Ellie Palabas na ako ng kampo para umuwi na sa apartment. Natapos din ang maghapon na duty. Tutal limang bloke lang naman ang layo ng kampo mula sa apartment ko, napagdesisyunan ko nang lumakad na lang pauwi. Bukas pa ng madaling araw darating ang barko kung saan ko ipina-cargo ang motor ko. I was already in the gate with my usual body bag habang naka pixelized FSU ako nang biglang may pumitada sa likod ko. It was a white sedan na naka-emergency signal pa dahil nasa driveway pa ito ng tumigil. Lumabas ang driver nito at natigilan ako ng matanto kung sino iyon. “Wala ka bang sasakyan? Tara kain tayo?” Pagyaya ni Roscar sa akin. Nangingiti na ako dahil after all these years na nagkahiwalay kaming magkaibigan, wala pa ring pagbabago sa pakikitungo niya sa akin. Hindi ko na

