Nagising na ako, tinignan ko ang paligid ko at nakita na nasa hospital ako. Wala akong maalala, sino ako? Saan ako nanggaling? Ano ang pangalan ko?
Nakatulala ako habang iniisip ang mga katanungan iyon, natigil lang ng may pumasok na nurse.
"Gising na pala kayo, mabuti naman po" aniya, kasunod nitong pumasok ay isang lalaki, matangkad ito, gwapo, matipuno, at may kulay abong buhok, berde ang mga mata na hindi ko pagsasawaang tignan.
"Maiwan ko na po kayo" saad ng nurse at lumabas
"Sino ka? Anong ginagawa ko rito?" Tanong ko
"Well, you've been asleep for a week now.You had an accident a week ago - a car accident, to be precise. Your brain was injured during the accident, which has affected your memory." Aniya
"At ikaw bakit ka nandito? "
"I'm the one who rescued you. Aren't you going to express gratitude to your savior?"he said in a baritone voice
" oh thank you " saad ko
"Your name is Mary Jane Cortez-Saldivar, and you are wedded to Caleb Saldivar. As the sole heiress of your company and the only daughter of Peitro Cortez, you hold a significant position." He explain further
"E paano mo naman yan nalaman lahat? "Takang tanong ko
" Wala ka talagang naaalala? Isa sa mga kilalang tao ang pamilya mo, marami kayong companies kahit saang lugar.Also hindi ko papala na k-kontak ang asawa mo, I'm also busy with my work you know"
"Asawa?"
"Yes your husband, Caleb Saldivar nanggaling rin siya sa isang kilalang pamilya" saad niya sabay pakita sa akin ng litrato ng, Caleb Saldivar na iyon.
"Nagpapatawa ka ba, hindi iyan yong type ko noh? Bakit naman ako papakasal diyan"
"Kasal nga kayo"
"Never,at isa pa ano nga pala pangalan mo? "
"Kaizen Cervantes"
"Kaizen, kai, kai nalang tawag ko saiyo" masayang saad ko rito
In his baritone voice, he said, 'Suit yourself. By the way, I've already instructed my secretary to inform your father and husband about your situation.'"
"Alam na ba nila?"
"Maybe, pero wala pa akong natatanggap na reply sakanila" saad niya, bigla namang pumasok ang isang babae,naka suot ito ng maikling skirt at longsleeve na white.
"Sir,naayos ko na po pwede na daw pong maka labas si Mrs.Saldivar hospital" aniya
"And her family, na contact mo na sila diba? "
"Po? " secretary niya
"Don't tell me nakalimutan mo"
"Ay sorry po, Sir.Magpapadala na po ako ng mensahe ngayon na po-" saad ng secretary niya pero pinigilan ko ito
"No, don't! " saad ko, hindi ko alam pero ayaw ko munang malaman nila ang nangyari sa akin.Di ko alam kong bakit pero ayaw ko munang bumalik doon.
"Why, Mrs.Saldivar? Baka nag-aalala na saiyo ang Ama mo at asawa" saad ni Kaizen
"I don't know, pero wag, ayaw ko.Pwede bang sa puder mo muna ako? Wag kang magalala pagsisilbihan kita" saad ko rito, nakita ko naman ang pagkagulat niya sa mga sinabi ko
"Well, you can stay at my house temporarily, if that's what you really want. I won't inform your family or any relatives." Nabuhayan ako ng pumayag siya sa sinabi ko
Inuwi niya ako sa bahay niya,malaki ito at maganda.
"Linda" tawag niya sa isa nilang kasambahay
"Yes Sir" sagot naman ng Linda, tinignan ako nito at nag kunot noo. Siguro nagtataka kung sino ako at anong ginagawa ko rito sa bahay ng amo nila
"Si Jane, ihatid mo siya sa isang kabante na kwarto sa itaas. Piliin mo yong malapit sa kwarto ko, kung may ipaayos siya sundin niyo nalang" utos niya
"Hali ka Ma'am" si Linda, agad naman akong sumunod sa kanya sa taas
Binuksan niya ang pinto patungo sa isang kwarto na katabi ng kwarto ni Kaizen.Walang ka buhay-buhay ang kwartong ito, kaya naisipan kong baguhin ang lahat.
"Ang boring naman ng kwartong to" saad ko
"Ano po ang gusto niyong mga baguhin? " tanong ni Linda
"Please change the bed sheet to a light green color and move the bed beside the window. Also, could you add some butterfly decorations to the walls?"
"Sige po, Ma'am.Ngayon niyo po ba gusto baguhin ang mga ito" tanong niya
"Yes" maikling sagot ko
"Ihahanda ko nalang po yong isa pang kwarto doon po muna kayo" saad niya, tumango na ako pero biglang nagsalita si Kaizen,nandiyan pala siya.
"No need, Linda. She can stay in my room" he said in his baritone voice
"Ah kung ganoon po, sige po" sagot ni Linda
Nang umalis so Kaizen ay sinundan ko ito, para akong buntot niya sa kakasunod ko.
"Do you need something? " tanong niya patuloy parin ito sa paglakad
"Ah kase,wala pala akong mga damit dito, wala rin akong bra at mga undies dito, you know"
"I'll ask my secretary later to shop for everything you need, so please list it all down."
"Ok, pero hanggang kailan mo ako patutuloyin dito sa bahay mo? "
"Hanggang kailangan mo gusto" aniya
"Really! Wag kang mag-alala babayarin kita sa pamamagitan ng pagsisilbi saiyo, kaya kong magluto, e pagluluto kita" masiglang saad ko rito, nakita ko naman ang pagpigil niya sa pag ngiti niya
"Yeah, but ayaw mo bang malaman ng asawa mo na maayos ang kalagayan mo"
"Di ko alam pero, feeling ko ayaw kong malaman niya kung nasan ako. Hindi ko nga alam ba't ako nag pakasal sa kanya"
"Okay then, ipapadala ko nalang sa kwarto ko ang mga pinabibili mo tutal doon ka rin naman matutulog hanggang matapos nilang ayusin ang kwarto mo"
"E ikaw saan ka naman matutulog"
"Sa office ko rito sa bahay, may sofa naman doong pwede ko higaan"
"Ay hindi pwede kwarto mo iyon, doon ka narin kaya matulog sa sahig na ako"
"No"
"Ok lang naman para sa akin ah" pagpupumilit ko rito, sa bandang huli ay napapayag ko rin siyang sa kwarto niya rin siya matulog