Hindi nakaligtas sa paningin ko ang sandaling gulat na dumaan sa mukha ni Elijah. I noticed how his face turned a bit red—he blushed! Pero ilang segundo na ang lumipas. Ang matagal na hindi pagsagot niya sa tanong ko ay nagdulot sa akin ng matinding kaba. At habang nakatingin ako sa kaniya ay mas nararamdaman ko ang hiya sa diretsahan na pagtatanong. Pero nagawa ko na, eh! A-At kung tatalikod pa ako ay hindi ko naman maririnig ang sagot niya! I felt my fingers go numb and my whole body turn cold while waiting for his answer. Parang bawat segundo ay nahihirapan ako sa paghinga habang nakatingin sa kaniya. H-He's taking longer to answer! But as I was about to say that I wasn’t pressuring him to answer right away, Elijah suddenly looked away. He touched the part of his face that I had trea

