Ellie I slowly opened my eyes when I heard people talking in a low voice. Iginala ko ang aking paningin. Nasa isang puting silid ako, may sofa, TV, at maliit ni fridge. Sa bandang kaliwa ko ay may maliit na pintuan. Mayroong nakakabit na swero sa kamay ko at nakasuot na rin ako ng hospital gown. Napalingon ako sa kanang bahagi ko nang marinig ang boses ng dalawang taong nagu-usap. Hawak ni Kuya Elias ang kaliwang kamay niya habang ipinapakita iyon kay Ate Rita. “Ipapaputol ko ang isang kalingkingan ko, Rita, pero papanindigan ko ang sinabi ko sa’yo. Nakita ko kung gaano mag-alala si Sir Lucas kay Ellie. Iba eh. Parang may relasyon ‘yung dalawa.” Aniya. Agad akong nagtulug-tulugan nang marinig ko ang usapan nila. “Manahimik ka nga, Elias!” saway ni Ate Rita sa kanya. “Baka mari

