Napatingin ako sa mga kaklase ko na ngayon ay nasa amin ang atensyon. "H-Hello..." sagot ko agad. She talked to me! And she's smiling! Her eyes even sparkle while looking at me. "Seatmate tayo. Ano ang pangalan mo? Ang ganda mo naman. Artista ka ba? O anak ng artista? Ang puti-puti mo. Angel siguro pangalan mo?" Angel again. Naalala ko ang bata kanina. But w-what... wait. A-Ano ang una kong sasagutin sa mga tanong niya? Nang marinig ko naman ang pagtawa ni Ma'am Melendez ay sabay kami na napatingin dito ng bagong kaklase namin. "Esther, nagugulat rin sa 'yo si Pristine, look at her facial expression. Take it easy. Mamaya ka na rin magtanong ng magtanong dahil magsisimula na ang klase natin." "Ay, opo, Ma'am! Sorry po!" she said and did a peace sign. The discussion started. Pero

