Chapter 57 Anika / Chantal POV PAGKARATING namin nang bahay ay agad akong dumiretso sa banyo. Still my clothes on, binuksan ko agad ang shower tinimpla ang tubig sa tamang lamig at init. Sa pamamagitan nang maligamgam na tubig maibsan man lang ang panginginig nang buong katawan ko at mabawasan ang kabang nararamdaman ko. Bumuhos ang masaganang luha sa mga mata, kasabay ng pagbuhos ng tubig mula sa shower. Napasandal ako sa wall at wala akong tigil sa kakaiyak. Ang nangyari sa lalaki kanina, natatakot akong mangyayari rin sa akin. Dali–dali kong pinatay ang shower nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad inabot ng kamay ko ang tuwalyang nakasabit sa towel rock. "I missed you, Baby!" Kung saan galing ang masarap na kilabot na gumuhit sa katawan ko nang maramdaman ang init ng hininga

