Ligtas na nakabalik kami ni Cohen sa Magi Academia noong araw na iyon. Kaagad kaming sinalubong nina Miss Thomnus at Mrs. Fairylade na mukhang alalang-alala sa matagal naming pagkawala. Ngunit narinig ko mismo sa mga labi nila na hindi sila nawalan ng pag-asa. Halos mawalan ako ng malay nang makaharap namin sila. Ngayon palang ume-epekto sa aking katawan ang pagbalik ko sa mundo namin mula roon kay Master Poseus. Mukhang ngayon ko lamang naramdaman ang matinding pagod na dinanas ko sa pag-rescue sa daan-daang mga tao sa ilalim ng dagat at sa apat na buwang pamumuhay ko sa artipisyal na mundo. Hindi ko na nagawang bumigkas ng kahit isang salita lamang at tuluyan nang bumigay ang buong katawan ko. Nagising ako na niyayakap ako ng isang makapal at mainit na kumot na pinoprotektahan ako sa

