Ellie “Apo, may hindi ka ba sinasabi sa akin?” masuyong tanong ni Lola. Natigil ako sa paghihiwa ng karne. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya at nakita ko ang kanyang malambing na ngiti. Nasa kusina kami ngayon para magluto ng hapunan. Simula nang umuwi si Senyor Simon ay halos hindi mabakante ang mga trabahador sa mansyon. Madalas ay mga pa simpleng dinner kasama ng mga kaibigan at mga ka-sosyo sa negosyo. Ganoon rin si Lucas. Silang dalawa ng kanyang ama ang humalili pansamantala sa kanilang kumpanya dahil nangibang bansa si Sir Martin. Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang may mangyari sa amin ni Lucas. “May aaminin po ako sa’yo, ‘la.” Sabi ko. Itinabi ko ang karne sa stainless bowl at sinimulang balatan ang white onions. “Tungkol ba ito s

