Napahawak ako sa aking dibdib at huminga ako ng malalim nang umalis na ang ,isa kong amo papunta sa kanyang trabaho. Asawa siya ni ma’am Suzanne ba hindi niya naipakilala sa akin kagabi. Medyo nagaliyt nga siya sa akin dahil gabi na ako dumating. Hindi ko naman akalain na masisira ang bus na sinakyan ko papunta rito. Nagulat ako kanina nang marinig ko ang malamig at malalim niyang boses. Nang makita ko ang malaking lalake sa likod ko, sobra akong natakot. Akala ko nga sasaktan niya ako at baka napagkamalan niya akong magnanakaw. Pero sa una naming interaction, mukhang mabait naman siya. Malumanay ang kanyang boses na nakipag-usap siya sa akin. Walang halong malisya at judgment mula rito na kinatuwa ko ng konti. Wala siyang ibang tinanong kundi ang pangalan ko. Bukod pa doon, bago pa siya

