''W-what?! Ako ang dapat gumawa n’yan?'' tanong ko kay Nanay Pasing na nakatingin sa mga plantsyahin. Sa dami, parang parusa naman yata sa akin ng Caleb na iyon. Mukha ba talaga akong maid sa kanya? Bahagya akong napatingin sa kuwarto ni Utoy. His okay now? Hindi na ba siya galit sa akin? ‘’Wala siya sa kuwarto niya, isinama kasi siya ni Caleb sa opisina niya at para hindi ito malungk--’’ ‘’Whatever.’’ mabilis kong pinutol ang sinabi nito at napatingin sa orasan. Tanghali na pala akong nagising kaya nakaalis na sila nu’ng magising ako. Umagang-umaga pinapainit ng lalaki na iyon ang ulo ko. Wala ba siyang balak na pagbatiin kami ni Utoy? Come on, Avvy hindi ba’t ikaw may dahilan ng lahat? sabay bulong naman ng aking konsensya. ''Pasensya kana anak, ikaw talaga ang gagawa n’yan. Mahigpit

