CHAPTER 8 (Iya’s POV)

1184 Words
Nakasunod ito sa kanya habang siya ay nasa unahan nito nag lalakad. Wala silang sinasabi sa isa’t isa. She doesn’t know what to say too. Naiisip niya kasi ang sinabi ng manghuhula sa kanya. Isa pa naiinis siya dahil hindi niya ito natalo sa try out. Ang ibig sabihin ba nito ay pumupurol na siya? How come natalo siya ng isang rookie na hindi na nag lalaro for a year? Pero kung ang taon lang ng pag lalaro ang pag babasehan niya ay walang wala siya dito, because Andy was training since the day that she can hold a racket in her hands. 7 years old pa lang ito ng turuan noon ng nag sisimula pa lang sa professional league na ina nito. Ngayon nga ay 16 years old na ito. 9 years na itong nag e ensayo ng badminton.   “Ang lalim ng iniisip mo ah?” Andy was beside her. Hindi niya napansing nasa tabi niya na pala ito nag lalakad.   Masungit na inirapan niya ito. Hindi niya alam kung bakit kasama niya lang ito pero ito ang laman ng isip niya. “Iniisip ko kung pano mo ako natalo. Pero ngayon handang handa na akong talunin ka.”   Tumawa ito. “Let’s see.”   Hindi siya nag komento sa sinabi nito. Hindi na din ito kumibo. Kaya naman she didn’t try to break the silence. Lakad lang sila ng lakad papunta sa gymnasium. Hindi niya nga napansing nasa tapat na pala sila ng glass na pintuna nun.   “Iya Baby!” Myra came running towards them. “Hey Cutie Andy!” saka nito pinanggigilan ang pisngi nung bata.   Napangiwi si Andy dito. Saka kakamot kamot sa pisngi na naupo na din sa bleachers. Sumimangot na din ito sa kaibigan niya pero tinawanan lang ng huli.   Sinimangutan niya ang kaibigan. Alam niya na kasi ang kasunod nito pero parang balewala lang dito. Niyakap pa rin siya nito.   “I miss you Iya Baby. And tagal mo nawala!”   Nilingon niya ang pinanggalingan nitong court. Halos wala ng natirang rookie o kapwa nito ka team na andun sa bench para makipag match dito. Tatlo na lang ata ang natira at halos manginig sa takot dito. Yung isa rookie pa. Tapos yung dalawa ay sina Jillian at Kiana.   Meron pa naming iba na nag kakaroon ng matches pero sa court side ni Myra lang ang halos maubos na.   “Wala lang kasing nakakatalo sayo kaya hinahanap mo ako.” Nag lakad na siya sa court side nito.   Andy was also waiting there. Pero imbes na siya ang pupunta sa opposite side ni Myra ay pinigilan siya ng bestfriend niya. Itinuro nito si Andy. Saka tila nang hahamon na gumawa ng ‘come-hither’ motion ang bestfriend niya.   She rolled her eyes at her bestfriend saka bumalik sa bench para panoorin ang gameplay. Tinawanan lang din siya ng loka loka niyang kaibigan.   Saglit siyang tumitig kina Kiana at Jillian bago naupo sa tabi ng mga ito. Nakita niya ang dumaang takot sa mga mata ng mga ito. Mga duwag din pala.   Tumiin ang titig niya sa court. Halimaw din talaga ang kaibigan niya pag dating sa court kaya hindi niya alam kung pano ito matatalo ni Andy.   Tila di naman makapaniwala si Andy dahil itinuro pa nito ang sarili. Tumango si Myra dito. Saka ngumisi. Yung ngisi nitong pwede niya ng ihanay sa mga kontrabida.   Inilabas ni Andy ang racket nito na nakasukbit sa kaliwang balikat nito. Napanganga naman siya ng makita ang hawak na racket nito.  It was a Yonex Arcsaber 10.Well rounded ang racket na ito na perpekto pagdating sa speed and control. Kilalang kilala niya din kung kanino ito galing. It was from Isabel Reyes-Villanueva. Ang ina ni Andy.     