Bumaba na rin naman kami agad ni Elijah. Sinabi ko kasi sa kaniya na ayokong paghintayin ang mommy niya. At sa totoo lang? Wala namang nangyaring pag-uusap sa pagitan namin dahil ang oras na inilagi namin sa kwarto ay puro halik lang niya at paglalambing. Ayaw pa nga niya kaming lumabas! Pero bago ko naman siya mapilit na harapin na namin ulit ang mommy niya ay nagrequest pa siya. He asked me to stay in his house for a week nang sabihin kong sa isang araw ay uuwi na ako. Hindi rin kasi ako puwedeng lumiban sa klase ng matagal at nag-aalala na rin ako sa papa. At ang sagot niya? "If only I could keep you here with me, I would." Napangiti ako at napailing nang tumingin ako sa kaniya habang pababa kami ng hagdan. Hawak-hawak niya ang kamay ko ng mahigpit. Ramdam ko naman, noon pa man, n

