Sapphire's POV
Nasa may cottage kami ngayon ni Cali kasama 'tong sira ulong 'to. Nang makapag pahinga kami saglit ay sinabi ni Thane na aalis na siya kaya sumama kami palabas sa kanya at tumambay.
"Oh ito, anong tawag sa kuto ng kalbo?" Tanong ni Cali na kanina pa sila nagpapalitan ni Elijah ng dad jokes.
"Ano? Kapag yan hindi ako natawa susuntukin talaga kita." Sabi ko sa kanya.
"Edi homeless." Sabi niya. Natawa ako sa pagmumukga nilang dalawa ni Elijah hindi sa mga walang kwenta nilang jokes.
"Anong sabi ng daddy donut sa baby donut nung umakyat siya ng puno?" Pambawi naman ni Elijah.
"Oh?"
"Anak, bavarian." Sagot niya tsaka pa siya ngumiti. Hinampas ko siya kakatawa dahil ang pangit talaga ng pagmumukha niya.
"Ang... ang pangit mo gag-" humarap siya sakin kaya natawa na naman ako sa kanya. Kanina pa kami tawa ng tawa at nawawalan na ng hininga sa tuwing magkakatinginan kaming tatlo.
"Oh ito... Ito na lang, tumigil muna kasi kayo kakatawa." Sabi naman ni Cali na nagpipigil ng tawa habang hawak pa yung tasa niya. "Ang luwag luwag ng dagat pero bakit nakabaluktok yung hipon?"
"Baka nilalamig." Seryosong sagot ko.
"Syempre, ikaw kaya tumira sa dagat, mapapapanat ka rin e." Sagot naman niya sakin.
"Bakit naman ako titira sa dagat?"
"Bakit naman hindi?" Tanong naman ni Elijah.
"Bobo ka ba? May shell nga e, bakit mapapanat?" Turo ko naman kay Cali.
"Ikaw nga, sige mag shell ka, tignan ko lang kung hindi ka mapanat."
"Tanga ka ba? Syempre sanay mga yon." Sabat naman ni Elijah.
"E kung sanay bakit napanat?" Sagot naman ni Cali. Tsaka lang kami napatabingi ng ulo nagiisip. Maya maya nagkatinginan kami ulit kaya tumawa na naman kami.
"You like Zia?" Tanong ko bigla kay Elijah.
"I-"
"We know you do." Singit naman ni Cali bago pa makasagot si Elijah.
"Edi sana hindi na kayo nagtanong. Alam mo pa sa akin e." Tsaka niya binato ng takip ng bote si Cali.
"Edi gusto mo nga?" Pag iintriga ko naman.
"Bakit ko naman sasabihin sa inyo?" He said kaya kami nagkatinginan ni Cali at ngumiting pang demonyo.
Tumayo naman siya sinilip yung hawak na tasa ni Cali, "Ano yan? Wine? Tanga ka ba? E bakit naka tasa?" Sunod sunod na tanong niya.
"Ikaw nga e, ayaw mong umamin na gusto mo si Zia, pinakealaman ba kita?" Balik tanong naman ni Cali sa kanya.
"Oo n- teka nga."
Tumayo ako para abutin siya at binatukan.
"Oh diba, diba gust-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita namin si Zeke na nag uunat.
"Hi guy-"
Biglang tumayo si Cali at sinuot ang tsinelas niya kaya hindi na natuloy ni Zeke ang pagbati niya sa amin. "Ayaw ko na, kayo ka bonding." Sabi niya at lumabas ng cottage.
"Ay ang lamig... Tara na." Sabi ko at nagsuot na rin ng tsinelas.
"Grabe inaantok na 'ko." Sabi naman ni Elijah at kunwaring pang humikab at lumabas na rin ng cottoge. Natatawa akong lumabas ng cottage dahil sa itsura ni Zeke. Lalakad na sana ako para lagpasan siya but he stopped me by grabbing my wrist.
"Papasok na 'ko baliw, malamig." I said nang tignan ko siya.
"Can you stay here with me for a while?" He asked. He looks sincere so I nodded. Hindi pa rin naman kasi ako inaantok. Hindi kami pumasok sa cottage but we sat on the sand near the shore. He removed he's sweatshirt at inabot yun sa akin while still wearing his shirt.
"It's fine. Hindi naman ganon kalamig." I said, dahil naka shirt naman ako at naglolokohan lang kami kanina.
"Just wear it."
Sinuot ko na lang para hindi na humaba pa yung usapan. Nang maisuot ko na 'to at maamoy ay may naalala ako.
"The hoodie that Cali hand me, it's yours, isn't it?" I asked.
"Yeah." He simply said kaya wala na rin akong sinabi.
A long but comfortable silence sorrounds us. Ang hampas lang ng alon ang naririnig namin.
"Saph, how's your dad?" He suddenly asked.
"My dad?" Takang tanong ko sa kanya dahil bigla niyang naitanong.
"I mean, your parents."
"Hmm... My dad died five years ago, while my mom is fine and she's a prosecutor."
"That's tragic."
"It is, but I'm proud of him. Because he died with dignity and pride. And I can't..." I stopped because I'm trying to stop myself from crying.
