Chapter 47 Anika / Chantal POV "Anika, What the hell are you doing?" anang matigas na tinig mula sa aking likuran. Ramdam ko ang gulantang sa boses ni Mama. Ang mga mata niya'y nakapako sa kamay kong nakahawak sa doorknob ng pinto sa bodega. "Hello, Mama," kampanteng bati ko sa kanya. Napansin ko ang biglaan paglambot ng kanyang mukha at ang kilos niya'y may pagka–aligaga, parang hindi mapakaling nakatitig sa kamay ko. "May naririnig akong boses parang galing dito sa loob." Tarantang lumapit siya sa akin at tumayo siya sa tapat ng pinto. Sumilip siya sa bintana katabi ng pintuan. "Baka may mga ligaw na hayop lang sa loob. Ipapalinis ko mamaya itong bodega matagal na rin ng huli ko itong pinalinis." Hinawakan niya ako sa magkabilaan kong balikat at hinila ang kamay ko pabalik sa bahay.

