Hindi mawala ang aking ngiti sa labi habang nagsasamapay ako ng aking mga labahin sa likod ng bahay. Natapos ko na rin ang aking paglalaba matapos akong mag-lunch. Sobrang ganda ng aking mood dahil umalis ang aking among babae at ilang araw siyang mawawala. That means ilang araw ko din na masosolo ang kanyang asawa. Kinikmilig ako sa isipin na ‘yon at excited na ako na dumating si Nox. Sinabi ko na kanina ang tungkol sa kanyang asawa at katulad ko, natuwa rin siya. Ilang oras na rin naman ang hihintayin ko bago siya umuwi. Nagsasampay ako ng malalaking kumot at medyo pawisan ako dahil na rin sa init. Kahit naman wala ang aking amo na babae, kailangan ko pa rin na asikasuhin ang bahay. Hindi naman ako katulad ni Suzanne na mas gustong walang ginagawa. Biglang humangin ng malakas kaya mahi

