Tanghali na nang makabalik ako sa Krymmenos. Marami pa kasing ipinaliwanag sa akin si Chantel tungkol sa The Pinnacle at sa mga magiging responsibilidad ko bilang parte nito. Doon ko lang din nalaman na dalawa lamang silang miyembro ng publikasyon, kung kaya’t maraming trabaho talaga ang sasalubong sa akin.
Siniguro din niya na hindi na ako magbabago ng desisyon dahil ipinasa na niya kaagad ang pangalan ko sa commitee upang i-register ako bilang ikatlong miyembro. Nag-request na rin siya ng I.D. card ko bilang isang staff ng publikasyon na ibibigay rin bukas kasabay ng student I.D. ko sa Magi Academia.
Pinagmamasdan ko ang relo na ibinigay sa akin ni Chantel. Isa raw itong buzzer bracelet na nagko-konekta sa mga miyembro ng The Pinnacle. Ito ay nagagamit sa tuwing mayroong scoop na kailangan puntahan. Pipindutin lamang ni Chantel ang isang button sa kanyang bracelet at magpapadala ito ng libo-libong boltahe sa bracelet at buong katawan ko.
Upang maiwasan ang pagdadalawang isip, nag-desisyon ako na magpunta sa patay na garden ng Krymmenos upang ayusin ito kahit papaano. Pagkatapos kong magpalit ng damit, dumiretso kaagad ako rito upang hugutin ang mga d**o at mga patay na halaman, para makapagtanim ng panibago.
Pabalik-balik ako sa hardin at sa storage room upang kumuha ng mga kagamitang pang-hardin kaya’t pawis na pawis ako. Matatagpuan ang silid na ito sa dulong parte ng mansyon na katapat lamang ng hardin. I was so occupied with my gardening s**t that I didn’t notice someone watching me from nearby.
“I’ve given it some thought and...” Napasalampak ako sa lupa nang biglang may nagsalita sa likuran. Nang lingunin ko ito, nakita ko si Forest na prenteng nakasandal sa pader ng storage room habang pinagmamasdan ako.
“What are you blabbing about?” I murmured as I shot him a dagger look.
Tumitig siya diretso sa mga mata ko. “I don’t think I can avoid you.”
Pareho kaming natigilan nang dahil sa sinabi niya at parehong nag-iwas ng tingin. What was he saying? Gosh.
“I-I don’t have enough reason to do that, that’s what I was meaning to say,” he explained, couldn’t hide his panic and stutter. But he managed to compose himself and gave me a mocking look. “I’m not even afraid that you could see through me. Well, are you?”
I rolled my eyes before going back to my work. “I don’t like it.”
“Ha, so you’re afraid,” he continued mocking me. “The great granddaughter of Master Harold is afraid of her past.”
Nabitawan ko ang hawak kong shovel at inis na nilingon siya. “What are you saying now?”
“What? It’s what all the students call you,” he responded and shrugged his broad shoulders. “You’re quite famous. How could I avoid someone so famous?”
“Ha, shut up.” Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko. Walang magandang maidudulot kung papatulan ko itong Forest na ‘to. Isa pa, puro kasinungalingan ang mga sinasabi niya. I purposely maintained my profile low so I wouldn’t get any attention and would be able to do anything that I want, and I really think I’ve succeeded on it! But the incident with Laura... ugh!
Kahit hindi ko masyadong kinikibo si Forest ay tumulong siya sa akin sa pag-aayos ko ng hardin. Sinisiguro lang namin na hindi kami madidikit sa isa’t isa dahil doon nati-trigger ang pagbabalik ng memories namin. Ngayon lang din ako napaisip kung bakit nangyayari sa amin ang ganito—what made this possible? Hindi naman nangyayari ito sa pagitan ko at ng ibang tao.
“Ever heard of the prophecy?” paninimula ni Forest sa usapan upang mabawasan ang awkwardness sa pagitan namin.
“Yeah. I’m surprised that most of the students haven’t heard about it yet,” tugon ko habang naglalagay na ng buto ng halaman sa binungkal kong lupa.
Inabot niya sa akin ang water hose. “The Lord was not yet done on his preparation. The prophecy will be announced this week.”
“Ha, it will be chaotic,” bulong ko habang diniligan ang buto at tinabunan na ng lupa. Muli ko itong tinubigan iyon bago lumipat sa tabing spot.
“Teka . . . bakit ka pala nandito instead of attending your classes?” Lumingon siya sa akin at pinagmasdan ako nang mayroong pagdududa.
“Pake mo,” iritang tugon ko rito at lumayo sa kanya upang hindi niya ako kulitin, ngunit sinundan pa talaga niya ako papunta sa storage room. Kaagad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. “Hindi maayos pakiramdam ko, okay?”
“Dahil sa akin, ano? Iniiwasan mo ako, ano?” pangungulit pa niya. Ang kapal talaga ng mukha niya!
Hindi ko siya pinansin at naglakad muli palayo sa kanya. Naghugas ako ng kamay sa water hose at nagpunas gamit ang suot na damit ko. Paglingon ko sa likod ko, nakabuntot pa rin siya. Kaya naglakad ulit ako nang mas mabilis pa upang iwasan siya.
“I think you’re hiding something,” rinig kong sabi niya habang hinahabol ako. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Lakad-takbo na ang ginagawa ko para maiwasan lang siya, ngunit dahil sa pagmamadali, hindi ko napansin ang maputik na parte ng hardin gawa ng pagbasa ko sa lupa kanina. Nadulas ang walang saplot kong mga paa at handa nang bumagsak sa putikan and—I know this looked romantic, but Forest caught my arms to prevent me from falling!
“Murderer,” said an old woman with a clear disgust in her voice, followed by a sudden slap on a young man’s face. Though the latter didn’t seem to mind it. “Stop visiting my house, you murderer!”
“You should at least eat.” The young man actually resembles Forest which made me realize that this was his young self.
“Leave me alone!” The old woman seemed really mad that she threw all the food in front of her.
“Grandma,” the young Forest mumbled.
The old woman showed him her disgusted face and hit him once again. “Stop calling me that! I do not have a murderer for a grandson!”
And for a moment, I thought I saw a gleam of sadness on his eyes.
Ramdam ko ang unti-unting pagbitaw ni Forest sa akin. Pareho kaming bumagsak sa putikan nang dahil doon ngunit hindi na namin napansin iyon. Ang tanging bumabagabag lang sa akin ngayon ay ang alaala niya na nasilip ko. Mukhang ganoon din siya dahil sabay kaming napatingin sa isa’t isa.
When he was about to open his mouth, I stopped him. “Don’t tell me or anyone about it.” I told him, but it sounded like a desperate beg.
He quickly nodded. “I won’t.” I’m surprised he didn’t actually mind my peeking through his awful past.
Tatayo na sana ako nang maramdaman ko ang biglang pag-vibrate ng aking suot na bracelet at dumaloy pa ito sa buong katawan ko. Ito ang unang beses na maramdaman ang epekto nito kung kaya’t napamura ako nang maraming beses at nagmadaling tumayo at tumakbo papasok sa Krymmenos. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Forest ngunit hindi ko na siya nilingon.
Pinindot ko ang isa sa tatlong button ng bracelet. Ang unang button ay ang pagtawag ng emergency sa mga miyembro ng The Pinnacle, tulad ng ginawa sa akin ngayon. Ang pangalawa ay ang pagsagot nito, isang paraan ng pagsabing natanggap mo ang message o ang tawag at pupunta ka na. Ang ikatlo ay ang hindi pagpansin dito dahil nasa ibang lugar ka, busy ka, may scoop kang pinuntahan, o nandoon ka na mismo sa lugar kung saan ka pinapatawag.
Ang relo naman ay nagsisilbing compass. Itinuturo nito kung saang direksyon ang lugar na pupuntahan. Kailangan ko lamang sundan ang ituturo nito.
Nagmadali akong maglinis ng katawan at magbihis ng maayos na damit at halos patakbong umalis, sinusundan nang maigi ang relo—only to arrive at the Pinnacle office. Inis akong pumasok sa loob nang hindi kumakatok.
“Are you kidding me?” salubong ko kay Chantel na nakaupo sa kanyang desk. Walang ibang tao sa opisina bukod sa aming dalawa. “Hindi nakakatuwa.”
Inangat niya ang ulo niya at inayos ang salamin. Sumulyap siya sa wall clock sa kaliwa niya at pilit na nangiti. “You arrived just in time.”
Pabagsak akong umupo sa sofa at hinilot ang sentido ko. “And?”
“I need you to cover an event this afternoon.” Tumingin siya sa akin na mayroong lungkot sa mga mata. Hindi rin siya masigla tulad kaninang umaga. “Ako sana ang gagawa nito dahil gusto ko ring ma-meet ang MBO, but unfortunately, we got a call from Magus Newspaper. It’s outside the Academia.”
Nangunot ang noo ko kasabay ng mabilis na pagkalat ng kaba sa dibdib ko. “And Damian?”
“He’ll come with me,” malungkot na saad niya. Nagulat ako nang bigla siyang umub-ob sa desk niya at humiyaw na tila naiiyak. “Gusto ko talagang um-attend ng event.”
Napangiwi ako. “I can’t do it, Chantel. Besides, hindi sila nagpapapasok ng hindi Juniors.”
Bigla niyang hinubad ang kanyang Academia I.D. mula sa leeg at hinagis ito sa akin. Madali ko lang itong nasalo.
“Iyan lang ang iche-check sa entrance.” Hindi na siya muling nagsalita pa at ngumawa na lamang nang ngumawa.
Bumuntong-hininga ako. “I don’t have to mingle with these MBO guys, right?”
“It’s not a requirement,” mahina niyang tugon.
“I just have to write an article about the event,” paniniguro kong muli. Marahan siyang tumango. “Fine, I’ll do it.”
Hulaan ninyo kung sino’ng tangang nasa Magi Arena para dumalo sa event ng Magus Black Operations para sa Juniors? Sobrang laki ng event na nag-desisyon ang committee na dito sa arena ganapin ito. It is said to be the first time that the said organization will be making an appearance. Hindi nila ito usually ginagawa to protect the identity of their members. But what would make them want to expose their selves to the public?
I was wearing an oversized jacket that I borrowed from Damian. Balot na balot ako at nakasuot pa ng hoodie upang hindi ako makilala ng kahit na sino rito, lalong-lalo na ang mga miyembro ng MBO, na ayon kay Frician ay dating hawak na assassins ni Master Acius. Do you know what that means? Sila ay mga nakasama kong magsanay sa kuweba noon! Dahil ako ang natatanging malapit kay Master Acius, lahat sila ay kilala ako. May ibang nakipagkaibigan sa akin, ngunit mas marami ang naiinis sa akin. Ano na lang ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila ako rito sa Magi Academia, na kilala bilang apo ni Harold Grenvoir na tinuturing nilang Master nila sa organisasyon, at masarap ang buhay kasama ang mga mayayaman na magians? Siguradong manggigitgit ang mga ‘yon sa galit at inggit.
Habang naglalakad-lakad ako sa gitna ng Arena at pinagmamasdan ang napakalawak na paligid, mayroon akong naramdaman na sumabit sa binti ko. Nang yumuko ako upang tingnan iyon, otomatikong napangiti ako nang makita ang isang mabalbon na purong puting aso. May suot pa itong saplot sa katawan at maliit na ribbon sa leeg. Pilit itong tumatalon sa binti ko na tila ba gustong magpabuhat. Because the little fur threatened me with its teary, puppy eyes, I did what it wanted me to do. Binuhat ko ito at kinalong ko sa mga braso ko. Nagsimula itong maglikot at pilit dinidilaan ang pisngi ko.
“What’s your name?” malambing na tanong ko rito ngunit tila hindi ito mapakali. Singhot ito nang singhot sa akin, tila may hinahanap na amoy.
“King?” rinig kong pagtawag ng boses babae hindi kalayuan mula sa amin. Nagulat ako nang biglang tumalon ang aso paalis sa kalong ko at tumakbo palayo. Sinundan ko ito nang tingin. Huminto ito sa paanan ng isang matangkad na babae na mayroong suot na uniporme ng Magi Academia. “Where have you been?” tanong niya sa aso na humalik-halik sa kanyang binti.
The woman has a naturally brown skin, a beautifully curled hair, and an unformidable beauty that nobody could turn down. I almost gulped down my tongue when I felt a familiar energy within her. Bumalik lamang ako sa sarili nang makitang papalapit sa akin ang aso na si King at ang amo nito. Huminto sila pareho sa harapan ko.
“King must have mistaken you as me,” she said and let out a soft laugh. Nangiti na lang din ako. “Ngayon pa lang nangyari iyon sa kanya, kaya gusto ko sanang humingi ng pasensya sa abala.”
Ibinulsa ko sa jacket na suot ko ang magkabilang kamay ko at tipid na nangiti sa babae. “It’s okay.”
“I’ll leave first, then,” muli niyang sinabi at yumuko bago tuluyang umalis. Napakibit-balikat na lamang ako at bumalik na sa paglilibot sa lugar.
Maya-maya pa ay dumating na ang guests sa grand event at nagsimula na ang program. Pinaupo lahat ng Juniors sa bleachers daan-daang metro ang layo mula sa stage kung saan ginaganap ang duels. Mayroong isang mahabang mesa na pinaiikutan ang stage na para sa mga bisita, ilang opisyal na miyembro ng Academia Committee, at ang Supreme Student Council.
