Maagang umuwi mula sa kanyang work si Nox at niyaya niya akong lumabas. Dahil wala naman ang kanyang asawa at bukas pa ito , uuwi, pumayag ako sa gusto niya. Agad akong naligo at nagbihis ng magandang dress para naman hindi siya mapahiya pag kasama niya ako. Sa isang mamahalin na restaurant kami pumunta para kumain ng dinner. Manghang-mangha ako sa buong lugar at first time ko talagang pumunta sa ganitong lugar. Ako na nga ang nahihiya dahil parang hindi ako bagay rito. Bahagya akong nagulat nang hinawakan ni Nox ang aking kamay at iginaya niya ako sa isang table na malapit sa glass window ng restaurant. Doon ay kitang-kita ko ang isang magandang garden. Lumapit sa amin ang isang waiter at may binigay na menu sa amin. Tiningnan ko ito tapos ay sinabi na i-order na lang niya ako ng pagkai

