Pagkapasok na pagkapasok namin sa mundo na ginawa lamang ni Master Acius na kaparehong-kapareho ng Magus, ngunit iba lamang ang kalakaran at mga posisyon ng mga tao, ay dumiretso kami sa Kingdom of the Waves. Kasama ko si Primo Klausser na lumangoy rin pababa ng karagatan upang bumisita sa aking tahanan. Taong 2002 kami ipinasok ni Master Poseus. Ito ay noong nandito pa ang aking inang prinsesa at nandito rin ako bilang isang apat na taong gulang na tagapagmana ng titulo niya. Sa taas pa lamang ay nakikita ko na ang mga makukulay na mga kabahayan na gawa sa iba't ibang materyales na matatagpuan lamang sa ilalim ng tubig. Napaka-presko rin sa mata ng mga isda na iba-iba ang kulay at payapang lumalangoy paikot sa nayon. Maraming mga tao na makikita rito sa labas. Lahat sila ay naglalagay

