INTRODUCTION

623 Words
On…   Off…   Parang ilaw ang relasyon ni Marianne kay Vander. Palihim na nga ang pakikipagrelasyon niya dahil bawal pa, puro problema pa. Sakit ng ulo ang lalaki dahil pilit nang pilit na maka-score kahit na paulit-ulit naman siyang tumatanggi. Mahal niya si Vander pero gusto na muna niyang maka-graduate.   At hindi na yata nakatiis ang walang hiya kaya humanap ng iba--nangaliwa.   “Iinom pa 'yan!” Sigaw ng isa sa mga kasamahan niyang susuray-suray sa loob ng bar na pinuntahan nila.   Iyon ang kaisa-isang bar sa probinsya na kinalakihan niya at halo na lahat ng tao, mayaman, bakasyunista, mahirap, mabaho, mabango, maganda at pangit.   Ang alam ng mga magulang niya ay nasa pre graduation party sila pero hindi. Hindi matino ang sinamahan niyang grupo dahil gusto niyang magpakalasing.   She’s happy that she’ll graduate now, with flying colors, Salutatorian but she’s sad because her very first boyfriend hurt her.   Kanina pa niya hinahanap si Vander dahil ang alam niya ay darating iyon. Darating iyon pero hindi para sa kanya kung hindi para sa papalit sa trono niya bilang isang band majorette. Hindi alam ng lalaki na 'yon na alam na niya ang lahat.   Nahuli niya sa locker room ng varsity ang lalaki na kahalikan si Kathleen. Porke ba hindi siya nagpapahalik sa labi, pwede na siyang saktan at lokohin?   Gf siya ni Vander tapos may gf din iyon na iba?   Suminghot si Mavi at pilit na iniangat ang ulo na halos nakaasa na sa mesa.   Everything is blurry, hazy. Halos kakaunti lang ang maaninag niya at ang grupo na sinamahan niya ay iniwan na rin siya. Hindi niya alam kung nasaan na ang mga liberated na kaklse niya, na nagka-cutting classes pa para lang manood ng porn at mga twelve inches daw na p*********i.   Huss. Kalokohan.   Kinapa niya ang isang baso ng alak pa at dinala sa bibig niya. That’s the very first time she drunk. Wala siyang alam actually kung hindi bahay at eskwelahan lang. Hindi siya nagpaligaw kailanman pero nang si Vander ang lumapit, nawala ang kontrol niya. Sinagot niya ang lalaki pero nauwi lang sa wala ang lahat.   And now she’s drinking because of hin. She’s hoping that he’ll come and take care of her. Marami na sa mga kaklse niya ang hindi na virgin pero siya ay nasa katinuan pa naman. She’s still innocent and pure and she dreams a boyfriend who’d act as a prince charming than a horndog in bed. Mas gusto niya iyon hahaplusin ang ulo niya at tititigan siya kaysa sa bubuksan ang butones ng blusa niya. But seems like Vander needs a woman opposite her style and behavior.   She’s so unlucky.   Parang nilindol ang ulo niya nang biglang may bumundol sa kanya mula sa likuran. Tinamaan siya sa ulo ng kung anong bagay kaya naman parang lalo siyang nalasing.   “Holy ssshit… I’m s-sorry…” anang boses ng isang lalaki na parang lasing din sa pandinig niya.   Naramdaman niyang hinaplos nito ang ulo niya pero mabigat ata ang kamay ng lalaki.   Lumingon si Mavi, hawak ang ulo pero hindi niya maaninag ang tao, basta malaki ito, kapre yata pero wala siyang makitang mukha dahil bukod sa madilim ay kunukurap pa ang mga disco lights.   “K-Kay lang po…” aniya rito saka siya pilit na ngumiti.   Nakita niyang umalis na ito makalipas ang ilang segundong pagkakatayo sa may likuran niya.   Inilibot ng dalagita ang mga mata sa paligid at parang nakita niya si Vander na nakatayo, nakatitig sa kanya pero hindi na niya matagalan.   Bumagsak ang ulo niya sa mesa at parang hinahatak na siya para matulog doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD