‘’Hoy. Bawal kang lumapit sa Mommy Ganda ko.’’ pagbabanta ni Utoy sa tuwing may lalapit sa akin na lalaki. Maski ang boss ko ay pinagbabantaan niya, mabuti na lamang at nacu-cutetan sa kanya ang mga tao rito. Kanina pa nila ako kinukulit na anak ko ba talaga ang bata dahilan sa malaki din ang pagkakahawig namin ni Utoy. ‘’H’wag kang lumapit sabi sa Mommy Ganda ko.’’ warning nasabi ni Utoy na ngayon ay ikinakamot naman ng baklang nag aayos sa aking buhok. ‘’Why naman akesh kanina pa ginugulo ng cute na batang ito? Tita nga kasi ako.’’ sagot naman ng makeup artist ko na ngayon ay napapailing na lamang. Habang kinakausap naman ako ng aking Director. ‘’Utoy, h’wag mo silang tutukan n’yan. Hindi mag--’’ ‘’Hindi puwede. Nangako ako kay Daddy Guwapo na ako ang magbabantay sa ‘yo at ako ang mag

