****ALIAH POV#*** "Ano ang kapalit nito Pricila?" Narinig kong tanong ni Vlad Kay Pricila. "Ibig sabihin magkakakilala sila. Sabagay matanda na yang si Vlad eh." Bulong ko lumingon sa akin si Vlad. Ngumiti ako sa kanya. Nababasa na nga pala niya ang iniisip ko. "Simple, maging Hari ka ng mga Vampira pamunuan mo sila. Yun lang nakabayad ka na sa amin." Sabi nito. Napakunot ang noo ni Vlad. "Napaka dali naman ng hinihingi ni Pricila. Akala ko pa naman hihingiin niya. Bigyan mo ako ng kayamanan O kaya bigyan mo ako ng Isang Isla.Haays.Yun pala gusto lang niyang maging Hari nila si Vlad." Bulong ko sa isip ko. Tiningnan uli ako ni Vlad. Agad akong tumingin sa malayo. "May tiwala kami Sayo Vlad. Naniniwala kami na dahil sayo magkakaroon ng katahimikan ang tao at Vampira." Sabi ni Donovan a

