"Last 20 seconds!"
"ayun ipinasa ni Delacruz ang bola kay conwey"
"last 10 seconds"
" mabilis ang takbo ni conwey at—NA SHOOT!"
"YOOHOOO GO BABE!!!!!!!" sigaw ko
" NANALO SIYA!!! GHORL!!" dagdag na hiyaw ko sa aking kaibigan
"hayts adik kana talaga napaka ingay mo! Ito popcorn" abot sa'kin ng kaibigan ko
"Bakit Ngayon lang yan kung kailan tapos na ang pinapanood ko! Tch" nakanguso kong aniya sa kaniya at napangiwi na lamang siya.
"Arte nito! Edi ulitin mo ulit. Araw araw mo nalang inuulit ang laro ni conwey.
Hindi ka ba nagsasawa? "
"Hindi!" ngiting ngiti kong sagot
Tumingin ako sa TV at napangiti ako dahil nakakahawa talaga ang ngiti ng isang conwey.
Yieee nakaka proud
"Hoy! Hindi mo pa ba kakainin yung popcorn! Para mo nang hinuhubaran si Gio niyan ha!" pakli nito
"ayos lang asawa ko naman siya" wala sa sarili kong sagot sabay harap sa kaniya na nabigla ngunit bigla akong humagikgik
"halah siya eih hindi kanga kilala niyan! Isyu ka ghorl?"
Pinanliitan ko Siya ng Mata. Paano niya nasasabi sa Best friend niya ang ganitong kabastos na bagay? , grabe siya wala man lang moral support kahit virtual support lang uy!
"oh ano!? Hindi ka naman talaga kilala yan ha!" naghahamon nitong aniya
Napanguso ako
"alam mo ghorl hindi ka belong sa mundo niya kaya kung ako sayo tama na ang pantasya"
Lalo akong Napanguso sa sinabi niya. Eh anong gagawin ko kundi magpantasya pantasya... Pantasya lang ganern.
"kung gusto mo naman mapa belong sa mundo niya edi humanap ka ng paraan para makasama siya—halah para kang baliw bakit ka ngumingiti diyan magisa? Ang creepy mo baliw! "
Ang taba talaga ng utak nitong kaibigan ko hakhakhak, imagined she realize that kind of plan mhweeee
"YAHOOOO" hiyaw ko sabay Tumingin sa kaniya na nakakunot ang Noo habang papasubo ang popcorn.
"Tama ka ghorl! Kailan mapalapit ako sa kaniya" seryuso kong aniya at tinignan naman niya ako na sarkastik na itsura.
Magpapanggap akong iba para makasama siya hahahahaha... Ang bilis ko talaga makaisip ng plano kapag patungkol kay Gio.
"oh eh anong plano mo?" tanong nito na para bang hindi naman siya interesado.
"im going to disguise!"
"as in palit anyo?" tanong nito
Tumango tango ako
"kailangan doon ako mag enroll at kailangan makasama ko siya sa dorm
"eih?"
"diba bukod ang lalaki at babae doon? At saka ga-graduate kana! Sasayangin mo lang ang pagkakataon!"
Tumingin ako dito at huminga ng malalim
"alam ko! Kaya nga kahit ga-graduate nako gusto kong magkaroon siya ng alaala sa akin kahit man hindi kami magkatuluyan." emosyonal kong aniya at siya naman ay hindi mawarian kung naiirita siya sa akin o naawa?
"Grabe hulog na hulog kana ah! Delikado yan" iling iling nitong aniya
"oh pano mo naman siya makakasama eih bukod ang lalaki at babae doon kako?" tanong nito
Ngumiti ako abot hanggang tenga Hahahahaa
"kaya nga may kuya ako diba?" ngisi ngisi ko dito sambit
"wag mong sabihing—omayghaddd! Seryuso?" parang hindi makapaniwalang aniya nito
Tango tango kong aniya
"Hihiramin ko ang identity ni kuya at alam kong... Hindi siya makakatangi"
Bigla naman tumawa ang kaibigan ko habang sapo sapo ang tiyan
"minsan talaga Joker ka Ghorl!"
Napasimangot ako at pinukulan siya ng masamang tingin
"Ikaw!—Hihiramin ang identity ng kuya mo HAHAHAHAHA!!!
eih ang grade mo nga puro tres samantala ang kuya mo uno lahat ang grade HAHAHAHA patawa ka ghorl?"
