"Bakit, ma'am?" Nang makabalik si Ate Lena at si Kio ay lumapit kaagad sa akin ang huli. Siguro ay napansin niya na hindi ako mapakali. At habang nag-aayos ang ate ng mga ipasusukat niya sa akin na gown ay sinabi ko na nga ako kay Kio. "Uuwi daw si Elijah and he's on the way now.," sabi ko at nang titigan ko siya ay napailing lang siya habang nakangiti. Para bang inaasahan na niya ang sasabihin ko. Inilayo sandali ni Kio ang tingin at kinuha niya ang cellphone niya ay itinapat niya sa akin ang screen non. Nang makita ko ay napakagat ako sa aking pang-ibabang labi, puno 'yon ng mga mensahe ni Elijah at walang kahit isang reply na galing sa kaniya. Sunod-sunod na mga tanong kung ano ang ginagawa ko at kung bakit hindi ako matawagan. "Alam ko na rin naman na hindi makakatiis yun. Ang higp

