Is it the little things that Elijah does for me that make me like him more each day? I don't even think about the possibility that he might not feel the same way. What's important to me right now isn't what will happen in the future.
It's seeing him up close like this, treating me with care and just... being with him every day.
"Do you like more?"
Ngumiti ako sa kaniya nang pagkatapos niya tanungin 'yon sa akin ay hindi naman niya hinintay ang sagot ko. He put two spoonful of rice in my plate. Kumuha rin siya ng dalawang kutsara ng ulam. Ngayon ang paubos nang laman ng pinggan ko ay puno na naman.
"I don't like to gain weight, Eli."
I have a dietitian. I'm not obsessed with my weight, it's more that I don't like hearing negative comments from my grandfather. He may always say that I only care about my appearance, but he also told me that looking good and presentable is a must. Kailangan maging maganda ako, iyong hindi mapapahiya ang aming pamilya lalo na siya--it's always like that.
I felt like I was a beautiful painting that he would soon display for his billionaire colleagues to admire. It's as if my worth is tied to how I look because the more mesmerizing and beautiful I am, the more money I would bring to him.
Even with all the wealth... takot pa rin ang lolo na mawalan ng pera. Ang pera ang Diyos para sa kaniya.
And I can't escape the pressure to meet his expectations.
"I want you to eat more because you are losing weight, princess. You are eating less than before. Hindi ka na rin nagpapadala ng midnight snacks and every morning, you barely touch your food. Pag dito sa university ay kaunti lang rin ang kinakain mo. You just drink water."
Pakiramdam ko ay pinagagalitan ako ni Elijah dahil sa tono ng boses niya. He has a stern look in his face while his arems are now formed into cross. Ngayon ko lang napansin na tapos na siyang kumain at kahit isang butil ng kanin o piraso ng ulam ay wala na sa pinggan niya.
He eats neatly.
"You notice a lot of things about me, Eli," nakangiti ko na sabi saka ako sumubo.
Hmm. Mukhang hindi ako makaliligtas sa panenermon niya? At ngayon sisiguruhin niya na ang lahat ng inilagay niya na pagkain sa pinggan ko ay dapat ubusin ko.
"Yes. Do you want me to tell you how many times a day you brush your hair with your fingertips?"
"W-What?"
Hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya na 'yon kaya nasamid talaga ako.
"Sht," Elijah cursed and stood up.
He immediately took the glass of water that was just near me. Kinuha ko naman 'yon agad at uminom.
Despite the embarrassment I feel, unti-unting namumuo naman ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
As I said, one of the reasons why I like him is that he notices every little thing I do.
"Are you okay, princess?" salubong ang kilay na tanong niya. Nasa mukha niya ang pag-alala habang nakatingin sa akin.
Nakangiti na ako nang tumango at nag-okay sign pa ako para lang makaupo na siyang muli. After he sat down, Elijah was shaking his head.
"That surprised you. And your reaction surprised me too."
Mas ikinatawa ko 'yon. I covered my mouth. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mapailing sa kaniya habang nakangiti ng malawak at tumatawa pa rin.
And when I saw Elijah look away, his lips curled up, my heart skipped a beat. He hadn't even managed to form a smile yet I was just stunned like this!
Pero ang magandang mood niya na 'yon ay nawala rin nang mag-isang linya na naman ang mga kilay niya.
"Are you done?" Pagbalik niya ng tingin sa akin ay tanong niya. Napatingin nama nako sa pagkain ko at nabawasan na 'yon.
"Hindi pa--"
"It's okay if you will not finish your food if you don't want to eat more, princess. Let's just look for another place to stay."
Pagkasabi niya naman non ay nagtaka ako. I look around us, sa buong cafeteria and then I saw that some of the students are looking at us--at me.
"She laughed. So she can smile and laugh like that?"
"She's human, dude. Maybe we didn't expect that she'd look even more beautiful when smiling."
"I also heard that Vera Esperanza offered her book in her class. Maybe she's not that bad after all."
It was not that loud but enough for me to hear it. Binasa ko ang mga labi ko at muli akong napangiti. Ito na ba ang simula na magbabago ang tingin nila sa akin? Na magkakaroon na ako ng mga kaibigan dito sa university?
"Princess."
Umangat ang tingin ko kay Elijah habang nakangiti pa rin and when I saw his cold look, my eyebrow furrowed.
"Why, Eli?" tanong ko pero mabilis na siyang nagligpit. Gumagalaw ang panga niya na parang may nakapitik na naman ng pasensiya niya.
