*******ALIAH POV#****** Ilang araw na mula ng umalis siya. Hangang ngayun hindi parin siya nakakabalik. Na mimiss ko na siya. Nalilibang ako kayla Tyrah lagi silang nasa tabi ko ni Laire. Hindi na nagpakita pa ang grupo nila Black. Sabi ni Alexa hindi daw magpapakita ang mga yun dito sa Isla hangat nandito ang grupo nila Laire kasi magkalabang matalik daw ang grupo nila Laire at nila Black. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Ewan ko ba kinakabahan ako sa tuwing nakikita ko ang grupo nun nila Black hindi kagaya ng grupo nila Laire na panatag ako. Maaga pa akong nakatulog. Napagod ako sa harutan namin nila Tyrah. Kinabukasan nagising na may nagsasalita sa tabi ko. Kaya dinilat ko ang mata ko. Nagulat ako ng makita ko si Vlad na may kausap sa Cellphone niya. Napalingon siya sa akin. "Good

