"Oo, Duke. Si Aliah ang nagmana ng dugo ng mga pagano. May kakayahan si Aliah na magbigay ng kakaibang lakas sa Isang Vampira at ang dugo niya ang may kakayahang bumuhay sa Isang makapangyarihang Vampira."Sabi ni Manang. Napatayo ako sa kinauupuan ko. "Nasagot na ang matagal ng gumugulo sa isipan ko at kung bakit may mga kakaiba akong naramdaman mula ng mainom ko ang dugo ni Aliah." Bulong ko sa isip ko. "Yan Dina ng dahilan kaya tuluyan ng lumayo si Aliah sayo. Dahil Ayaw niyang malaman ng mga Black na nakainom kana ng dugo niya. Siguradong manganganib ka Duke. Dahil pinatay nila si Escobar dahil inakala nila na nakainom na ito ng dugo ni Drusilla na Isang Pagano. Natatakot sila na maging Isang makapangyarihang Vampira si Escobar. Dahil kapareho morin ito nais nitong ipagbawal ang pagp