Tch
"hoy may 2.5 akong Grade!" pagmamalaki ko dito
"Meron ka ngang 2.5 pero sa P. E lang!"
Grabe toah ni lalang ang PE
"at least meron!" singhal ko dito
"kaya nga nagkaroon ka ng 2.5 na grade dahil may nabalitaan kang Rumors tungkol kay Gio, diba?"
Napanguso ako
"HAHAHA ang rumors nayun is nag Jojodu si Gio nag tataekwondo ito at magaling sa track and field kaya lahat yun sinanay mo at ang pinaka malupit kumuha kapa ng private Couch HAHAHAHA"
Lalong napanguso ako sa sinabi niya
"kaya ka nakakuha ng 2.5 dahil praktisado kana"
"syempre kaya koyun ginawa para kapag nagkita kami ni Gio eih parehas kami ng gusto. mula sa pagkain hanggang sa i-sport" pagdadahilan ko dito
"asus! Gusto mo ba? Nake nake eih hindi kanga mahilig sa i-sport lalo na sa pagkain na kinakain ni Gio. Bakit kaba kasi naniniwala sa mga rumors nayan eih wala ka naman mapapala"
"heh! Wag ka ngang kontrabida! Kung hindi dahil kay Gio hindi ako makakakuha ng 2.5 na grado haler!!!!"
"haler ka din times two!"
"uuwi nako! Makikipag skype pako kay Kuya! Mahabang discussion na naman ito" kamot kamot kong aniya
"sige na umuwi kana! Kung gagawin mo iyang pinaplano mo —lagi akong nasa likod mo Ghorl!"
"Yahooo! Kaya kaibigan kita eih"
"kaya ngalang —"
"ano yung kaya ngalang?" tanong ko sa pabitin na sambit nito
"kaya ngalang nasan ang likod mo? Dalawa kasi HAHAHAHA"
Napanguso ako at mabilis na nilisan ang kanilang bahay
"Hoy ghorl Joke lang HAHAHAHA" sigaw nito sa akin
"HA HA HA ang saya ng Joke mo" panunuya ko dito
"Joke nga diba? Talagang masaya iyun" tawang tawa nitong aniya
Napasimangot ako at naglakad papauwi sa bahay.
Dalawang kanto ang pagitan namin kaya tanging paglalakad na lamang ang ginagawa ko.
Ang saya talaga! Nanalo ang future boyfriend ko at magiging future asawa konarin uwuuu
"Enebe kinikilig ako" aniya ko sa sarili ko habang pigil boses
Ano kaya ginagawa niya ngayon? HAytss gusto ko talagang makapasok sa school nayun kahit noon pa kaso ngalang ayaw ni mamoo at papoo dahil daw mas gusto nila akong makapag tapos ng kolehiyo sa pinagtapusan nila haytss
Kapag nandoon ako sa school nayun marami akong discrimination na naririnig pero masaya naman dahil may kaibigan ako na tinuring ko naring parang kapatid na si Nova
Alam kong maiintindihan ni nova kung aalis ako sa University na iyun at alam ko din na maiintindihan ni mamoo at papoo iyun lalo na si brother
Hayts buhay
"madam nandito na pala kayo" nakangiti nitong bati.
"alam ko po manang hehehe" kailangan pa talaga sabihin, alam ko naman hehehehe. Bahay namin ito syempre nandito ako para matulog, kumain, mag-aral, maligo at manuod.
"Kumain na po ba kayo?" nakangiti kong tanong rito
"Hindi pa po madam hinihintay po namin kayong bumalik"
"Halah dapat kumain nakayo!
Osiya ako na magsasara ng gate"
Aniya ko rito at agad sinara ang gate
"salamat po madam"
Ngumiti lamang ako at umakyat sa kwarto para makausap si brother
Siguro nag aalmusal na ito
Binuksan ko ang Pc at tama nga ako nag aalmusal ang magaling kong kuya
"Hi brother!" masaya kong bati
"Good morning!" dagdag ko parito
" morning " bati nito
"Tch Good eve dito kuya duhh" aniya ko dito
"Mn. Good eve.
Bakit ka napatawag? May nangyari ba?"
