Nagpaalam na kami sa kanila. Nagpasalamat si Vlad Kayla Lucas at sa matanda. "Magiingat ka Iha. Ingatan mo na masugatan ka dahil maari mong Ikapahamak ito at ng nasa paligid mo." Sabi sa akin ng matanda tumango ako. Alam ko naman yun dahil nga mabango sa kanila ang dugo ko. "Duke, Magiingat ka anak lalo na ngayon na nakainom kana ng dugo ng iyong queen. Mas mahirap pa ang pagdadaanan mo maging matatag ka lang wag kang susuko.Lagi mong pakatatandaan. Kung gusto mo makuha ang nais mo kailangan mo itong ipaglaban kahit anong mangyari at kung gusto mong maprotektahan ang mga mahal mo sa buhay kailangan mong maging malakas at matapang." Sabi ng matanda sa kanya Saka siya tinapik nito sa balikat habang yakap siya nito. Hapon na kami nakarating sa Palasyo. Pagdating namin naabutan namin sila

