Pristine Kanina pa ako gising. Alas sais ng umaga ay napadilat na ako at ipinaalala sa akin kung ano ang mga nangyari kagabi. At pagbangon ko ay inilibot ko talaga ang paningin ko sa buong lugar--sa silid kung saan muna ako mananatili dito sa bahay ni Elijah. "Sa bahay ni... Elijah," pagsasaboses ko dahil kahit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan na ang buong lugar na ito, ang napakalaking mansion na ito ay sa kaniya! I'm not looking down on him as if he's poor. I’m just curious about how much bodyguards earn to afford a lifestyle like this. L-like this is too much. Pakiramdam ko ay mas mayaman pa siya sa pamilya namin. "Pristine, baka may iba pa siyang trabaho! O-Or he has business?" But it's been almost a year, and whenever I see him, he's watching over me. He's always