Muli ko na inilibot ang paningin ko sa buong cafeteria dahil napalingon lang siya kanina ay nagbago na ang mood niya.
We were having a light mood then he was suddenly annoyed. May nakita ba siya?
"Let's go."
Sa bilis niya na kumilos ay hindi ko na napansin na malinis na ang table namin at naitapon na niya sa basurahan ang paperbag. Now, Elijah was standing beside me. Kinuha niya ang bag ko at in-offer ang kamay niya.
I took his hand and stood up, still clueless as to why he lost his good mood.
Lumabas na kami na pansin ko pa ang tingin ng mga nasa cafeteria. Nauuna ako, hindi ko pa alam kung saan kami maglalagi dahil sa pag-iisip pa rin ng dahilan kung bakit nawala sa mood si Eli.
May isang oras pa naman ako bago ang susunod ko na subject.
Nilingon ko siya nang makarating kami sa field. Naupo rin ako sa bench. Elijah remain standing beside me. Hindi siya umupo kahit may espasyo pa. Ang itinabi niya sa akin ay ang bag ko.
"What happened, Eli? May napansin ka ba sa cafeteria?" I asked.
Kasi kahit ngayon, salubong ang mga kilay niya at mukhang nasa isipan pa rin niya ang kung anong nakasira ng mood niya. And here I am wanting to know about it. Parang kung hindi niya sasabihin ay kukulitin ko siya ng kukulitin.
"Eli, what is it?"
"Nothing, princess."
Napanguso ako at tumingin sa mga naglalaro ng football. Nakilala ko ang ibang mga naroon, mga famous football players ng university. Mukhang ang university team ito at nagpa-practice. Ilang buwan pa naman ang lilipas bago ang inter-university sports tournament, ah? They're practicing early.
"Eli..." pamimilit ko pagkabalik ng pansin kay Elijah. But he remained quiet and still standing, without even glancing at me.
Napabuntong hininga ako at hindi na nga ako nagtanong, but I saw in my peripheral vision that Elijah looked at me. He let out a deep sigh, now prepared to tell me his reason.
"I noticed that when you laughed earlier at the cafeteria, almost everyone looked at you with a surprised expression on their faces."
Sabay na umangat ang mga kilay ko pagkarinig sa dahilan niya. Hinanap ko sa mga salitang 'yon ang naging dahilan ng pagkawala niya sa mood pero wala akong nakita. Nakaramdam lang ako ng hiya, ngayon lang pagkatapos ng pagtawa ko kanina.
"Oh my... Did I laugh that loud, Eli?Nalakasan kaya sila at naabala sa pagkain?"
My bad! Masyado akong nadala sa usapan namin kaninang dalawa. Pero...Thinking about it, the faces I saw earlier didn't seem irritated or bothered at all.
"No," mahinang pagkakasagot niya.
At nang bumaling siya sa akin at magtama ang mga mata namin ay napaawang ang mga labi ko sa isinagot niya.
"You looked more beautiful when you laughed and they didn't expect that, that's why they glanced at you."
Hindi ko inaasahan na napatingala pa ako para tingnan siya at siguruhin na narinig ko 'yon sa kaniya.
"I just don't want you drawing that much attention from people, especially from men. I don't like how they whisper and talk about you, princess."
What...
"I don't like them looking at you... like that."
Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya napalunok ako.
"Eli... it's a good things for me... r-right? You know I am doing anything just to have friends."
Tumango naman siya. Kumilos ang mga labi niya, na para bang hindi niya pa nais pakawalan ang mga salita pero pagkawala ng kaniyang buntong hininga ay narinig ko rin 'yon.
"I know, princess. It's just that, I was annoyed about what I saw and heard."
What is this? Why does Elijah look uneasy right now while telling me his thoughts?
"Paano kung... ang unang maging kaibigan ko ay... lalake?" tanong ko sa kaniya.
Hindi nakaligtas sa akin ang paglunok niya. Sinundan niya kaagad 'yon na pag-iwas ng tingin na naging dahilan ng pagbilis ng kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang sagot niya.
"It's up to you, Pristine," he said flatly.
Now he's calling my name!
"Eli..."
Bumalik ang tingin niya sa akin, seryoso na parang hinahalukay non ang pagkatao ko. My lips parted and I swallow hard. Hindi ko natagalan ang mga mata niya at bago bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko na nakapatong sa aking kandungan ay narinig ko pa ang sinabi niya na mas ikinabilis ng pagtibok ng puso ko.
"But it's better if not."
What does he mean by that?