"I can't wish for anything else, but to give him the justice he deserves." I finally said. "My dad was a detective. A really great detective and a very loving father... It is really tragic I guess. Because one day, the best father I've ever known was dead and gone." Tumingala ako to stop my tears from falling but I can't. Zeke was just looking at me at hinahayaan akong sabihin ang gusto ko.
"I woke up one day with the news that my dad is gone. The person who always wakes me up didn't wake up anymore... That's why maybe, it feels nice but surreal at the same time when you call me sleeping beauty. Because he used to call me that... I was his sleeping beauty." I said and cried hard.
Pinupunasan ko ang luha ko pero parang walang silbe ang ginagawa ko dahil patuloy pa rin sa pagtulo. Zeke held my face with his both hands and wiped my tears. Nagulat ako sa ginawa niya kaya nakatingin lang ako sa kanya.
"I miss him." I said habang nakatingin sa kanya. "I really do."
"I know. I know you do. But stop crying, okay? We'll do everything to give your dad what he deserves." He said while still wiping my tears.
I just looked at him before I nod. He let go of my face at nagpunas ako bago tumingin sa dagat na naiilawan ng buwan.
"It's getting late. Let's go inside para makapag pahinga ka na." He said and stood up. He lend me a hand and I accepted it. I thought he will let go of my hand nang makatayo ako but he didn't. Hinayaan ko na lang siya because he started walking.
Nang makapasok kami nasa may sofa pa rin si Aiden and Eithan was about to go out.
"Where are the others?" I asked.
"Zia went outside. Baka kasama si Elijah and Cali's asleep, I guess?"
"No. You're right." I told him and he smile then he look at our holding hands. Dahil nawala sa isip ko yon kanina kaya bigla ko na lang hinila pabalik ang kamay ko na hinayaan naman ni Zeke. I heard Eithan chuckled at nagpaalam siya na lalabas daw muna.
Naglakad naman ako papunta sa may pinto namin ang Zeke followed me. Tinignan ko siya nang makalapit na ako sa pinto namin.
"You go in." He said at tumango naman ako. I was about to hold the door knob to open it pero hinarap niya ako sa kanya gamit ang kaliwang kamay niya and held my nape with his other hand habang ang hinlalaki niya ay nasa may pisngi ko. He then kissed me on the forehead.
"Goodnight, our sleeping beauty." He said and walked away para pumasok sa kwarto nila. Nakatingin lang ako sa pinto kung saan siya pumasok na ngayon ay nakasara na. Napabalik lang ako sa wisyo ko nang tumayo si Aiden and called me.
"You good?" He asked.
"A-Ah... O-oo naman... I'm good." Yeah, you are.
"You should sleep then." He said at ginulo ang buhok ko bago siya pumasok sa kwarto nila ni Eithan.
Nang makapasok ako sa loob ay tulog na tulog na si Cali, as usual. I just took a warm bath at humiga na para matulog pero hindi ko mahanap ang pwesto ko. Naligo na ako but I still wore his sweatshirt because I love his scent.
Nang malapit na ako makatulog narinig kong bumukas ang pinto. Maybe Zia decided to go in and there I feel asleep.
Nagising ako dahil sa ingay sa labas. It's not really loud, sadyang mababaw lang ang tulog ko. Lumabas ako para tignan sila and there's Trisha vomiting the s**t out of her. Alak pa tanga. Hinahaplos naman ni Chase ang likod ni Trisha at tuloy pa rin siya sa pagsuka.
"Goodmorning, Saph!" Masiglang sabi ni Elijah.
"Ewan ko sayo gago." Sabi ko at pumasok na ulit ng kwarto. Bago ko pa maisara ang pinto narinig ko pa siyang nagsabi ng, "Sungit mo naman."
Nang makapasok na ako ay gising na rin si Cali at nag p'phone.
Papasok na sana ako sa banyo nang biglang lumabas si Zia. Nagulat pa ako at medyo napaatras sa itsura niya.
"D-did you put a make up on?" I asked. Mabilis naman siyang umiling. "Ang fresh mo naman. Like a tomato." Sabi ako tumawa siya. Bigla namang dumapa si Cali sa kama habang tinitignan si Zia.
"May nangyari kagabi no?" Tanong niya. Tinignan ko naman siya at nagtinginan kami ng makahulugan.
"H-hoy! Ano ba?! Iba naman yata iniisip niyo e." Dipensa naman ni Zia.
"Edi sabihin mo sa amin para malinaw." Sabi ko at umupo sa kama ni Cali. Tinulak pa niya ako pero sumiksik ako sa kanya.
"Oh ano? Kayo na?" Tanong ni Cali.
"H-hindi... pa." Nagtinginan ulit kami ni Cali bago maghampasan.
"Did you guys kissed?" I asked kaya binatukan naman ako ni Cali.
"Tanga. Hindi pa nga sila e, tapos kiss?"
"Why not? Pwede naman yon e. So, hindi?" Tanong ko ulit kay Zia at umiling naman siya.
"Boring." Sabi ko tsaka ako tumayo. Pero umupo ako ulit nang tignan ko siya.
"Hindi PA kayo. Edi may balak kayo?" I asked again. Naghihintay naman kami ni Cali ng isasagot niya.
"I'll tell you what happened later. Mag si hilamos muna kayo." She said at hinila kami patayo tsaka ako tinulak papasok sa banyo. Wala naman akong nagawa at naghilamos na.