Chapter 55 Anika / Chantal POV I WOKE up from the soft music coming from a guitar. Parang nagmumula sa bandang batis, napakalamyos at napakasarap pakinggan sa tenga. Nagpalipas ako nang ilang segundo na mahiga muna sa kama. Napapangiti ako dahil alagang–alaga ako ng asawa ko. Wala lang, ang bait niya ngayon hindi makabasag pinggan sa kabaitan sana tuloy–tuloy na siyang ganyan. Nagdesisyon na akong bumangon nang bigla akong makaramdam ng pagbaliktad ng sikmura. Tutop ang aking bibig nagmadali akong napatakbo sa loob ng banyo at napaluhod sa tiled floor at nagduwal nang nagduwal sa tiolet bowl. Parang walang kwenta ang binigay sa akin na correction glasses. Mas tumindi pa ang nararamdaman ko na pagkahilo at pagsusuka. Saka hindi ko na sinusuot imbes luminaw ang paningin ko ang nangyayar

