Nagulat ako kinabukasan dumating ang mga magulang ni Vlad. Tuwang tuwa ang Mama ni Vlad ng malaman na ikakasal na kami ni Vlad. Tinukso nila kami. Kaya na mumula ako. Tumulong ako sa pagliligpit ng pinagkainan namin Pagdating ng gabi. Seryoso naman na naguusap sila Vlad ng magulang niya kasama sila Tyrah. Tinitingnan ko sila. Ng may lumapit sa akin. "Inday! May pinabibigay sayo ang nanay mo." Sabi nito sa akin. Si Manang ito ang katulong sa malaking bahay nila Vlad kasama siya ng dumating ang mga magulang ni Vlad. Napatingin ako sa binibigay niya. Isang sulat ito. Nagtataka na tinangap ko ito. Ngumiti ito sa akin. "Nakiusap siya sa akin na ibigay ko ito sayo ng malaman niya na pupunta kami dito." Sabi ni Manang. Kaya nagpasalamat ako sa kanya. Tumango siya sa akin. Tinabi ko ito sa bulsa