Isa-isang ipinakilala ang sampung miyembro ng MBO sa harapan. I could see and feel familiar faces and energies emanate from them. I’m sure they could do the same way about me—and I’m a fool for not considering that before attending this stupid event.
Dinampot ko ang isang notepad at pen mula sa bulsa ng jacket na suot ko at nagsulat na lang ng mga pangyayari. Nagsisimula na kasi ang unang parte ng training kung saan mano-manong tinuturuan ng mga miyembro ng MBO ang ilang mga estudyante. Abala ang lahat sa panonood at pagsunod sa mga itinuturong atake ng mga ito sa gitna ng stage.
Sinubukan kong mag-focus sa ginagawa ko, ngunit pakiramdam ko ay mayroong mga pares ng mga mata ang nagmamasid sa akin. Sa tuwing ibabalik ko naman ang tingin ko sa stage, abala at seryoso naman ang mga tao roon. Kung kaya’t nag-desisyon ako na tumayo at lumabas muna upang magpahangin. Ibinulsa ko muli ang mga gamit ko at sumibat na. Limang hakbang na lamang ang layo ko mula sa pintuan ng Arena nang biglang mayroong humawak sa braso ko. Napasinghap ako nang tuluyan ako nitong hinarap sa kanya.
“You’re here?” nakangiting sambit ng lalaking humila sa akin. Hayan na naman ang mapang-akit niyang mga ngiti.
“Primo Klausser,” I almost exclaimed and sighed in relief. “Ha, it’s you!”
Tiningnan niya ako na mayroong pagdududa. “Sa pagkakaalam ko, hindi ka Junior. Paano ka nakapasok dito?”
“Well, I’m covering this event.” I forced a laugh and carefully pushed his hands off my arm. “Uh… I gotta go.” Nangiti pa ako sa kanya bago siya unti-unting tinalikuran, ngunit nagulat ako nang muli niyang hilain ang kamay ko dahilan upang mapasubsob ako sa dibdib niya. Nagulat ako nang yakapin niya ako. Sinubukan ko siyang itulak, ngunit mas niyapos pa niya ako sa kanya. I could smell his masculine perfume lingering on his school uniform. I also felt the soft embrace of his energy around me. Kasabay no’n ay ang pagtahimik ng paligid at ang paghaplos ng init ng araw sa buhok ko.
Halos maghabol ako ng hininga nang bitawan ako ni Primo Klausser. Mukhang nakalimutan kong huminga noong ikinulong niya ako kanina sa mga bisig niya.
“What the hell?” bulyaw ko sa kanya nang makabawi ako. Ngayon ko lamang napansin na nandito kami sa pinaka-mataas na parte ng isang gusali. Kitang-kita mula rito ang iba pang mga gusali at magagandang mga lugar sa Magi Academia.
He chuckled. “I just saved you from the MBO.” Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Come again? “I knew? Of course. I’ve been eyeing you since you entered the Arena and I could sense how nervous you were towards them.”
Napakurap ako nang maraming beses ngunit hindi ko maigawang ibuka ang bibig ko. I can’t believe how reckless I am! To think na magkakaroon pa ako ng utang na loob sa isang Mortal na ito.
“I’ll pay you back,” nasabi ko na lamang at naglakad na palayo sa kanya. Narinig ko na lamang ang mahinang paghalakhak niya bago ako tuluyang tumalon mula sa rooftop. I couldn’t think of any way to escape from this pathetic situation quickly!
Pagdating ko sa Krymmenos, pakiramdam ko ay babagsak na ang katawan ko. Sobrang haba ng araw na ito, ngunit ang mahalaga ay naiwasan ko ang Magus Black Operations—at ang gulo!
Napabuntong-hininga pa muna ako bago ako tuluyang pumasok sa silid ko. Hinahanap na ng katawan ko ang kama. It seemed like I am already being used to comfort. Hindi ito ang natutunan ko kay Master Acius!
Pagsarado ko nang pinto, inalis ko kaagad ang mga suot kong sapatos at akmang ibabagsak na ang katawan ko nang mapansin na mayroong isang babae na prenteng nakahiga roon. She was even chewing her favorite blueberry gum. Her long, dark hair draping on her shoulders.
Ramdam ko ang pagdidilim ng mukha ko nang makilala ko ang babae. “Devon.”
Her lips curved a smirk. “It’s nice to see you here, Lierre Kingsley.”