Nagulat kaming pareho ni Nox nang makita namin ang loob ng bahay nang pumasok kami kinabukasan. Gulong-gulo ito na para banag dinaanan ng bagyo. Nakakalat ang lahat ng mga gamit sa living room at pati na rin sa kusina. May mga basag pang mga plato at mga baso, sa sahig. Nakakalat rin ang mga pagkain na nasa ref na wala ng laman ngayon. Nang pumanhik kami sa taas, gano’n din ang itsura nito. Lahat ng mga unan, mga kumot nakakalat pati na rin mga damit ni Nox. Napansin din niya na may nawawalang mamahaling gamit na maaaring kinuha ng kanyang asawa bago ito umalis ng bahay. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mukha dahil binasura ni Suzanne ang bahay na pagmamay-ari niya. Talagang nag-iwan pa ito ng sama ng loob sa amin dahil nahuli niya kamai kagabi na magkasama. Masaya ako na hiwalay na s

