Lucas I immediately facilitated Ellie’s transfer to Manila para matingnan siya ng mga espesyalista roon. Tinawagan ko na rin ang kanyang Lola Celing para ibalita sa kanya ang nangyari. Elias and Roy will go here to Bulacan to drive my car para masamahan ko si Ellie sa ambulasya patungo sa ospital na paglilipatan sa kanya. I cancelled all my schedules in the office for the whole month. Hindi ako makakapag-trabaho ng maayos knowing that Ellie’s condition is not yet stable. Nang makarating kami sa ospital ay agad siyang inasikaso ng mga nurse at doctor. Muli siyang in-admit sa isang private ICU for close monitoring. Maya-maya’y isa-isa nang dumating ang mga kapatid ko, sila Alfie at Martin. Kasama rin nila sila Lola Celing at Rita. Sinilip nila si Ellie sa loob at hindi hal