Siguro nga hindi pa inilalabas ni Andy ang tunay na husay nito sa badminton dahil sa ibang racket ang hawak nito noong nakipag laban sa kanya sa try out. Pang beginner’s badminton lang kasi ang racket na ginamit noon sa try out match. But this time. Pwede na silang mag dala ng sarili nilang raketa.   Napahawak siya ng mahigpit sa dilaw niyang Yonex Voltric 80. Ito ata ang magagamit niya laban kay Andy mamaya. Yun ay kapag natalo nito ang kaibigan. Nag warm up muna ang dalawa. Then they waited for the coin toss. Head kay Andy at Tail naman kay Myra.  Nanalo si Myra doon kaya ito ang unang mag s serve sa dalawa.   Her bestfriend positioned herself in a leaning position with her right hand on the front baseline of the court. Myra is doing a backhand short serve, kung saan nakababa ang ulo ng racket nito at nakaharap ang knuckles nito sa net. Her shuttle c**k is right in center-front of the head of the racket. Mabilis iyon na pinakawalan ng bestfriend niya. And Myra swung to hit the shuttle.   Andy who was at the center was able to receive it. Nagawa nitong mapalipad ang shuttle c**k sa dulo ng field pero mukhang in pa rin iyon. Myra shuffled backwards, and was able to receive it. This time Myra calculated her net lift. And net lift kung saan ihuhulog lang ng player ang shuttle c**k malapit sa front line ng field pero manggagaling ang shuttle c**k sa back field. Mabilis iyon na bumulusok sa right corner, kaya naman hindi na nahabol ni Andy.   “One love zero!” Biglang anunsiyo ng captain niya na hindi nila alam kung saan nanggaling. Pero mukhang sa c.r malapit sa court side na ito.   “Cap ano kabute lang?” Di na niya napigilang tanungin ito.   Tumawa ito.  “This is the exciting part of the game.”   Nakiupo ito sa kanila sa bench. Saka binati yung tatlong kasama niyang nakaupo. Bumati din ang mga ito bago tinutok ang mata sa game. Nag palitan na kasi ng tira ang dalawa. And by the looks of it. Lamang si Myra dito. Sa score na 15 love 8.   “Tingnan mo nga. Hindi siya naka score laban kay Myra.” Jillian said na parang biglang lumakas ang loob.   Umingos lang siya. It’s too early to decide what will be the outcome of the game. Pero hindi niya na lang iyon isinatinig.   “Sino nga ba ito? Bansot lang naman yan.” Kiana said through gritted teeth.   She mentally rolled her eyes. Kaya hindi gumagaling ang mga ito sa pag lalaro dahil imbes na punahin ang sariling flaws ay inuuna pang manghusga ng iba.   “Wait lang girls di pa nag iinit si Villanueva.” Nakangiti pa din ang captain nila.   Yes. Tinatantiya pa ni Andy ang magiging gameplay nito laban kay Myra. And her bestfriend knows this too. Kaya kahit na lamang ito ay seryoso pa din itong nag lalaro. Pero nagulantang sila ng bigla na lang nagbago ang gameplay ni Andy. Naging aggressive ito sa pag smash. Andy was also forcing Myra to give her a parabolic return of the shuttle, para mas magamitan pa ang kaibigan niya ng smashes. It was like Andy is imitating someone. Nanlaki ang mga mata niya ng may ma-realize siya. Ginagamit nito ang gameplay niya laban kay Myra!   Nag tapos ang game sa isang 21 love 19 na score. Napatayo ang captain nila at pumalakpak. Samantalang parang tanga namang ngumiti ang kaibigan niya. Bago nakipag kamay kay Andy.   “Salamat sa magandang laro Cutie Andy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD