Chapter 53 Anika / Chantal POV DINALA ako ni Gunner for the first time sa isang sikat na restaurant dito sa StaFe. Para dito kumain ng aming tanghalian dito kami agad dumiretso pagkarating namin. Pinahatid niya lang si Kurt sa mga bodyguard sa bahay. Nang salubungin kami agad ng waiter sa table para sa amin. Sa may pinakadulo kami dinala hindi masyadong kita ng mga tao, natatakpan din kami ng mga halaman. Hinila ni Gunner ang isang upuan at pinaupo ako at naupo siya mismo sa tabi ko. May yellow rose sa mismong tapat ko. Kinuha niya at inipit sa likod ng tenga ko. Maya–maya dumating ang isang waiter may inabot kay Gunner na isang bouquet ng yellow roses. "For you, Wife." Sabay abot sa akin ng bouquet. I was speechless. Ang mga mata niya habang nakatitig sa akin ay puno ng pag–ibig. San

