CHAPTER 09 : First Meet

1255 Words
Alas 7 na ng umaga ng magising ako at nagluto ng umagahan namin. Naligo narin ako upang maghanda sa pagpasok namin ngayon. Excited ako dahil makikita ko na si Gio my loves so sweet ackkkk. Hawak hawak ko ang aking mukha habang kinikilig at napasigaw na lamang ako na lumabas si Knox sa kwarto na may Bukol "AHHHHHH" sigaw ko habang nakaturo sa baba niya "Damn it!" sigaw nito at agad na tinakpan ang bibig ko "why are you shouting when you see me?! Are you gay?!" tanong niya habang nakatakip parin ang kamay niya sa bibig ko Tumingin ako sa kaniya sabay Umiling. Agad niyang binitawan ang bibig ko at habol habol ko ang aking hininga "Grabe ang lalaking toah! Yung kamay niya sakop na sa buong mukha ko!" aniya ko sa aking sarili habang masamang nakatitig dito. Bumukas ang isa pang pintuan at iniluwa si Ezra na kamot kamot ang tiyan "ang ingay" busangot nito sabay gusot ng mata at ang pinaka malupit ay humikab pa ito sa harapan namin ni knox "tsk" agad umalis si knox at pumunta sa Cr. Bigla namang tumakbo si ezra at agad na kinatok ang pintuan ng cr "vro! Bilisan mo! Naiihi nako" malakas na katok nito. Nakatayo lamang ako sa tapat ng lamesa habang tinitignan si Ezra na nagpipigil ng ihi. Biglang bumukas ang pintuan at inilabas nito si Finnick na napaka gulo ng buhok at baliko ang salamin. "Good morning" naka ngiting bati ko dito "morning" wika nito sabay ayos ng nakabalikong salamin. Lumabas si Knox at tinignan ng masama si Ezra. Pero si Ezra ay hindi nagpatinag at agad na pumasok sa Cr. Rinig namin ang tunog ng ihi nito dahil sa sobrang katahimikan na bumabalot sa kwarto. "Finnick... Gusto mo ng coffee" basag ko sa katahimikan Tumango lamang ito at agad ko naman siyang pinagtimplahan. "black or not" tanong ko dito "black with milk " maikling sagot nito. Tumango ako at agad na binigay sa kaniya ang tinimpla kong kape. "thanks" aniya nito sabay ngumiti Lumabas narin si Ezra sabay kuha ng kape ni Finnick "sarap ng kape" sigaw nitong aniya "ikaw gumawa?" tanong niya kay finnick. Umiling lang si Finnick at agad akong tinuro. "gawan mo ko daddy tyler" nag papa cute na aniya nito Napatawa ako sa reaction niya kaya ginawan ko ito ng kape. "kain na tayo" aniya ko sabay kuha ng mga plato. Nagsitunguan naman sila at nakita ko si Knox na nakatingin lamang saakin habang naka taas ang mga kilay nito. Anong problemang lalaking toah Ngumiti na lamang ako at agad siyang niyaya "kup—knox kain na tayo" aniya ko dito at nilagyan ang kaniyang plato ng pagkain Lumapit ito at agad na tumikhim "kape" aniya nito sa mahinang boses. Palihim akong napangiti dahil sa kababawan niya. Kape pala ang nais ni Ghorl. Tinimplahan ko na siya ng kape at agad na rin akong umupo na pinag gigitnaan ni Knox at Finnick. Si Ezra ay maingay kumain at talagang walang balak itong magtira ng ulam kaya hinampas ko ang kamay nito at sabay nilisikan ko ng mata ito. "dahan dahan, mabulunan" aniya ko dito Nag pacute ito at dahan dahan nga kumuha ng ulam. Kahit kailan, Kupal talaga Natapos na kong kumain at ang dalawang kupal ay naghugas. Nahiya daw sila dahil ako ang tagaluto at wala man lang silang itinulong kahit isa. Buti naman naisip ng dalawang kupal na ito ang tumulong hindi katulad nang isang nandito na naka upo habang hawak hawak ang tiyan. Tumingin ito sa akin habang nakataas ang kilay "what?!" Pinukulan ko ito ng masamang tingin at agad kong naisip ang tsinelas na BT21 na nakita ko sa mall. Gusto ko sa kanilang ipasuot ito para may tsinelas na kami sa loob ng Bahay. Ngumiti ako habang pinang gigilan ang mga tsinelas na binili ko. Tapos na din silang maghugas at ang dalawa ay nagbangayan "sabi ko naman sayo, dalawang banlaw lang!" aniya ni ezra "hindi. Dapat tatlong banlaw! Look ang daming sabon" wika ni finnick "ang tanga mo kasi mag banlaw! Wag kang tutulong kapag di mo alam!" aniya pabalik ni Ezra "kala mo alam mo?!" sigaw na pabalik ni Finnick Agad akong pumagitna sa dalawa at Inawat ko na ang mga ito. Ang kupal na naka upo ay pinapanuod lamang mag away ang dalawa. Gigil nako kay knox isa nalang bobokya na ito sa akin. "Tama na yan" saway ko sa mga ito Tumahimik naman sila at parang batang tumungo "may Gift ako sa inyong DALAWA " aniya ko habang ini emphasis ko pa ang salitang 'DALAWA'. Tumingin ako sa gawi ni knox na masama ang titig. Ngumisi ako sa kaniya na ikinakunot niya ng noo Tumingin ako sa dalawa at Agad na lumiwanag ang kanilang mukha at ang tensyon na bumalot sa kanilang dalawa ay nawala. Nilabas ko ang dalawang tsinelas na koya at Mang "para sayo ang koya dahil matalino ka" aniya ko kay Finnick Tinanggap naman niya ito at agad na tumungo upang magpasalamat "ito naman ang Mang Dahil masayahin ka" aniya ko kay ezra sabay bigay ng Bt21 mang slippers Masayang tumingin ito sa akin habang humihiyaw na parang kabayo "Salamat! Tyler!" aniya nito. Agad akong tumingin kay Knox at lumapit dito. "oh" abot ko dito ng Bt21 tata slippers Nagulat siya sa ginawa ko at agad itong naka recover "anong gagawin ko diyan" masungit na tanong nito "kainin mo para masaya" sagot ko dito Kumunot ang noo nito at agad na kinuha ang tsinelas sa akin sabay labas ng bahay "hoy! Vro! Papasok kana?!" sigaw ni Ezra habang hinahabol ang tingin nito si Knox "hindi alam ang salitang thank you, letche" sigaw ko sa aking sarili "papasok na nga siya" aniya ni Ezra at napakamot na lamang ng batok "tara nanga mga Vro at daddy Tyler" Napangiwi ako dahil sa huling sinabi niya. Umalis na kami at si Finnick na ang nasara ng dorm Habang naglalakad ay puro kwento na lamang si ezra at hindi matigil ang bibig nito sa kakawento at ang corny pa ng Joke. Katulad ngayon "Bilis na ka si Tyler! Sabihin mo Who's there" pamimilit nito sa akin Tumingin ako dito at dumila "sige na kasi! Ulitin natin ha!? Knock knock?!?" aniya ni Ezra "sige.. Pasok" aniya ko na kinabusangot niya "wala ka talagang kwentang kausap" wika nito habang pumapadyak ang mga paa nito. Kahit kailan talaga, Kupal Napatigil ako sa paglalakad ng may mahigip akong isang lalaki. "Kilala ko ang likod na iyun" mahinang wika ko. Agad akong tumakbo sa parking lot at naririnig ko pa ang dalawang kupal na sumisigaw kaso hindi ko ito pinansin at patuloy lang sa pagtakbo. kaso wala akong nakitang conwey. "hindi pa ko nagkakamali sa malapad na likod niya" naiiyak kong aniya sa aking sarili. Bagsak ang mga balikat ko bumalik sa pwesto ng mga kupal Umangat ang tingin ko at nakita kong masasagasaan ang babae kaya naman agad akong tumakbo at hinila ito na ikinasubsub naming dalawa. "ahhh" angil ko Ang sakit ng likod ko. Tumingin ako sa babaeng naka dapa sa aking dibdib. Tumingin din ito sa akin habang lumuluha. "are you okay?" aniya ko Tumango ito at bakas ang gulat nito sa mukha. Agad na may tumulong sa amin at itinayo ang babaeng nasa dibdib ko. Ako naman ay napa angil nalang dahil sa sakit na nararamdaman ko "what happened !?" nag alalang boses ng lalaki. Agad akong napatingin sa nagmamay ari ng boses na iyun at bigla na lamang ako napa luha. Hindi dahil sa sakit kundi sa tuwa. ????????...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD