Two

2338 Words
I slowly opened my eyes like a princess who was just kissed by her prince charming after over twelve hours of sleep—except I am all alone. The effect of Miss Aviel’s medicine mixed on my chamomile tea made me calm my nerves even after another strange dream. I rested my eyes on the ceiling while still trying to solve the puzzle in my head. Maya-maya pa, nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa sofa kung saan ako nakahiga. “You good to go?” Isang hindi pamilyar na boses ng isang lalaki. His voice sounds really warm. Pinilit ko ang sarili na bumangon upang lingunin ang lalaki, ngunit hindi maayos ang pakiramdam ko. Muli ko na namang naramdaman ang sakit ng bungo ko. I cursed under my breath in frustration. After a few minutes of trying, I finally managed to sit down and faced the stranger who was standing in front of me. He was grinning, as if amused by the hard work I’ve put into getting up on my own. “Where did Miss Aviel go?” Napangiwi ako nang muling maramdaman ang pagkirot ng ulo ko. This isn’t how I am supposed to feel! Napakurap nang maraming beses ang lalaki, tila kababalik pa lamang niya sa kasalukuyan. “Ah, the doctor? She already left.” He smiled as if he just said something funny. “Where to?”            He shrugged. “Who knows?” “Look, mister. I am not feeling well and I need Miss Aviel to—” Huminga ako nang malalim bago siya tinapunan ng isang masamang tingin. “Who are you?” “I’m Forest. I actually came here as a patient, but since you are already here, I might as well fetch you.” Muli na naman siyang nangiti. There is something in his smile that pisses me off, seriously. “It was the higher-up’s order. Master Harold, the adviser of—” Mula sa maliit na pintuan ng clinic, pumasok ang dalawa pang babae na parehong matangkad at malinis ang hitsura’t kasuotan. Nandidiri ang mga tingin nila habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “—Mortal Seven,” pagtapos ni Forest. “Get out of the way, Forest boy.” Umirap ang isang babae na hanggang balikat ang buhok. Mula sa pwesto ko, naaamoy ko ang mabangong amoy ng isang bulaklak na nagmumula sa kanya. Now I am not sure if her magaè is related to flowers, or it is just her perfume. “We have to bring the kid so we can go back early. I really hate the smell of Terra City—it reeks of trash and swindlers.” The lady with an apple haircut pinched her nose to support her claims. Hindi mapigilang umikot ang mga mata ko sa inaasta ng mga ito. “I do not have any business with the Seven Idiots,” iritable kong tugon at marahang sumandal sa sofa. “Sadly, we do,” maarteng tugon ni apple lady. “Laura, Emerald,” nasambit na lamang ni Forest matapos marinig ang usapan naming tatlo. Napakamot siya sa kanyang batok habang napapangiwi. “Did the doctor do her job?” Emerald, the lady who smells flowers, asked Forest. “Let’s see.” Huli na nang maramdaman ko ang papalapit na punyal sa kinauupuan ko. I felt like my body was numb and paralyzed! My reflexes were not fully functioning. What the f**k— Kahit hirap na hirap, nagawa kong iiwas ang ulo ko mula sa papalapit na punyal. Tumama ito sa mesa ni Miss Aviel sa likod ko. Narinig ko na lamang ang pagkahulog ng ilang mga bagay mula roon. Ilang sandali pa, naramdaman ko ang paghapdi ng pisngi ko at ang pag-agos ng kaunting dugo mula roon. Napairap na lamang ako nang mapagtantong nadaplisan pala ako. The lady was good. “The doctor did well. She can barely move,” Emerald commented. “Less hassle for us,” Laura seconded. I rolled my eyes. I knew it! Miss Aviel put something on my tea that paralyzes my body. This also shut my senses down, I can barely feel any presence and energy around me. “How unlucky,” naiiling na sambit ni Forest. As if kailangan ko ng simpatya niya. “Anyway, girls, I’ll get going.” The dude waved his hand and in just a blink of an eye, he disappeared. Tanging ang palipad-lipad na dahon na lamang ang natira mula sa pwesto niya. “I hope he stops making trouble,” reklamo ni Laura nang makaupo sa tapat na sofa at pinagmasdan ako. “Who are you?” I smiled at her. “Should’ve at least did some research on your target before capturing her. Is this really how the famous Seven Idiots works?” “Geez. She pisses me off,” inis na bulong ni Laura. Mula sa likuran ko, naririnig ko ang pagkalkal ni Empress sa mga papeles ni Miss Aviel. Ano ba talaga ang pakay ng mga ito? “Found it.”   Sa hindi gaanong mataong parte ng karagatan ako idinala ng dalawang miyembro ng Mortal Seven. Nakaupo ako sa buhangin habang pinapanood ko sila na hirap sa paghila ng bangka papunta sa tubig-dagat. Ito na dapat ang pagkakataon ko upang tumakas, ngunit may kung anong invisible na tali or wind string na nakapalupot sa katawan ko. Sa tuwing sinusubukan kong magpumiglas, lalo lamang itong humihigpit. That Laura b***h is a descendant of the Wind Palace! “Can you at least help us?” nakasimangot na sambit ni Laura habang nakatingin sa akin at hila-hila ang lubid na nakakabit sa bangka. Tinaasan ko siya ng kilay. Is she serious? Sinong tangang kidnapper ang hihingi ng tulong sa biktima niya? “Untie her,” utos ni Empress kay Laura. “So she can help.” “Won’t she escape?” pag-aalangan ni Laura. “She can already move since the drug had worn out by now, but her body hasn’t completely recovered yet. If she’s smart, she won’t even bother to escape.” Saglit akong pinagmasdan ni Empress bago bumalik sa paghila sa lubid. I rolled my eyes for the nth time. Naramdaman ko na lang na nawala na yung wind string na nakapulupot sa katawan ko. “How can you guys be this weak? Seriously, Magi Academia is just for fame.” Hindi na sila kumontra sa tinuran ko nang tumayo ako at itinulak ang bangka papunta sa tubig. Nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko at kumikirot pa rin ang ibang parte ng katawan ko, ngunit unti-unting nawawala ang mga iyon nang makalapit at makatapak ako sa tubig-dagat. My magaè is finally responding! Nang lumutang na ang bangka sa tubig, sumakay kaming tatlo upang bumiyahe ng mahigit tatlong oras papunta sa Magi Island. Nasa magkabilang dulo ng bangka sina Emerald at Laura habang nasa gitna naman ako. Ipinikit ko ang mga mata ko. Rinig ko ang marahan na paghampas ng mga alon sa bangka. Kalmado ang tubig sa kabila ng malakas na mga alon. Napasinghap ako—amoy na amoy ang alat ng tubig-dagat. Nagbibigay talaga ng lakas sa akin ito, lalo na kapag nakalublob ako rito. “You seem calm,” rinig kong sabi ni Emerald. Iminulat ko ang mga mata ko upang salubungin ang kuryosidad sa boses niya. “Mukhang marami kang gustong itanong,” tugon ko. She nodded a little. “Yeah, like, why are they looking for you? Why is Master Harold trying to protect you? And... who are you?” Master Harold? Naalala ko yung papel na napulot ko sa kuweba bago ako nagpunta sa clinic. Sino si Harold? May kinalaman ba siya sa biglaan na pag-alis ni Master Acius? Yun ba ang gustong iparating sa akin ni Mr. Nickel nang puntahan niya ako sa kuweba? Mas lalong sumakit ang ulo ko sa mga katanungan na sabay-sabay pumapasok sa isip ko. Ngumisi ako kay Emerald. “I’m curious about those, too.” Nasa gitnang parte na kami ng karagatan at halos matanaw ko na ang isla mula sa kinaroroonan namin, nang marinig namin ang nakakarinding tili ni Laura. Sabay kami na napalingon ni Empress sa kinaroroonan niya at halos mapahalakhak ako nang makita siyang bumaliktad mula sa kinauupuan niya. Narinig na lang namin ang malakas na talsik ng tubig gawa ng pagbagsak niya roon. Nang muli kong harapin si Empress, nakatayo na ito at pinakikiramdaman ang paligid. Napataas ang kilay ko nang ilabas niya ang isang espada na wala akong ideya kung saan niya hinugot. “Masyadong malakas ang enerhiya ng karagatan, kung kaya’t hindi ko na kaya pang makaramdam ng presensya ng tao o iba pang nilalang habang nandito tayo sa gitna ng tubig,” paliwanag ni Empress at itinutok sa ere ang espada. Ilang sandali pa, napatakbo siya sa kabilang dulo ng bangka kung saan nalaglag si Laura. Halos matumba ang bangka sa ginawa niyang paggalaw. “Hindi na umahon si Laura!” Matapos niyang isigaw iyon, ibinagsak niya ang espada at tumalon sa tubig upang sagipin ang kaibigan. Napangiwi na lang ako at nanatiling kalmado sa kinauupuan ko. Ito na ang pagkakataon ko na tumakas sapagkat kaya kong paandarin nang mabilis ang bangka sa pamamagitan ng pagkontrol ng tubig. Kaya ko ring maglakad sa ibabaw ng tubig. Bago ko pa maisakatuparan ang mga plano sa isip ko, isang maliit na nilalang ang biglang sumulpot sa harap ko. May berde itong balat, dalawang sungay, malalaking mga mata, matulis at mahabang ilong, at sungki-sungki na mga ngipin. Itinutok niya sa mukha ko ang maliit na espada na hawak niya. Tangina, isang magnanakaw na halimaw—isang pangit na goblin! Napaatras ako nang iwasiwas nito ang maliit na espada at sinimulan akong atakihin. Bumagsak ako sa sahig ng bangka sa ginawa kong pag-iwas kung kaya’t nagawang tumalon ng pangit na nilalang sa tiyan ko. Yumuko pa siya upang tumapat sa mukha ko at suminghot-singhot. “The last sea child!” naibulalas ng goblin. Nagulat ako nang bigla siyang tumalon paalis ng bangka. Dali-dali akong bumangon upang habulin siya ng tingin. Nakita kong sumakay siya sa sobrang liit na bangka na animo’y laruan lang at nagmadaling nagsagwan palayo. Sa pagkairita ko, inalis ko ang suot kong mga sapatos at isa-isang binato sa kanya. Sumapol sa ulo niya ang dalawang sapatos ngunit hindi na siya nag-abala pang lumingon at inihagis na lamang sa tubig ang mga iyon. Muli akong umupo sa bangka at bumuntong-hininga. Aware naman ako na ako na ang huling nabubuhay na sea child, ngunit bakit ganoon na lamang ang reaksyon ng pangit na nilalang nang malaman ang pagkakilanlan ko? Sa gitna ng pag-iisip ko, biglang pumasok sa isip ko ang dalawang kasama ko sa bangka. Kaagad akong napatayo at wala sa sariling tumalon sa tubig at sumisid upang hanapin sila. Mulat na mulat ang mga mata ko habang inililibot ang paningin sa kalawakan ng tubig. Sa mga oras na ito, malamang ay nasa ilalim na parte na sila ng karagatan. Lumangoy ako pababa hanggang sa marating ang pinaka-ilalim. Puro mga basag-basag at mga nagkalat na kabibe, bato at alahas ang nakikita ko. Unti-unti kong naramdaman ang lamig na tila yumayakap sa buong katawan ko. Iba talaga ang lamig sa ilalim ng dagat. Ngunit ang ipinagtataka ko talaga, anak ako ng dagat ngunit hindi ako sanay sa lamig ng tubig nito lalo na sa pinaka-ilalim. Kung talagang tumira ako rito, dapat ay sanay at pamilyar ako sa ganitong klaseng lamig ngunit hindi. Tumira kaya talaga ako rito? Pakiramdam ko ay wala nang dugo ang katawan ko nang dahil sa matinding lamig. Hindi kaya dahil nandito pa rin ang mga kaluluwa