Ngumuso ako at tinignan ang aking kuko
Kailangan kong umakting na nakakaawa para pumayag siya.
Lets go Taylor!!
"Kuya kasi— haytss wag nanga"
"Sabihin mona" pamimilit nito
"alam ko namang hindi ka papayag" naka nguso kong aniya rito at inosenteng nagpalinga linga.
"Hindi talaga ako papayag kapag puro kalokohan ang gagawin mo" sambit nito sa akin
"Di' naman kalokohan iyun! Gusto ko lang naman sabihin na lilipat akong ibang University" nakanguso ko paring aniya
"huh?!"
"gusto kong lumipat sa ibang uni—"
"Huhkdog"
"kuya naman kasi!" nakanguso paring aniya ng pilosopohin niya ako.
"Eih ayun lang naman ang problema mo edi lumipat ka hindi na magagalit sila mom at dad dahil alam nilang malaki kana at alam mo na din ang tama at mali"
Ayos!
"eih kuya may isa pang problems"
Ngusong sambit ko rito
"ano naman yun?" tanong nito habang humihigop ng kape
"p-peram ng — identity mo" mabilis na sigaw ko rito
"WHAT!" sigaw nito at nang mapatingin sa PC ay nakita ko na nabugahan ng kape ang screen. Nakita ko rin kung paanong punasan ni Kuya ang kaniyang bibig
"Kuya kasi —" maluha luha kong aniya
"Ano ba kalokohan yan!?" naiinis nitong turan sa'akin
Tumatambol ang puso ko dahil sa sobrang kaba... Kailangan kong makaisip ng idea
"Hindi ka Supportive kuya! Hmp! Hindi ka nanga pumunta sa Birthday ko tapos yung hinihingi ko lang ayaw mo pang ibigay" maluha luha kong aniya. Pero JokiJoki lang syempre
"Ano bang gagawin mo sa identity ko?" mahinahon pero may pagaalala sambit nito.
Ayos talab naman pala!
"Eih kasi Kuya may nagugustahan ako —"
"Si Gio ba yan? Dugtong na Tanong nito
Tango tango ako habang naka nguso rito
" ou. kaso ngalang si Gio parang umiiwas sa babae dahil may nililigawan DAW ito "
" Oh tapos? "walang ganang tanong ni kuya
" diba inistalk ko si Gio mahigit na ilang taon? Kaso ngalang kontrabida ka tch! "
" tsk hindi bagay sa babae ang magstalk lalo na ikaw! "seryusong aniya ni kuya
" Ou nanga kaya nga diba tumigil ako" nakanguso kong aniya pa rito
"I don't have time, direct to the point " wika nito.
Ano ba naman yan kuya! Excited masyado. Kabado bente nanga ako rito.
"sa pagiging stalker ko edi may nalaman ako isang babae lang ang kaniyang nilalapitan edi magpapanggap akong lalaki oha oha para mapalapit sa kaniya" masaya kong aniya habang pumapalakpak
"Ikapapahamak mo yan!at saka may iba na yata niyang Gio mo " seryusong bigkas ni kuya habang sapo sapo ang noo
"Kuya naman... hindi ko yun Ikapapahamak. Nag aral ako ng martial arts at saka kung may iba man si Gio, matatangap ko yun. Basta
kuya ! gusto ko lang naman lubusang makilala si Gio. Gusto kong makilala niya rin ako na may roong Taylor riego siyang nakilala" mala emosyonal kong aniya rito. Totoo naman kasi ang sinasabi ko, wala akong pake kung meron na si Gio. Bilang fans niya maiintindihan ko 'yun kasi gusto ko rin naman sumaya yung hinahangaan mo diba?
Sabi ni mamoo bawal ang Selfish pero puwede maging Fish hehehehe
"hayts... Ano paba magagawa ko? Mukhang patay na patay ka diyan sa lalaki nayan"
Omo
Payag na basiya?
Sige lang self... Gandahan mo pa ang pag arte
"Ibig bang sabihin niyan kuya! Pumapayag kana?" nakangiti kong aniya
"bukas mo malalaman! May trabaho pa ako" aniya nito
"KUYA—".
nanlumo ako ng ibaba niya ang linya. Ano ba naman niyan
Bastos naman!
Kakainis bukas pa
????????...