CATHERINE’S POV “HELLO po, Tatay. Kumusta po kayo diyan?” pasalamat ko na hindi ako nautal nang sagutin ko ang tawag ng aking ama. Sa kamamadali ko kanina, T-shirt tuloy ni Prof. Garcia ang nadampot at naisuot ko at saka ako tumakbo papasok dito sa terrace na karugtong ng kaniyang silid. Malakas pa naman makiramdam si Tatay Tristan. Lalo na pagdating sa akin. Madalas, alam niya kung kailan ako nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo. “Ikaw nga ang dapat na kinukumusta ko, anak. Dahil ang sabi ng Tita Meryl mo, na-stranded ka raw,” bakas ang pag-alala sa boses na sagot ng aking ama. “Patawarin mo si Tatay kung hindi ko nasagot ang mga tawag mo at kung wala ako diyan para i-rescue ka.” Napakamot ako sa ulo habang nangingiti. “Si Tatay talaga parang bata pa rin ako kung ituring. Na-strande