ng mga nangamatay noon? Lalo akong nanginig sa kaba nang maisip ko iyon kaya dali-dali kong hinanap sina Emerald at Laura. Itinabi ko ang malalaking tipak ng mga kabibe at mga bato, bakasakaling natabunan lamang sila ng mga iyon, ngunit imposible. Dahil patay na ang karagatan, wala akong makita ni isang isda o kahit na anong nilalang dito. Wala akong mahihingan ng tulong. Muli akong lumangoy upang magtungo sa iba pang parte ng dagat. Malaki ang posibilidad na inagos na sila ng tubig palayo, lalo na at medyo malakas ang mga alon. Hindi ko alam kung bakit sinasayang ko ang oras ko para hanapin pa ang dalawang iyon. Pupwede ko naman silang hayaan na lang at bumalik na sa kuweba na parang walang nangyari. Ngunit gusto kong makita at makausap ang tinatawag nilang Master Harold. Mukhang nasa kanya ang mga sagot sa mga katanungan na gumugulo sa isip ko. Sumubok ako ng iba’t ibang istilo ng paglangoy upang maibsan ang pagkabagot ko habang hinahanap ang dalawa. Ngayon na lang din ulit ako nakaligo sa tubig-alat kung kaya’t gusto kong sulitin ito. Pataas at pababa ang paglangoy ko upang masuyod ang buong dagat. Unti-unti na akong naniniwala na mayroon ngang sumpa ang karagatan; na ang lahat ng lumulublob dito ay hindi na muling nakikita pa. Napahinto lamang ako sa paglangoy nang may maramdaman akong kakaiba sa ilalim ng karagatan. Napuno ng kaba ang dibdib ko sa hindi ko malamang kadahilanan. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng takot. Unti-unti kong nilingon ang kailalim-laliman, nagulat ako nang makita ang isang kaharian doon. Isang matayog na palasyo, iba’t ibang mga nayon, mga makukulay na mga bahay na gawa sa bato at kabibe, iba’t ibang mga hayop pandagat, mga sirena at mga buhay na buhay na damong dagat. Ang Kingdom of the Waves. Napakurap ako nang maraming beses at nang muli ko itong tingnan, wala na ang napakaganda at payapang kaharian na kanina’y malinaw kong nakita. Weird. Sa pagkabigla ko sa nakita, dali-dali akong lumangoy paakyat. Ito ang unang beses na natakot ako sa tubig. Gusto ko na lang umalis at makarating sa isla. Pakiramdam ko ay unti-unti akong sinasakal ng tubig. Malapit na akong makaahon sa tubig nang may mabangga akong kung ano. “Putangina,” nasambit ko na lamang nang lingunin ko ang bagay na nabangga. Nang lingunin ko ito, natagpuan ko sina Emerald at Laura na magkayakap. Kapwa sila nakapikit, ngunit may nagbago sa kanila... parehong maaliwalas ang mga mukha nila. Hinawakan ko ang wrist nila pareho, malakas ang t***k ng mga ito. Ibinigay ko ang buong lakas ko at kinontrol ang tubig upang iangat kaming tatlo. Nang makaahon ako, tumayo ako sa ibabaw ng tubig at hinila ang dalawa pataas. Nagawa ko silang kaladkarin hanggang sa bangka. Sinubukan kong paandarin ang bangka gamit ang magaè ko, ngunit mas lalo lamang kumirot ang ulo at katawan ko. Mukhang mayroon pa ring side effect ang gamot na ibinigay sa akin ni Miss Aviel. Bumagsak ako sa sahig ng bangka, sa tabi ni Empress. Narinig ko pa siyang bahagyang umungol. Wala pa rin silang malay. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang pagsasayaw ng tubig at paghampas ng mga alon. Bigla akong nakaramdam ng matinding paghingal matapos kong pilitin na kontrolin ang tubig. Unti-unting bumibigat ang mga talukap ng mga mata ko nang dahil sa pagod. Ilang sandali na lang, mararating na namin ang pampang ng isla. Nararamdaman ko na ang malakas at pamilyar na enerhiya ng barrier na pumoprotekta sa buong lugar. I’m already here, Master Acius. What now?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD