi nakakabili ng mga ipinapasuo--’’ ‘’Ganoon na nga,’’ hindi ko na siya pinatapos at ininsulto ko na kaagad siya na ikinasama ng tingin nito sa akin. Kung hindi niya lang katabi si Manyakis, baka ngayon pa lang, wala na din siya dito at umiiyak na siya. Magpasalamat nga siya’t nagpakilala akong kapatid. Ang kanya lang naman katabi ang hindi sumang-ayon sa akin at nakipag-heaven ang utak. ''Hindi ka nababagay sa lugar na ito. Masyadong matigas ang ulo mo, kaya siguro hindi ka na din minahal ng mga magulang mo. Ah… I know, gagamitin mo si Caleb para tanggapin ka nang mga magulang mo, dahilan sa mayaman si Caleb ganoon ba?'' sabi nito na mapaglarong ngumiti. Hindi na ako nasasaktan sa mga ganitong tanong, para kasi sa akin, vitamins ko na sa araw-araw ang mga ganitong salita. Nginisihan ko na lamang ito at tinitigan siyang mabuti sa mga mata. Kung inaakala niya ay magpapatalo ako sa kanya, nagkakamali siya, hindi naman ako siya na iiyakan ang lalaki at luluhod para sumubo. ‘’H’wag mo naman ako, igaya sa ‘yo. Ay, wait. Hindi ba’t masyado nang nalulong sa casino ang parents mo? Hindi ba’t ipinasok sa mental ang Mommy mo. At ang Dadd--’’ ‘’Shup-up! Wala ka--’’ ‘’Nah, ah. Pauleen Martinez, hindi ka na nga maganda. Magsisinungaling ka pa?’’ saad ko dito at natatawang pinagmasdan ang namumulang mukha nito na para bang naiinis na siya sa mga sinabi ko sa kanya. Uunahan ko na siyang inisin. Dahil mas iinit ang dugo ko ngayon. ‘’H--hindi… totoo iyan…’’ ‘’Naku, baka ikaw ang may kailangan kay Caleb? Virgin ka pa ba? Baka marami na di--’’ ‘’You. Witch!’’ saad nito at mabilis na lumapit sa akin at sasabunutan sana ako nito. Nang mabilis akong gumalaw na ikinasubsob naman nito sa lapag. Nakita ko na dumugo ang ilong ito na ikinatingin ko na lamang sa kanya. Mukhang may tatabingi ang ilong para sa retoke. ‘’Oppss… sorry—’’ saad ko dito na tumingin bahagya sa aking kuko. Kung akala niya siya na ang pinakamaldita sa mundo. Nagkakamali siya, nabubuhay pa ako dito sa mundo. ''Mas 'di hamak kasi na maganda ako sa ‘yo. Mas maalindog, mas fresh at mas M-A-S-A-R-A-P.'' halos matawa ako sa mukha ni Pauleen ng spell ko pa ang masarap sa harapan niya. Halos para itong puputok na bulkan sa sobrang inis na nararamdaman. Bahagyang napatingin naman ako kay Caleb ng bigla kasi siyang maubo sa sinabi ko na ikinataas ng kilay ko sa kanya pinagmasdan na lamang nito ang magiging reaksyon ni Pauleen. ''No!'' sabi nito sa akin na ikinatawa ko lang. Masyadong pinahahalata na mas lamang talaga ako sa kanya. At walang makakapigil sa akin na sabihin ang lahat. Hindi ako kontrol ng Caleb niya na ngayon ay nagbabasa pa ng dyaryo. Ibang klase din ang lalaking ito, masaya siguro siyang pinag aagawan siya. Pero ibahin niya ako, wala akong balak makipag agawan at gawin Fan club pa ang kagaya niyang saksakan ng sungit at suplado. ‘’Sige, matutulog na ako. Ayoko masira ang buong araw ko na hindi masilayan ang beauty ko. Ikaw, hindi muna kailangan ng beauty rest. Wala ka naman beauty, so rest ka nalang. Okay, bye!’’ saad ko at mabilis na humakbang pataas ng kuwarto. Wala din naman akong gana kumain na. Naiinis na rin naman ako. Ipagtuloy ko na lang. Hindi ako takot mamatay, takot lang ni Satanas palitan ko siya sa truno niya, tsk. Umakyat ako sa kuwarto at nahiga. Nakakapagod naman, kahit umaga palang sana ay makaalis na ako dito. Wala rin akong balak kainin ang damo na iyon. Magtutuos pa kami ng Caleb na iyon, hindi ako papayag na ikulong niya ako dito. Hindi kailanman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD