Pagpunta ko sa work kinabukasan, sumakay naman ako ngayon sa sports car ni Wilder. Dumaan kami sa isang drive thru at kumuha ng coffee at masarap na muffins kahit na ba nag-breakfast kami. Iniwan ko ang sarili kong sasakyan kahapon dahil flat ang ilang tires nito. Dahil sa napag-usapan namin kagabi, imbes na kumuha ako ng Grab car para ihatid ako, I decided na sumabay na lang sa isa sa mga step brothers ko. Pumayag na rin naman kasi ako na malaman ng ilang nagtatrabaho rito na parte ako ng pamilyang Thalon, pero subtle lang para may class pa rin, pa-humble gano’n. Nauna akong bumaba ng sasakyan at pinuntahan ko kaagad ang aking pinakamamahal na mini cooper. Bukod kay Maddox, Vader at Wilder na gusto kong inaalagaan, kasali na rin doon ang aking Coopy. I check my car at nakitang okay na

